CHAPTER 1

6.5K 91 2
                                    


"Lindsay, will you please fax these papers to Mr. Gallardo's secretary?" maawtoridad na utos ni Liana sa secretarya gamit ang intercom ng private office niya. Dalawang beses niya pang inulit ng marahan ang habilin na iyon. Naniniguro siyang mabuti na hindi papalpak ang binilinan. She just can't afford any boo-boo or inaccuracy today.

"Yes ma'am!" maagap namang sagot ng nasa kabilang linya.

"And...Wait. Would you mind to repeat what I have just said?"

"I need to go there in your office ma'am and get the papers that should be faxed to Mr. Gallardo's office?"

"Right."

Naniniguro na talaga siya. Paranoid na kasi si Liana ngayon, paano ba naman sa loob ng linggo na ito ay sunud-sunod niyang sinisante ang apat na sekretarya matapos na mawalan siya ng malalaking kliyente dahil sa mga maling gawa ng mga ito. And she just can't afford to lose another contract right now, no, no!


Tapos sa magagandang schools, may matataas na grado at magagandang scholastic records ang mga tauhan niya sa kompanya. Mahigpit siya lalo na pagdating sa pagpili ng sariling sekretarya. A secretary would be like your own shadow, if she fails, for sure you too. That's why a more than excellent secretary is what her company is asking. Pero nitong mga nagdaang linggo ay nagtataka siya kung ano ang pinaggagagawa ng apat na magagaling na sekretaryang iyon at makailang ulit na gumawa ng katangahan. Sayang ang gaganda pa naman, kaso puro lang ata katawan ang kayang ipagyabang!

Una ay si Vicky Mendez, she had personally picked this young lad to be her personal secretary, at ang tatlong sumunod dito na sina Ella, Helen at Gwen ay mga sekretarya naman sa ilang depertamento ng kompanya na ipinahugot na lamang niya ng biglaan, dahil nga sa gagahulin na siya sa oras kung magpapa job post pa siya.

Kaya nga sa ngayon ay lumevel-up pa talaga ng husto ang kahigpitan niya. Dahil sa mga sekretaryang ito ay malamang na malugi siya pag nagkataon. Napahawak sa sintido si Liana sa dami ng iniintindi sa opisina ngayon, pero sa kabilang banda ay maganda na rin ang matabunan ng malaking problema sa kompanya para matakasan niya ang pag-iisip sa isang kakatapos na hinanakit.

Hay, what's wrong with these people? Are these signs na malas ako pagdating sa sekretarya na babae? Coincidences lang ba na halos malugi ako ngayon dahil sa kaeng-engan ng mga taong ito, at sa katotohanan na the reason why I split up with my boyfriend is my goddamn secretary? What kind of jinx are female secretaries got to do in my life? I lost my boyfriend for a sonofabitch secretary...I won't let this business to be ruined for the same reason!!!

Dalawang oras na ang lumipas ay wala pa ring natatanggap na update si Liana buhat sa ipina-fax na mga documents. kung kaya kinabahan na siya. Wag naman sana!Oh my God! No! No! No! Please! Bulong niya sa sarili.

Ngunit hindi pa siya nakakahugot ng hininga ay tumunog na ang telepono niya. Masama ito, sapagkat sinasabi ng instinct niya na- this is bad news!

"Hello?" tanong niya.

"Yes, Ms. Williams, this is Mr. Gallardo, sinadya ko ng ikaw ang kausapin. Just to clarify some error here. No, to tell you frankly big errors! You had sent me documents that I believe na hindi para sa akin. I'll send it back to you and you better fire your secretary." May diin ang pagkakabigkas ni Mr. Gallardo sa salitang secretary.

"I'll look unto it Tito and sure, I will fire that woman! Great Apologies Tito!"

"No apologies needed Liana, fax me again the documents that I truly needed ok?" May mahinang tawa na habilin ng nasa kabilang linya.

"Yes, tito."

Mabuti na lamang at kaibigan ng papa ni Liana si Mr. Gallardo, kapag nagkataon ay mawawalan na naman ng kita ang kompanya niyang ito. What a year!Kapag tinamaan ka nga naman ng sandamakmak na kamalasan!

Wala pang limang minuto ang nakalipas ay natanggap na niya ang mga maling dokumento na naipadala ng napakatanga niyang sekretarya kay Mr. Gallardo. At napanganga talaga sya sa nakita.

Hotel reservation for Ms. Lindsay Ferrer and Mr. Ronald Reyes Paragas. Room 2019. Ang iba pang detalye ay mga features ng nasabing hotel, promos at iba pa. Nag init ang ulo ni Liana sa nalaman. Daig pa niya ang umuusok na ilong ni Tom the cat kapag naiisahan siya ni Jerry the mouse. Mr. Paragas is one of the stock holders of the company and no one can deny how wealthy and how much of a womanizer this man is. At babago pumasok sa isip niya na malamang na ang mga sekretarya niya ay pumapalpak dahil busy sa pakikipaglandian at pamimingwit ng malalaking isda ng kompanya. Tae! Tae! Tae talaga ang panahon na to! Hookers are not allowed in my company!

Noon din ay pinuntahan ni Liana ang kanyang bagong bago pa naman ding sekretarya. Kung hindi lamang nakakawala ng poise at breeding ay babatuhin niya ito ng kanyang suot na stiletto. Hindi siya mangingimi na gasgasan ang sinasamba niyang sapatos, para lamang makasiguro na masasaktan talaga ang mukha ng babaeng ito.

Sa sexy, sa kinis, sa ganda kong ito ay talagang nakakawindang at nakakapangit na ng bangs ang kaepalan ng mga kumag na sekretarya na ito e. Pitikin ko kaya ang utak ng babaeng ito ng matauhan at maalala niya na binabangaw na at kinain na ng zombies ang utak niya. Bakit nga ba kasi may mga taong mukhang may poise, mukhang class pero ang totoo walang breeding at walang elegance. Con artist nga talaga, oo. Ang motto na ba talaga ng mga babae ay "gagawin at ipapakita ko ang lahat maiahon lamang sa hirap ng sinumang mayayaman?" Poor world, kung ganoon.

HOT HEELS AND HOT WHEELS (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon