Now what?

INILAGAY ni Jessica ang kamay sa mga mata upang protektahan ang mga iyon mula sa nakasisilaw na liwanag ng araw. Sino ang nagtaas ng mga blinds bago pa siya magising?

Slowly, she sat up. Napaungol siya nang maramdaman ang pananakit ng ulo.

Staggering off the bed, she stumbled on the floor and looked down.

Suot pa rin niya ang boots niya. Katunayan, lahat ng suot niya ng nagdaang gabi ay nasa katawan pa rin niya.

Nagdaang gabi!

She wasn't in her room in the villa! Nasa isang
di-pamilyar na silid siya. Mabilis niyang nilinga ang buong paligid. Malaki at maluwang ang silid. Tulad sa villa, walang pintura ang dingding na narra.

Ang amoy ng silid ay yaong tila hindi napapa-
nirahanan nang matagal na panahon. Kahit ang kisame ay puno ng cobwebs. At ang tablang sahig ay namumuti sa alikabok.

Sa tabi ng isang malaking bintana ay isang bilog na lumang mesa at lumang silya na may armrest. May mga carvings ang mga iyon, gayundin ang headboard niya. Ang iilang pirasong kasangkapan ay luma at yari sa mahusay na kahoy.

Wala nang iba pang kasangkapan sa loob ng
silid maliban sa kamang hinigaan niya na walang kutson at wala ring sapin. Buong magdamag siyang nakahiga sa isang kamang yari sa sala-salang uway. There wasn't even a pillow.... Oh, may unan siya. Isang tinuping jacket. Jacket?

Bumukas ang pinto at pumasok ang pamilyar na bulto. May bitbit itong lumang thermos sa kanang kamay at sa kaliwa'y dalawang tasang kung wariin niya ay may mga bungi na ang paligid ng rim.

"So, you're awake," he said in that deep and
masculine voice.

"W-who are you?" Lumabas na iyon sa bibig
niya bago ang pagrehistro sa isip ng pangyayari ng sinundang gabi.

Patuyang umangat ang mga kilay nito. Inilapag
nito sa mesang bilog ang mga dala. Pagkatapos ay muli siyang hinarap at itinuro nito ang isang maliit na pinto sa dulo ng silid na hindi niya napuna kanina.

"There's the bathroom if you want to pee."

She groaned silently. Muli itong tiningnan. He
was naked from the waist up. Ang matipunong dibdib ay nalalatagan ng pinong balahibo na mamasa-masa. Nakapaligo na ito. At tumutulo pa ang mahabang buhok na sinusuklay ng mga daliri nito patalikod.

In the light of day, the man was even more
dangerously attractive.

Nang mahagip ng paningin niya ang ilang pilat
nito sa may bahagi ng balikat. At may dalawang pulgadang pilat din ito sa may ibaba ng kaliwang balikat. Almost near the heart.
Might have missed his heart by a hair.

At bago pa niya maisip kung ano, paano, at saan nito nakuha ang balang tumama rito ay tumalikod ito patungo sa nag-iisang silya na kinalalagyan ng backpack nito. Her eyes widened at the sight of his back. May mga pilat ito roon, bagaman halos hindi na mapuna ay mas marami. May katugon ang pilatnito sa dibdib sa likod.

Could a bullet had hit his chest and passed through his back? She shivered at the thought.
At hindi pa man siya nakakabawi sa pagkamangha ay nahantad pang higit sa paningin niya ang ilang malalabong pilat na naka-crisscross sa likod nito. Tila... tila mula sa isang... latigo!

Agad niyang naramdaman na parang
hinahalukay ang sikmura niya. Ang pagkagimbal at hangover ay sama-samang sumalakay. Halos takbuhin niya ang banyo at pabalandrang itinulak ang pinto at pagkatapos ay dumuwal.

"Are you all right?" Trace asked gently from the
doorway.

Iwinasiwas niya ang isang kamay. Hindi niya
gustong makita siya nito sa ganoong ayos.
"l-iwan mo ako..." At muling nagduduwal.

KRISTINE SERIES 26: Trace Lavigne (COMPLETED)Where stories live. Discover now