Prolouge

1 0 0
                                    

"Amara!"

Nilibot ko na lahat ng sulok dito sa loob ng mansion at sumigaw nang sumigaw ngunit hindi ko pa rin siya mahanap. Dito na ako nagsimulang magsisi sa lahat.

Kung sana lang ay sa una palang ay hindi ko na binitawan ang mga makikinis niyang mga kamay, hindi na sana siya malalayo sa akin.

Patago kaming naghahanap nang bigla kaming nakarinig ng malakas na kalabog sa kabilang pinto. Sinubukan kong lumabas, nagbabaka-sakaling tama ang hinala kong siya nanga ang minamahal ko. Ngunit pinigilan ako ni Fernando.

"Anong ginagawa mo? Maraming Guwardiya sa paligid, 'wag kang magpadalos-dalos," Sambit niya.

Hindi ko siya pinakinggan at umisip ng paraan kung paano kami makakapasok sa kuwartong iyon. Malaki ang aking hinala na ikinulong nila doon si katrina, mga walang hiya!

"Libangin mo yung isang guwardiyang nakabantay sa kuwartong iyon, habang ako nama'y titingin kung siya na nga ba ang aking hinahanap." Pabulong kong wika.

"Siguro kaba sa pina-plano mo?"

"Hindi ako pumunta rito para tumunganga lang, nandito ako para iligtas ang mahal ko. Kaya gagawin ko ang lahat"

Tumango nalang siya at saka lumabas sa kuwartong aming pinagtataguan upang libangin ang nagbabantay na guwardiya. Pasimple ko namang hinakbang ang kabilang kuwarto. Nakapunta ako rito ngunit hindi ko ito mabuksan. Hahanapin ko na sana ang susi nang makarinig ako ng hikbi sa loob ng kuwarto.

"Palabasin niyo na ako rito, pakiusap."

Agad na bumilis ang takbo ng puso ko. Hindi ko pa siya nakikita ngunit ramdam ko na ang sakit na nararamdaman niya ngayon, kailangan ko siyang maitakas sa lalong madaling panahon.

"Amara, Mi amor."

"W-Winston? Ikaw ba 'yan?" Rinig ko ang pag-asa sa tono ng kaniyang pananalita. Sabik na akong muli siyang makita.

"Oo, mi amor. Ililigtas kita."

Sinusubukan kong buksan ang pinto nang bigla may tumama sa ulo ko. Lumingon ako at nakita si Fernando na ngayon ay nakabihis nang pang-gwardiya.

Agad kong binuksan ang kwarto at nakita  ang pinakamamahal ko, amara. Agad ko siyang niyakap at itinayo na rin dahil wala na kaming natitirang oras.

"Nahanap narin kita, matagal na kitang hinihintay."

Nginitian niya ako at hinalikan. Dinala niya pa rin ang kaniyang mga pana na lagi niyang ginagawa. Hinawakan niya ang kamay ko sabay binasag ang bintana sa loob ng kuwarto. Tumalon kami roon at sa inaaasahan, mayroon ngang mga bantay na nakabatay roon kaya mabilis kaming tumakbo papalayo.

"Mauna na kayo! Lilibangin ko ulit ang mga sundalo!" Sambit ni Fernando sabay lumabas upang harapin mga sundalo.

Lalabas na sana kami nang biglang sumulpot sa aming likuran si Francis. Nakangisi siya sa amin ngayon.

"Akala niyo ba'y isa akong tanga upang hindi ko malamang tatakas kayo mula rito? HAHAHA!" Tawa niya.

Hinigpitan ni katrina ang hawak niya sa kaniyang pana na tila ba'y punong-puno ito ng galit.

"Ano pa ba ang kailangan kong gawin para layuan mo ako?"

"Mahalin mo rin ako, amara."

"Imposible ang bagay na iyan." Malamig nyang sambit.

"Pilitin mo! Pilitin mo Amara!" Sigaw ni Francisco.

Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kuwelyo ng kaniyang damit. Sinuntok ko siya at ipinahiga hanggang sa hindi na siya makahinga. Nagulat ako nang biglang sumigaw si katrina ngunit pagkatingin kong muli kay francisco ay may hawak na siyang kutsilyo.

Sinaksak niya ito sa aking tiyan at tuluyan na akong natumba sa lupa nang binunot niyang muli ito. Nakatingin na siya ngayon kay katrina na ngayo'y umiiyak dahil sa takot.

"P-Pasensya na, Hindi ko sinasadya! Dala lang ito ng galit ko! Hin—"

Hindi na siya natuloy nang itinutok niya ang pana sa kaniya habang lumalapit siya sa kaniya.

"Hinding-Hindi mo makukuha ang puso ko, kailanman."

Pakakawalan na sana niya ang pana nang bigla kong nakita ang isang guwardiya na nagtatangkang tamaan siya ng baril. Tatayo na sana ako ngunit huli na ang lahat.

"Amara!"

Nais kong lapitan siya ngunit hindi ko magawang tumayo nang maayos. Mas lalong nadurong ang puso ko nang nakita ko ang mga luha sa mata niya. Nakatingin siya sa 'kin na para bang huli na ang lahat.

Tumingin lang sa amin si Francisco at tumakbo palayo pagkatapos.

Sinubukan kong gumapang upang lumapit sa kaniya. I held her hand to keep her calm.

"W-Winston, Mahal ko."

"Huwag kang matakot, nandito lang ako." Pagpapagaan ko ng kaniyang loob.

"Hindi ko na kaya, winston. Pagod na pagod na ako." Naiiyak na wika niya.

"Alam ko, kaya nga ako nandito para hindi ka na mapagod, ngunit lalo lang ata akong naging dahilan upang mas lalo kang mapagod."

Tinawanan niya lang ako na tila ba'y ako'y nagbibiro. Nakarinig kami ng kakaibang ingay at saka napagtantong isa itong bomba. Limang segundo nalang at sasabog na ito. Wala na kaming pag-asang makalayo rito.

"Hanapin mo akong muli, winston mahal ko. Sa araw na muli mo akong mahanap, hinding-hindi na ako mapapagod. Pangako."

But before i replied, everything turned black.

Mahal na mahal kita, Amara.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 04, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

THE ARCHERWhere stories live. Discover now