“Ang sabi po ni Yale, ang ibang mahahalagang gamit ay sinama niyo naman po sa kwarto ninyo. Kaya pinayagan niya po ako na bumili ng bago,”

“Pagmamay ari ko pa rin ang naiwan sa kwarto niya. Hindi ko binaba lahat para magamit ng anak ko. Pero sana, nagpaalam ka rin sa akin bago ka nagdesisyong baguhin ang dati kong kwarto.”

“I’m sorry po, mama. Gusto ko lang sana ayusin ang kwarto namin ni Yale. . .”

“You can still do that. Hindi ko lang inaasahan na aalisin mo ang mga dating naroon na. Mamahalin at antique pa ang mga ‘yon.”

“Pasenya na po, mama.”

Natahimik ako. Naramdaman ko ulit ang naramdaman ko noong bigyan niya ng komento ang suot kong pang workout. And now, she bluntly said her disapprove comment about her old furniture being removed to storage room.

Dahil ayaw ni mama, hindi ko pinapasok sa master’s bedroom ang mga binili ko. Pinabalik ko rin ang dinala na sa storage at binalik ko sa dating arrangement ang kwarto. Habang naglilinis, pinatabi ko muna sa dating kwarto ni Yale ang pinamili ko. I went in there to check na hindi magugulo ang kwarto. Nakakahiya at nagmukha na ngang masikip doon. Pero sandali lang naman. Medyo magulo pa roon sa storage room dahil sa palipat lipat na gamit. 

Unang beses kong malilibot ang dating kwarto ni Yale at sa pagkamangha ko, naroon pa ang mga dati niyang gamit. His bed was already big. I smirked. Malaking lalaki kasi kaya ganoon. He had one side table and an old lamp shade. Sa isang corner, ay may study table at chair. Sa taas no’n ay isang bulletin board na may mga naka-pin na litrato. His pictures during his high school and college days. 

Halo halo ang naka-pin. May mga papel sa ilalim tapos ay litrato. Una kong tiningnan ang picture niyang solo. Nakasuot ng pulang jersey at nakaipit ang basketball sa pagitin ng tagiliran at braso. Ang background ay court. I leaned over and stared on his stubbled-free jaw. I smiled. Well, he looked a little bit different. 

In-scan ko ang ibang litratong naroon. May kasamang classmates, teammates at mga guro. Siguro, during his school years, si Yale ang tipo ng estudyante na tahimik lang pero may ibubuga sa klase. Hindi siya palangiti sa litrato. Actually, mukha ngang suplado. He looked mysterious and attractive at the same time. 

Many of his pictures were on the court and was holding basketball. Magkakasundo pala sila ng mga pinsan ko at ni Dylan. Mahihilig din iyon sa larong basketball. 

Some were outside the school building, fast food chain, in the living room with obviously working on his thesis or school project and on his college graduation. Nakatingin siya sa camera pero hindi nakangiti o tipid lang. 

“Mam Deanne, ayos na po ro’n.” 

Binalingan ko si Vee na nakatayo sa bukas na pinto. 

“Oh, okay. Salamat, Vee.” 

Gusto ko pa sanang libutin ang dating kwarto ni Yale pero lumabas na rin ako at sinarado ang pinto. I went back in the master’s bedroom. Ang tanging pagbabagong nagawa ko ay ang pagpapalit ng kurtina. Okay na rin ito. Ang vases ng mga bulaklak ay nakadagdag ng buhay sa kwarto. 

Alas singko y media nang umuwi galing opisina si Yale. I was arranging our clothes in the closet when he arrived in the room. Naabutan niya akong nagtitiklop ng bagong laba niyang damit. Hiningi ko na iyon kay Vee dahil wala akong ginagawa. Bumuntong hininga si Yale pagkakita sa akin. 

Nginitian ko ang reaksyon niya. “Gutom ka na ba?” 

Hindi ako tumayo mula sa pagkakaupo sa sahig. Nasa kandungan ko pa ang damit niyang tinitiklop ko. Siya ang lumapit sa akin at nag squat sa tabi ko. Isang beses niyang tiningnan ang laundry basket at saka ako pagod na tiningnan. It was like a disappointing stare at me. 

Lips Of A Warrior (De Silva Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon