Chapter 9

15 2 0
                                    

Chapter 9






Isang himala nanaman ang nangyari at nagising ako ng maaga. Damn... Hindi naman ako early bird.


Nakakainis na gusto ko pang matulog ngunit hindi na muli akong dinalawan ng antok!


Nakahiga ako ngayon sa kama ko habang iniisip ang mabilis na paraan para matapos na ang pagdurusa ko.


Kahit na iniisip kong galit sila ngayon saakin, hindi ko pwedeng baliin ang napagkasunduan namin ni Xena. I really hope na hindi nya rin ilaglag ang pinakatatago ko.


Bumangon ako sa kama ng may naisip na kagagahan. Mas malaki pa sa mata ng kwago ang mata ni Jiya nang sabay naming buksan ang pinto ng sari sariling kwarto.


"Aba! Biglang nag yelo ata ang impyerno? Aga, ah!" Si Jiya sa tono ng kanyang ina. Natatawa ko syang inirapan. Sabay na kaming bumaba ng hagdan.


Nadatnan namin ang naglulutong si Jenella sa baba. As usual, wala nanaman ang ina ko. Nasa labas naman si tita at kinakausap ang mga halaman nya.


"Itlog nanaman! Wala na bang iba, nakakasawa..." Jiya complained. Nagtungo ako sa cr at inayusan ang sarili.


Nagdala ako ng baunan at inilagay doon ang tatlong prinitong itlog at dalawang pirasong hotdog. Naglagay na rin ako sa magkaibang baunan ng dalawang magkayakap na tasty bread.


Binalingan ko ang nakatunganga saaking si Jiya. Sinusuri nya ang hoodie at leggings na suot ko bago binalik muli saakin ang tingin.


"Mag gi-gym ako," I said when she started to make a questioning look. Tumango tango sya kunyari.


"Sama ako—"


"Hindi pwede!" I cut her off. Nagulat pa sya dahil napalakas ata masyado ang boses ko!


I made an apologetic look and did a peace sign. Nag over react yata ako at baka pa mahalata nya.


"Sige. 'Pag ako ang may secret itago mo rin, ah." Nakangisi nyang bulong.


Napabaling saamin ang nakatutok sa teleponong si Jenella. Kumindat si Jiya ngunit tanging irap ang isinukli nito sa kanya.


Natandaan ko ang sinabi noon ni Shalih saakin kung saan nagtatrabaho ang marungis na Raider na 'yon. Sinunod ko ang sinabi nyang lumiko sa kanan pag labas doon sa Gavilan Patria.


Binaybay ko lang ang gilid noon hanggang sa may makita akong talyer.


Wala namang pangalan ito, at hindi din sinabi ni Shalih kung ito nga ba 'yon pero ang sabi nya malapit lang dito. Hindi man sigurado ay pumasok ako.


Sa bukana pa lang ay kita ko na ang ilang luma at ilan ding magagarang sasakyan. May ilang trabahador na na naroon. Hinanap ng paningin ko ang pamilyar na man bun ni Raider pero bigo akong mahanap 'yon.


Dito kaya 'yon?


"Good morning Miss Beautiful! Anong atin?" Napansin ako ng isang morenong lalaki na nakasandong itim. Ang buhok nya ay maikling kulot, nababalot ng dragon na tattoo ang kaliwang braso at nakasuot din sya ng pantalong gaya ng kay Raider ay marungis.


Pinagpagan nya pa ang sarili bago lumapit saakin.


Tumikhim ako at pineke ang isang ngiti.


"Uhm... Hello, kilala mo ba si Raider?" Tanong ko. Pumasok ako sa loob non at muling iginala ang tingin ko.


Ang daming nagkalat na mga tires at mga materyales na hindi ko alam ang tawag.


When Autumn FallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon