Nahihilo ako kaya humawak ako sa may metal above my head, then I rested my head on my arms na naka-hang. Tapos pumikit ako. Wala akong pakialam kung makatulog ako, total last stop naman ako, gigisingin din ako ni Kuya driver.





*Click*





May narinig akong shutter ng phone. Who the heck took a picture in this kind of situation?! Kahit nainis ako hindi ko pa rin pinansin.





*Click*




What the?!





Nung ibinuka ko ang aking mga mata nakita ko nalang yung wanna-be-rich-guy na panay ang pagse-selfie. I slightly tilt my head on the side. Nangingibago lang ba siya sa pagsakay ng jeep kaya siya nagselfie o gusto lang talaga niya ipagsigawan sa buong mundo na may iphone6 plus siya?!




"Excuse me, can you take me a picture?" he asked me.




"Yeah sure. Half body?" balik kong tanong.




"Yeah-yeah! Half. Thanks. here." then he handed me his iphone. Nako! Kung hindi lang ako mabait baka tumalon na ako pababa ng jeep at tangayin ang iphone niya.! Baka hindi niya alam na marunong akong mag-hack ng password para ma-change ang icloud account niya at para hindi niya ma-track ang iphone niya. But still I politely obey him.




Gusto niya ng half body picture diba? Pwes. Bibigyan ko siya ng half body picture.





*Click*





"Here." pangiti-ngiti kong sabi sa kanya sabay soli sa phone.




At sinong may sabi na lahat ng half body pictures ay mula ulo hanggang bewang? Tss.. What I did is I took a half-body picture of him from waist to toe. Sabi niya HALF BODY DIBA?! Well pasensya siya, sa mapangtrip niya binigay ang phone niya.




"Thanks." sabi niya. At hindi na siya nagkaroon ng panahon para tingnan uli yung photo kasi nasa may Sm na kami, which means bababa na siya. THANK GOD!





Sa hinaba-haba ng byahe ay hindi ko napansin na kami nalang dalawa ang nakasakay sa jeep. Medyo madilim na rin. Pag-abot niya sa bayad kay kuya driver ay agad itong sinuli.




"Sir, wala po ba kayong mas maliit na pera jan? eight pesos lang po." sabi ng driver.



One Shot Collection Where stories live. Discover now