Prologue

313 6 2
                                    

A/N:Asahan niyo po ang wrong grammar at grammatically errors. so yun lang po^•^enjoy reading!!

Nathalie Anne Navarro's POV

Tahimik akong nagtatanim ngayon sa bakuran ng aming bahay.sabado ngayon kaya malaya kong mapagtataniman ng samut saring mga bulaklak ang gilid ng aming bahay.

Mula pagkabata'y mahilig na kasi talaga ako sa mga bulaklak dahil pakiramdam ko ay nakakagaan ng loob ang mga ito.

Nakangiti akong tumayo nang matapos ko na ang aking ginagawa.halos magtititili ako sa sobrang tuwa dahil sa matingkad at maganda nitong kulay na bumagay sa mga kasama niya.

"Uy Nathalie!" rinig kong tawag sa'kin ng kung sino kaya nilingon ko ito.mas lalo akong napangiti ng ang matalik kong kaibigan pala ito.

"Arnie!ang aga natin ngayon ah," sabi ko dito habang kumakaway.mabilis naman siyang pumasok sa bakal naming gate at lumapit sa akin.

"Gaga ka!wala ka na ba talagang mapagtuunan ng pansin at palagi na lamang bulaklak ang kasama mo?"bungad nito sa akin kaya natawa ako ng mahina.

" paborito ko mga bulaklak, Arnie kaya wala kang pake okey?tsaka bakit ka naparito ang aga pa ah?"nakakunot noo kong tanong sa kaniya.alas sais pa lang kasi ng umaga pero ang baklang ito ay ang aga ng mangapit bahay.

Oo bakla si Arnie kaya hindi ako naiilang na palagi kaming magkasama.

Nakakuha naman ako ng batok sa kaniya bago umirap.natawa na lamang ako.

"Sama mo na talaga Nathalie, aba!parang hindi mo nako friend ah," nagtatampo niyang ani at inirapan na naman ako ng ilang ulit.napailing na lang ako sa kadramahan niya.

"'To naman hindi na mabiro." nakangisi kong sabi bago napanguso.

Hinarap niya ako at ganon na lamang ang pagkatigil ko ng maging seryoso ang kaniyang mukha.

"Nakita ko kagabi si Drake,may ka-akbayang babae.naku Nathalie sinasabi ko sayo,hiwalayan mo na yang boyfriend mo!"galit niyang utos sa akin habang ako ay napatulala naman sa kung saan.

S-si Drake?

natawa ako ng mapakla.ito na ata ang sampung beses na may nagsabing nagch-cheat sa akin ang boyfriend ko.pero wala ni isa sa kanila ang pinaniniwalaan ko.kahit na ang bestfriend ko pa mismong si Arnie.

Mahal ko si Drake at alam kong mahal niya rin ako.nararamdaman ko iyon sa tuwing magkasama kaming dalawa kaya nga hindi ko kayang maniwala sa mga sinasabi ng iba e.

Sabihin na nila ako ng tanga,at manhid pero wala akong pakialam.mahal ko si Drake e.hindi ko kayang mawala siya sa buhay ko.

Naramdaman kong may tumapik sa braso ko at nakita kong si Arnie iyon.

" Arnie,kung anuman ang nakita mo,pwede bang kalimuta--"hindi ko natuloy ang sasabihin dahil sa pagsabat niya bigla.

"Ano?!kalimutan?naririnig mo ba ang sinasabi mo Nathalie?! wagmong gawing tanga ang sarili mo sa lalaking hindi ka naman gusto!magisip-isip ka nga!" pinakalma niya ang sarili at naiirita niya akong tinitigan.

Bumuntong hininga ako at sandaling napatingin sa bulaklak.sa totoo lang ay hindi ko talaga alam ang dapat gawin.magkaiba ang isinisigaw ng isip at puso ko.

Pero sa tuwing magkasama kaming dalawa ni Drake,umiiba ang pakiramdam ko e.hindi ko ma-imagine ang sarili kong may minamahal ng iba.sheyt!mahal na mahal ko talaga ang lalaking iyon e!

Huminga ako ng malalim bago ko ibinaling ang atensyon kay Arnie na nakasingot habang nakatingin sa kawalan.

"Arnie,ayokong gawin ang gusto mo."

Kita ko ang pag-iling niya ng dalawang beses.

"Manhid ka na--"

"Manhid na kung manhid ,Arnie pero mahal ko siya.mahal ko si Drake at hinding hindi ako makikipag-break sa kaniya," humina ang boses ko at nararamdaman ko na ang pamumuo ng mga luha ko.ang sakit taena!

Narinig ko pa ang marahas na pagbuga niya ng hangin bago ako napahikbi.binigyan niya ako ng isang mahigpit na yakap kaya ginantihan ko iyon.

"Haist.kung hindi lang talaga kita kaibigan ay matagal na kitang dinedma," maarte niyang aniya na ikinangiti ko.narinig ko na naman ang pagbuntong hininga nito na para bang hirap na hirap."nyemas!ako ang nahihirapan sayong gaga ka e!"natawa nako don ng mahina.

Buti na lang talaga may kaibigan akong kagaya ni Arnie. Ewan hindi korin naman hiningi pero kusang dumating.Naol.

"Basta wag na wagka lang iiyak sa harapan ko kundi naku!ako pa mismo pipingot sa tainga mo." tumango lang ako sa sinabi niya sabay ngiti.

"Thankie Arnie!the best ka talagang hindut na bayut!" Sinamaan niya lamang ako ng tingin pero di kalauna'y nagsitawanan narin kaming dalawa.

___
++Thanks for reading!! Mwa mwa^•^

THE WATSON BROTHERSWhere stories live. Discover now