Nang matapos ako ay tiningnan ko muna ang wall clock. It is already three in the afternoon. Gano’n na ba ako katagal dito sa kusina? Oh well, wala naman akong gagawing importante ngayon. I am just very lucky that I am all alone in our mansion. Minsan kasi, hindi ako iniiwan ni Ate Lisha dahil wala naman rin siyang gagawin sa labas. Minsan si Lucas naman ay maglalaro lang ng video game sa sala. Kaya I am happy because I am all alone. Peaceful. Walang maingay. Dahil kapag nandito si Lucas para akong nandoon sa construction site! Sobrang ingay! Hindi nga ako maka-idlip eh, dahil full volume ang tv palagi. Grrr. I don’t really like his addiction on games!

Nagbuntong-hininga ako saka nagsimulang maglinis. Bakit ako ang naglilinis? Because we don’t have maids, even driver. Tanging si Ate Lisha lang talaga kasama namin. Hindi ko nga alam kung paano niya kami pinalaki, eh. Eh, wala nga rito ang magulang namin. Where are they? Nasa malayo, may ginagawa raw. Yeah, right. As if I believed that. Ang sabihin nila hindi nila kami gusto kaya iniwan nila kami. Ni hindi ko nga nakita ang mukha nila kahit kailan, eh. Basta ang naalala ko ay nandito na kami ng kapatid ko sa mansyon na ito kasama si Ate Lisha. Siya lamang kasama namin simula pa lamang. Wala ng iba.

Bakit kami walang maid at driver? They are some things that I cannot tell, WE cannot tell. Ayaw ni Ate Lisha na magkaroon kami ng gano’n. And we understand. It is for our own safety. We are not like other people. We are dangerous than the most dangerous being here on earth. We are different. Baka magulat pa sila kapag nakita ang kakayahan namin. O baka magsumbong sila sa gobyerno, resulta no’n ay ha-huntingin kami. Tsk! Pathetic.

Ilang minuto ang nagdaan ay natapos na rin ako sa paglilinis ng kusina. Napa-aray pa ako nang sumakit ang likod ko. Sinong hindi? Eh, ang laki ng kusina na akala mo ay maraming taong kakain dito, eh, tatlo lang naman kami. Tsk. Bakit ba kasi mansion ang tinitirhan namin?! Pwede namang simpleng bahay lang. Pa-rich din ‘tong mga magulang namin, eh.

Oo, binigay nila ‘to sa amin. Akala naman nila ang cool tingnan. Eh, ang sakit nga sa paa dahil sa kakalakad sa ilang bahagi ng mansion. At saka, ang tahimik ng nakapaligid dito. May mga bahay naman sa hindi kalayuan kaya minsan napapasimangot ako dahil kapag may dumanaan dito na tao o mga sasakyan ay napapatingin talaga sila, may kasama pang hinto. I hate attentions.

Umakyat ako sa kwarto ko at pabagsak na humiga sa aking kama. Sobrang pagod ako. Sana pala hindi ko nalang ginawa iyon. Pwede naman akong magpa-deliver. Tsk! Hindi ka talaga nag-iisip, Lav.

Kinuha ko ang aking bulsa saka binuksan ang facebook. I was scrolling down. Kumunot ang noo ko nang may nag-add sa akin. Binasa ko ang pangalan ng taong iyon.

“Fiara Jazmine Crowther.”

Kumunot ang noo ko dahil doon. Why do I feel like her name is familiar? Parang kilala ko na ito, eh. Hindi ko lang maalala kung saan ko narinig ang pangalan niya. And Crowther? Pamilyar talaga.

Tiningnan ko ang profile niya. She is wearing a green dress while sitting in the middle of a lot of flowers. Nakapalibot sa kaniya iyon. Hindi siya nakatingin sa camera dahil nakatingin siya sa mga bulaklak habang may malaking ngiti. Parang kuminang-kinang ang kaniyang mga mata. Her eyes is yellow. I think it’s contacts.

Hindi ko alam pero she symbolizes someone. Someone that I know…

Iniling ko ang aking ulo saka itinabi ang cellphone ko sa study table. I must be overthinking. Hindi ko naman kilala iyon. Baka may kamukha lang talaga. Baka nakita ko na siya sa school pero hindi ko lang napansin. Madami naman kasing students doon, hindi possibleng isa siya sa mga ‘yon.

Humikab ako saka tumitig sa kisame. Bakit parang may kulang sa akin? Yes, I am feeling a peaceful and a normal life. Walang gulong nasasangkutan, ngunit parang may mali. Why do I feel like there is a missing piece inside my heart. I should be contented on my life. I should be happy and living the life. But why is it hard for me to be like that? May gusto ang puso ko ngunit hindi ko alam kung ano. I am feeling imperfect? Hmm… baka dahil wala akong friends.

Unknown Connection (Completed).Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon