Ang asawa ni Lenny na si Dana ay mahigpit na
kumapit sa bisig ng una na para bang aawatin ito kung sakali mang dadaluhungin nito si Trace.

Ang magkapatid na Lenny at Julianne, matapos muling hagurin ng tingin si Trace ay magkasabay na sinulyapan ang marriage contract na initsa ni Jessica sa coffee table.

"You picked up this man in a pub and married
him?" Julianne whispered incredulously.

"Jess, is this some kind of a joke?" That was
Lenny, in a mixture of anger and horror.
Dinampot nito ang dokumento at dinaanan ng tingin.

"I wish it were, Lenny," she said. "Pero totoo
ang dokumentong nakikita ninyo. You can telephone Judge Campomanes to verify that."

"¿Que has hecho?" usal ni Lenny, nag-uunahan
sa damdamin ang galit, panlulumo, at pagkamangha.

"Dale la culpa a Papà."

"Bakit si Papa ang sisisihin ko gayong ikaw
ang may kagagawan nitong kalokohang ito?"
Tumaas ang tinig nito at tinapunan ng masamang tingin si Trace.

"Kung hindi dahil sa addendum na ginawa niya'y hindi ko gagawin ito. Desperate measures for desperate circumstances."

"For Pete's sake, Jessica, why him?"

"Dahil hindi siya si Richard."

Sandaling natahimik ang lahat sa sagot na iyon. Na tila ba ang ano pa mang nais ng mga itong malaman ay sinagot na niyon. Sa sulok ng mga mata niya ay natanawan niya ang isang lalaking bumababa sa tila pamaypay na malaking hagdan.

Trace looked up and met his eyes. Kung hindi
siya sanay magtago ng ekspresyon ng mukha ay tiyak na mabibigla siya. Bata ito sa kanya ng humigit-kumulang sa tatlong taon. At ang mga mata nito ay nakatutok nang husto sa kanya.

May pakiramdam siyang nagtagpo na sila ng
lalaking ito. Hindi nga lang niya matandaan kung saan at kung kailan.

"Good morning, Aidan," bati ni Jessica.

Aidan ignored her. Tuluy-tuloy ito sa pagbaba,
ang mga mata ay hindi humihiwalay sa kanya.

Nasa harap na niya ito nang umusal ng isang salita, sa pandinig lamang ni Trace.

"Condor."

Fuck.

"Trace, this is my brother Aidan. Aidan, si Trace."

Walang sino man sa dalawang lalaki ang nag-
abot ng mga kamay sa isa't isa. Nagsusukatan ng tingin.

Maraming tauhan ang Agency na hindi
nakakakilala kung sino talaga si Condor. He
wondered how this man knew. Lihim siyang
napailing. This man must be one of the few who knew his identity. Must be an agent himself. Or SEAL. Most SEALs had a wild, hard edge to them. Nararamdaman niya iyon mula rito.

Small world. Gayunma'y hindi niya ito personal
na kakilala. Maybe they had met in one of the
briefings.

"And you married this man?" Aidan's voice was
controlled. Ni hindi pa rin nakatingin kay Jessica, ang mga mata lamang nito ang nagpapahayag ng kakaibang panganib. "Tell me it's a joke, Jess."

Trace had met dangerous men in his lifetime ten times than this man. Gayunman, natitiyak niyang hindi siya sasantuhin ng lalaking ito. But they were his wife's family. At kung tatanggapin siya ng mga ito-sa kung hanggang saan man aabot ang kalokohan nilang ito ni Jessica-ay magagawa niyang pakisamahan ang pamilya ng asawa.

"Do I look like I am joking?" Jessica said with a
stubborn tilt on her chin.

Aidan's eyes flew to his sister. Ang galit ay unti-unting humuhulagpos. "May ideya ka ba kung sino ang lalaking ito?"

"I don't really care," tila batang sagot nito. "He's
not Richard and that's all that matters."

Sa sulok ng mga mata ni Trace ay nakita niya
ang biglang pagtayo ng mga babae mula sa upuan. Si Lenny ay lumapit.

Pero bago pa may makapagsalita ay natuon ang paningin ng lahat sa nakaawang na pinto nang marinig ang pagparada ng sasakyan sa labas ng villa.

Ilang sandali pa'y bumungad na sa pinto si Marco kasunod si Emerald. Kasunod ng mag-asawa ang anak na si Jade na pinatungan lang ng jacket ang pantulog, sa likod ay ang asawang si Kurt.

"Totoo ba ang itinawag mo, Lenny?" bungad ni
Marco, hinanap ng mga mata ang lalaking sinasabing kasamang umuwi ng pamangkin. His eyes met Trace's.

"Jess, hija..." Nilapitan ni Emerald ang pamangkin at niyakap. "Saan ka ba nanggaling? Ano ba ang sinasabi ni Lenny na may lalaki kang kasamang dumating?"

"Trace?" usal ni Kurt nang sundan nito ang tingin ni Marco. "What are you doing here?"

Damn... damn. The world is getting smaller by
the minute.

"Hindi ba ako ang dapat na magtanong niyan?” aniya sa magaan na tono sa kabila ng, tulad ni Kurt, ay namangha rin siyang makita ito sa gitna ng pamilya ng asawa. "Hi, Jade. How are the kids?" he inquired easily, itinatago ang tensiyong nararamdaman.

"Is it really you, Trace?" Jade asked, astonished.

"Goodness, you look like a rogue. Don't you ever shave?" Kumunot ang noo nito at nilinga ang lahat bago muling ibinalik ang nagtatakang mga mata sa kanya. "A-ano nga pala ang ginagawa mo rito?"

"You know my husband?" Nilapitan ni Jessica si
Kurt at ang pinsan.

"Your husband!"

__

Konbawa, this is book 2/part 2 of trace lavigne. Pagpasensyahan niyo na mano mano ulit** Thankyou for your support, doing all this for you guys.
For the love of MC's books.❤️

KRISTINE SERIES 26: Trace Lavigne (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon