"Yes, I guess so kasi walang masyadong pasyalan sa mundo namin. Kumbaga, piling lugar lang ang pwede. Iyong parang halos exclusive ang lugar. Hindi kagaya rito na kung saan mo gusto ay pwede." Iniayos pa niya ang kanyang kape na ngayon pa lang ibinigay ng waiter sa amin. "Hindi rin pwedeng wala kang sasakyan dahil walang commute sa mundo namin. That is why parang naging ignorante ako kanina." Matunog pa siyang tumawa.

"Do you really wanna go to place?" tanong ko pero nasa tasa lang ang aking paningin habang hinahalo-halo ang kape.

"Of course, I do. My parents would probably worried about me. Pero ayaw mo na bang makasama ako?" diretsong tanong niya sa 'kin dahilan para mapahinto ako't mapaangat sa kanya ng tingin. "Honestly, unti-unti ko na rin kasing nagustuhan ang mundo ninyo," dugtong pa niya na may kasamang ngiti sa kanyang labi.

"Hindi naman sa ganoon. Syempre, gusto kong nandito ka kasi may kasama na akong mamamasyal. May kausap na ako palagi. Si Venzyl kasi ay palagi akong iniiwan at bihira lang akong isama sa date nila ni Zyrel," sagot ko naman saka tinikman itong kape. "Oh, taste so good! Try it," pag-iiba ko ng usapan.

"Everything is happened for a reason. Kaya siguro nandito ako ay may mga bagay na naging dahilan para mapunta ako sa lugar na 'to. Siguro rito ko mahahanap ang salitang healing at peace of mind."

Hindi na lang ako dumugtong pa sa sinabi niya at ini-enjoy ko na lang ang view. Ayoko kasing maging malungkot dahil ito ang unang pagkakataon na lumalabas kaming dalawa. Gusto ko kasing maging masaya ito at memorable para pagbalik niya sa mundo nila ay matatandaan niya ito.

"Saan mo pa ba gustong pumunta?" tanong ko at napatingin naman siya sa akin.

"I just wanna walk around. Something excited," aniya at tumango-tango naman ako bilang sagot saka muling sumimsim nitong kape.

Pagkaubos ng kape namin ay kaagad kaming umalis at pinagbigyan ang gusto niya. Dinala ko siya rito sa High Park kung saan best spot ito para sa mga gustong mag-hiking. Ito kasi ang pinakamataas na bundok sa lugar na ito at talagang nakapagpagabag ng puso ang tanawing makikita mo mula sa itaas.

"This is so much exciting!" aniya at sobrang lapad pa ng kanyang ngiti. Habang ako ay halos hindi na maibalik sa normal ang butas ng aking ilong dahil sa hingal. "Malapit na ba tayo sa tuktok?"

Umiiling-iling pa ako habang nakahawak sa aking dalawang tuhod. "Wala pa tayo sa kalahati," habol-hiningang sagot ko saka uminom ng tubig.

Hahakbang na sana ako nang lumapit siya sa akin at marahang hinawakan ang aking kanang kamay. "Let's go?" aniya pero parang nawala ako sa sarili ko dahil sa kanyang ginawa. "We can do this. Behind this challenge we take, there's beautiful sceneries waiting," dugtong pa niya habang matamis na nakangiti.

Habang humahakbang kami paakyat sa tuktok nitong bundok ay sa kamay lang namin ako nakatingin. Tila ba'y lumulutang na lang ako sa ere at hindi na nakaramdam ng pagod. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng aking puso at natatakot akong maramdaman din niya ang lamig ng aking kamay. Hindi na nga ako nagsalita pa at kunwari nakatuon lang ang atensyon ko sa inaakyatan naming hagdan.

"Wish ko ring may hahawak sa kamay ko habang nagha-hicking," rinig naming sabi ng babae kasama ang mga kaibigan niyang babae rin na pababa na.

"Ang landi mo naman, Zanya!" tutol pa ng isang babae habang nagtatawanan. Iyon tuloy ay mas nangingibabaw na ang ilang ko ngayon.

Huminto ako at napahinto rin itong si Trevor saka takang tumingin sa akin. Nag-iwas naman ako saka marahang binawi ang aking kamay. Hindi ko na kasi mapigilan ang ilang at panlalamig ng katawan ko. Hindi ko rin maipaliwanag ang nararamdaman ko habang hawak-hawak niya ang aking kamay.

"Don't mind them, Andriana. Isipin mo na lang na journey nating dalawa 'to at tayong dalawa lang ang pwedeng magtulungan para maabot natin ang tuktok," aniya habang nakaturo sa itaas.

Tsk! Bakit parang ang lalim ng mga pinagsasasabi niya?

Pilit na ngiti na lang ang iginante ko saka nagpaumuna sa kanyang maglakad paakyat. Alam ko rin na malapit na kami dahil sa mga signage na nakalagay sa gilid kung ilang metro na lang ang layo papunta sa pinakaitaas. Wala pa nga kami sa pinakatuktok ay makikita mo na ang magagandang tanawin sa baba kaya mas lalo akong na-excite na makarating kaagad sa gusto naming puntahan.

Finally, nakahinga na ako ng sobrang maluwag. At talagang hindi na mawala sa mukha ko ang ngiti habang nakatanaw sa napakagandang tanawin. Pakiramdam ko nga ay nakikita ko na ang dulo ng dagat at pati hugis ng mundo dahil sa kita ko na ang lahat mula rito sa aking kinatatayuan. Iyong mga malalaking barko at matataas na building ay parang mga langgam na lang kung titingnan mula rito.

"So beautiful," wala sa sariling usal ko habang nakahawak sa railings at sinisinghot ang napakapreskong hangin.

"Thank you for bringing me here, Andriana. This is the most beautiful thing I've ever seen in my whole life," aniya habang nakapikit at hinahayaang guluhin ang kanyang mga buhok ng hangin.

Ginaya ko rin siya at dinamdam ang lamig at presko ng hangin. "Hindi pa ito ang pinakamaganda, Trevor. Alam ko na darating iyong mga araw na masasabi mo rin na iyon ang pinakamaganda sa lahat. But anyway, thank you rin sa pagsama mo sa 'kin. Hindi na ako lonely girl." Sinabayan ko pa ng tawa at nang wala akong matanggap na sagot ay saka lang ako nagmulat. Hindi pa rin nawala ang ngiti ko habang nakatingin sa kanya.

Siguro naramdaman niyang nakatitig ako sa kanya kaya rin siya nagmulat at tumingin sa akin. Nagtagpo ang mga paningin namin at ngayon ko lang naramdaman na hindi na ako mag-isa. Na may kasama na ako. Pero unti-unting nawala ang ngiti ko nang pumasok ang isang tanong sa aking utak.

Hanggang kailan ko siya makakasama?

"If I could wish na rito na lang ako. Gugustuhin ko na, Andriana. I feel like I'm home kapag nandito ako," aniya kaya pasinghal akong natawa saka nag-iwas ng tingin sa kanya.

Ang dali lang pala magbago ng isip ang isang 'to.

Pero alam ko naman na hindi iyon pwede dahil magkaiba ang mundo namin. Isa akong tao, samantalang siya ay isang fictional character na napadpad sa mundo ng mga tao. Kahit ako ay gustong umasa na rito lang siya palagi. Naging komportable na ako sa kanya kahit ilang araw pa lang kaming nagkakilala at nagkasama.

Ngayon, hinihintay lang namin na tuluyang lumubog ang araw. I never experience witnessing sunset before kaya ngayon, I am so glad dahil sa wakas nakikita ko na rin kung gaano kaganda ang araw kapag palubog na. Napakapayapa na ng paligid at siguro kaming dalawa na lang ang nandito sa tuktok habang nakaupo rito sa ibabaw ng malaking bato.

"Tara na? Nagugutom na 'ko," sabi ko saka tumayo. I offer him my hand pa para makatayo siya at tinanggap naman niya ito.

"Gusto kong bumalik rito," aniya habang pababa na kami.

"Tsk! Dont worry, babalik pa tayo rito," wika ko.

Matunog naman siyang tumawa. "Is that a promise?" aniya at nakangiting napatango naman ako.

Ilang minuto lang ay sa wakas nakarating na rin kami sa baba. Dahil sa gutom ay dumiretso kami sa pinakamalapit na restaurant at nag-order ng gusto naming kainin. Kagaya ng nakasanayan ay halos lahat ng mga babae ay lilingon talaga kay Trevor. Naririnig ko na naman iyong mga bulung-bulungan at walang pinagkaiba sa mga naririnig ko lately.

No wonder why na sa umpisa pa lang ng kwento niya sa libro ay pinagkaguguluhan na siya ng mga babae. He is really an ideal boyfriend. Pero alam ko naman ang limits ko. He has a girl and I am sure that he loves her the most.

Hidden PagesDove le storie prendono vita. Scoprilo ora