Ipinalalagay na ng nakararami na nasawi and
dalawang pasahero ng maliit na eroplano at ang piloto nito. Na ang eroplano ay maaaring bumulusok sa pusod ng gubat na mahirap marating ng mga tao o di kaya ay bumulusok sa isang bangin na hindi matanaw dahil sa kakapalan ng gubat.

May mga taong naninirahan sa paanan ng
bundok na nagsasabing natanaw nila ang eroplano na umuusok ang buntot at pababa nang pababa ang lipad hanggang sa mawala iyon sa paningin.

It had been three weeks. Nasa drawing room
ang lahat sa araw na iyon upang pagpasyahan
kung ipahihinto na rin ang paghahanap ng mga inuupahang private rescue operations group.

"No!" pahisteryang sigaw ni Jessica. "Hindi sila
maaaring huminto sa paghahanap sa Papa't Mama!"

Inabot ni Aidan ang kapatid at niyakap. "Hush,
Jess. You'll make yourself sick."

"Don't let them stop, Aidan. Please... they could
still be alive!" Mula sa pagkakasubsob sa dibdib ni Aidan ay nag-angat ng paningin si Jessica patungo kay Lenny na nakaupo at nakayupyop ang ulo sa pagitan ng dalawang binti. "Magbayad ka ng maraming tao upang hanapin sila, Len! Oh, my god!"

Nag-angat ng ulo si Lenny, inihilamos ang
kamay sa mukha. Ang mga mata nito'y namumula sa hindi miminsang pag-iyak. Dana reached for her husband's hand. Lahat ng posibleng magawa ay isinasagawa upang patuloy na makita ang crash site at ang paghahanap sa mga magulang at piloto.

Inikot ni Jessica ang paningin sa paligid. Then
she turned to Nathaniel Cervantes, in actuality he was her father's nephew, subalit dahil mas matanda ito ng ilang taon kay Bernard ay "Uncle" ang tawag ng lahat dito. And Marco de Silva, her mother's elder sister's husband and the family lawyer.

Kumawala siya mula kay Aidan at nilapitan ang mga tiyuhin.

"W-what do we do now?" Halos hindi lumabas
sa lalamunan niya ang mga salita. Namamaos na siya mula sa ilang araw na pag-iyak. "You can't just allow them to stop the search..."

Niyakap ni Emerald ang pamangkin. "Of course
not, honey," she said with conviction. "Your mother is a survivor. Naligtasan niya ang kamatayan at nagising mula sa comatose pagkatapos ng isang taong mahigit. She will survive the crash along with your father." Itinaas ni Emerald ang mukha upang hindi bumagsak ang mga luhang pinipigil.

"Kung nasa pusod sila ng gubat at buhay,"
patuloy nito, "natitiyak kong kayang gawan ng
paraan ni Bernard ang kagubatan. He survived the war in Vietnam, didn't he?"

"He was young then... he's in his fifties now,
Emerald," wika ni Nathaniel kasabay ng mabigat na buntong-hininga.

"And as healthy as a bull," mariing komento ni
Emerald.

"And what... if... they're wounded? It's been three weeks now," Julianne said with a sob.

Hinila ni Benedict payakap ang asawa. "Hush,
honey. Makasasama sa inyo ng dinadala mo ang labis na pag-iyak. Let's be positive. Umasa tayo na makikita sila ng mga rescue team..."

"Magpapatuloy ang mga pribadong rescue
operation," ani Lenny. "For another week."

"No, Len. Hindi mo maaaring takdaan ang
paghahanap sa Papa at Mama!" pakiusap ni
Jessica.

"Jess..." Lenny stared at his sister, agony on his
face. "They're my parents, too. Nararamdaman ko ang nararamdaman mo. Nating lahat. But we have to move on. May mga kompanyang kailangang asikasuhin. May mga taong umaasa sa atin-" He stopped in midsentence.
The anguish on his youngest sister's face was breaking his heart. "All right... the private rescue operation will keep going...for a month."


NANG araw ding iyon ay pinagpasyahan ng
magkapatid na Lenny at Aidan na bumiyahe patungo
sa Davao upang asikasuhin ang paghahanap sa
bumagsak na eroplano at sa mga magulang.
Zandro, Bernard's half brother, and Karl Anton,
Nathaniel's only son, volunteered to come.
Patuloy sa paghahanap ang mga pribadong
sektor kabilang ang mga bihasang tao na
gumagalugad sa kagubatan. Subalit walang
magandang balitang maibigay ang mga ito.
Makalipas ang isang buwan ay ipinatigil ni Lenny
ang rescue operation subalit nagbigay ng pahayag
na kung may nais na magpatuloy na pasukin ang
pusod ng gubat upang hanapin ang mga magulang
buhay man o patay ay may nakahanda itong
malaking pabuya.
Isang buwan mula nang mangyari ang plane
crash ay umuwi sa isla si Jessica. Her love for horses
made everything bearable. Bagaman naroon pa rin
sa dibdib ang sakit sa nangyari ay natutuhan na
niyang pakibagayan ang lahat. Kung may higit man
siyang dinaramdam ay ang pangyayaring walang
closure. Nobody wanted to bury empty coffins.

KRISTINE SERIES 26: Trace Lavigne (COMPLETED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat