Part 2

3 0 0
                                    

Umuwi akong mabigat ang dibdib ko. Hindi ko tanggap ang nasasaksihan ko sa panaginip ko. Para akong pinagkaitan ng kaligayahan na minsan ko lang maramdaman sa tanan ng buhay ko.

"Ayos ka lang? Umiyak ka ba?" taka ni ate sa akin. Hindi ko siya sinagot. Umiling lang ako at pumasok sa kwarto.

Buong gabi ko iyon dinamdam. Buong gabi ring hindi naalis sa isip ko ang nangyari sa panaginip ko. Ang sakit.

Halos malate ako kinaumagahan sa pagpasok ko. Hindi na ko muling bumalik sa punong iyon. Sa lugar na iyon. Alam kong iyon na ang huling pagkikita namin sa panaginip ko. Iyon narin ang tanging ala ala na babaunin ko habang nasa totoong mundong ginagalawan ko ngayon.

Ilang buwan pa ang lumipas. Lagi kong nadadaanan ang punong iyon ngunit hindi na ako tumatambay roon. Bumabalik lang muli siya sa isip ko.

Isang araw, habang naglalakad na ako at papauwi na, napansin ko ang isang babae na base sa mukha nito ay nasa 50's na ito. Napansin kong may dala itong bulaklak at nilagay sa ilalim ng puno na kung saan, doon ako laging tumatambay. Nagtirik din ito ng isang kandila na kinakunot ng noo ko. May namatay ba doon?

Lalapitan ko na sana ang ginang ng may nilabas ito mula sakanyang bitbit na bag. Isang larawan na kinatakip ko ng bunganga na makita ang taong nakaprinta roon.

"Anak. Isang taon na rin ang nakalipas ng mawala ka sa akin. Ang punong ito ang lagi mong tambayan kapag gusto mong mapag-isa. Pasensiya ka na at hindi ako naging mabuting ina sa iyo. Aakuhin kong kasalanan ko ang pagkawala mo. Maling mali ako anak. Patawarin mo ako." Hagulgol niya habang sinasambit ang bawat salitang nakakapagpabigat sakanya.

Ibig sabihin? Patay ang ang lalakeng napanaginipan ko lagi sa lugar na iyan? Biglang tumayo ang balahibo ko sa nalaman. Agad akong kumaripas papaalis ng campus. Hindi ako makapaniwala sa nalaman.

Pakiramdam ko ay para akong napagtaksilan ng mismong sarili ko. Paano ako nahulog sa isang tao na tanging sa panaginip ko lang nakikita at ngayon na nalaman ko pang matagal na pala itong patay at sa mismong pinagtatambayan ko ay doon din pala siya tumatambay dati noong buhay pa siya.

Paanong nangyari din na parang buhay siya kapag nakikita at nakakasama ko. Ramdam ko rin ang bawat hawak ng kamay nito. Titig na parang may pinapahiwatig at ngiti na tanging nagbibigay ng pag-asa kapag nasisilayan mo.

Sa mga tanong na dumapo sa isip ko, isang tanong lang ang sumakop sa mga iyon. Bakit at paano siya namatay? Anong nangyari sakanya? Sino rin siya at bakit sa panaginip ko lang siya nagpakita? May gusto kaya siyang ibatid sa akin?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 16, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Saddest Dream (ONE SHOT)Where stories live. Discover now