Chapter 8

150 3 16
                                    

"prostitutas? (Moher libre?)" Ani Klay at nagpipigil sa galit.
Translation: (Bayarang babae?)

"Unang salta ko pa lang dito'y iyan na ang tawag sa akin ng lahat. Alam kung ibig sabihin niyon at para sabihin ko sayo hindi ako prostitute. Nagtratrabaho ako ng matino. At desente para suportahan ang sarili ko at pamilya ko. Halos hindi na nga ako natutulog eh. So paano mo naman nasabing tamad kami? Sadyang maliliit lamang ang mga sweldo naming mahihirap. Ang dami pang kaltas." Ani Klay.

"Natural mente. ¡Todo el mundo paga impuestos!" Ani Fidel.
Translation: (Nagbabayad ng buwis ang lahat!)

"Sa tingin ko po, sa inyong mayayaman dapat magmula ang pagbabago sa mundo. Iyong dati kung amo siguro kung may puso siya, kung makatao siya. Sana umaasenso rin kaming nagtratrabaho sa kaniya eh! So you see sa inyong mayayaman nagsisimula ang pagbabago. Para ang mahirap hindi nanatiling mahirap."

"Tama ka binibinig Klay. Siguro nga ay dapat nasa kamay ng mga may kaya ang simula ng pagbabago ngunit hindi naman lahat ng may kaya ay may kapangyarihan. At siguro naaakmang sabihin na dapat nasa kamay ng mga nakakataas o ng makapangyarihan ang simula ng pagbabago ngunit sino namang makapangyarihan ang may bukas ang loob na magbigay ng karapatan na makakapantay sa isang Indio." Ani Ibarra.

"Iyon nga lang po. Selfish talaga ang mga may kapangyarihan. Kaya siguro kung may puso sila walang inaapi at walang mahirap."

"Bibilib na sana ako sayo eh! Ngunit may mali ka rin. Dahil kung lahat ng mga nagnenegosyo at makapangyarihang tao ay mapagbigay hindi magtatagal babagsak ang kanilang katayuan sa buhay. Kaya't siya pati ng mga trabahador niya ay mawawalan ng ikakabuhay." Ani Fidel.

"Tama ka naman sir. Wala naman akong sinabi na bumagsak ang negosyo ng dati kung amo dahil kung nagkataon damay ako diba? Ang sinasabi ko lang gusto kong maging fair siya sa akin sa pagpapasweldo niya sa akin."

"Ano bang alam mo? ¿Qué sabe una mujer como sobre las complicaciones?, en los procesos y métodos de negocio?"
Translation: (Ano bang alam ng isang babaeng kagaya mo sa mga komplikasyon, sa mga proseso at paraan ng pagnenegosyo?)

Maria Clara at IbarraWhere stories live. Discover now