chapter 1

226 17 6
                                    

'hindi ako makapaniwalang magagawa iyon nila mitsui at miyagi sakin..' bulong sa isipang saad ni sakuragi bago tumalikod

Sa hindi malamang dahilan ay biglang sumakit ng husto ang katawan niya, doon niya lang naramdaman ang kirot at sakit, ang bigat na bigla ng pakiramdam niya..

"Narinig niya yata pinag uusapan natin, HAHA!" hindi na nagulat pa si sakuragi ng marinig niya ang boses ni miyagi sa likod niya.

Lumingon siya sa mga ito na may pagtatanong sa kanyang mga mata, hinakbang niya rin ang kanyang paa palapit bago ngumisi.


"Tangna niyo rin, para gawin ito sakin...kapal ng mukha niyo para pahirapan ako ng ganito, mga duwag!" Singhal ni sakuragi na mabilis na hinead bat si miyagi at mitsui na kinasinghap nila tetsuo.

"Ano? Lalaban kana?" Saad ni tetsuo na napapatras bigla dahil binigyan siya ni sakuragi ng matalim na titig.


"Sa tingin mo natatakot ako sainyo? Wala kayong binatbat sakin.. pinag bigyan ko lang naman kayo kanina kasi pino'protektahan ko ang letseng basketball team.. pero ngayon, wala na akong rason para gawin pa ang bagay na iyon." Nakita ni sakuragi ang pag daan ng takot sa mga mata ni tetsuo,miyagi at mitsui.

kilala kasi ng tatlo at nang iba pa kung gaano ito kagaling sa pakikipag laban. Wala ito ni isang inuurungan kahit pa mas madami itong natamo ay nagagawa parin ni sakuragi na baliktarin ang sitwasyon.

"Troublemaker ka talaga.. mabuting mag quit ka nalang sa paglalaro ng basketball, bukod sa wala kang kwenta, ay ibababa mo lang ang team kasabay mo." Galit na anas ni mitsui


"Hindi ka naman iyong dahilan kung bakit ako nag lalaro, wala ka ring karapatang hamakin ang pagkatao ko porket hindi ako marunong magbasketball kagaya mo. Tandaan mo mitsui, bago ka gumaling sa paglalaro yan, naging wala ka rin kwenta sa paningin ng iba." Tila tinamaan si mitsui at miyagi sa sinabi ni sakuragi ng marinig nila iyon. Tama nga ito, noon ay ganon din sila kay sakuragi, walang kaalam alam sa larangan ng basketball.



"Dati iyon, hindi mo na mababago ang katotohanang magaling na kami ngayon.." natawa si sakuragi sa baluktot na pag iisip ni mitsui.



"Wala ka talagang kwentang kausap kahit na kelan mitsui, akala mo ba ginusto ko na makasama ka sa paglalaro? Kung may choice lang ako, hindi ako makikipag team up sa katulad mo." Nakangising saad ni sakuragi na tila nang iinsulto kay mitsui dahil narin sa tono ng boses nito.



"Kung ganon naman pala e, umalis kana. Mag quit ka nalang sa paglalaro ng basketball." Anas ni miyagi na tinignan si sakuragi ng deretso sa mga mata nito.



"Gagawin ko rin yan sa oras na makaganti na ako sa ginawa niyo sakin ngayon."


Saad ni sakuragi bago niya malakas na sinuntok sa mukha si mitsui at miyagi, kada isang suntok ay makikita mo talagang sobrang bigat at sakit non, dala na rin ng kakaibang daing na naririnig sa dalawa. Napaatras sila tetsuo sa nakitang pagliliyab ng mata ni sakuragi sa galit.


tinignan siya ni sakuragi at ito naman sana ang pag babalingan ng mapahinto siya.


"Sakuragi?"


nanigas si sakuragi sa kanyang kinatatayuan ng marinig ang boses ni haruko, dahan dahan siyang lumingon at ganon nalang ang panlalaki ng mata niya ng makitang nandoon din si coach anzai, akagi, ayako,kogure at ang ilan pang player.



"Anong ginagawa mo sakuragi? Bakit mo sinasaktan ang mga kateammates mo?" Tanong ni coach anzai na nakatingin kay sakuragi ng inosente. Iyong tingin na walang bahid na tapang, kundi kalmado lamang iyon.



The GENIUS revengeWhere stories live. Discover now