NOTE:
THIS story contains mature content-eme lang!
Plagiarism is a crime, so I will never ever tolerate you once you copy my story without any authorization and proper compensation. I am not a good writer so please bear with me. Expect a grammatical errors and wrong typos.
Once again, welcome to Another Chubby Life,
Yours Truly
....
TAWA ako ng tawa ng matapos ang season 4 na linalaro kong video game. Paano ba naman kasi, natatawa talaga ako sa epic na mukha ng villain. Pinagbubugbog ko pa ang bruhildang kontrabida sa linalaro ko at siyempre, sa huli nanalo ako!
Yes naman!
Halos kinikiliti singit ko sa kilig. Kinikilig talaga ako sa naging ending sa love story namin ng aking bebe. Nag-kiss kasi kami ni Bardo (torrid pa) tapos nag alaga kami ng puting kuneho na nagsasalita. Sumayaw kami ng 'wet the bed' tsaka nag-date din at ipinakilala niya na ako sa kaniyang parents!
Kapag naaala ko kung paano niya hinawakan ang character ko sa bewang halos mangisay ako sa kilig!
Ang fafa niya kasi! At yummy pa!
Pero ng maalala ko ang news noong isang araw. Pagbagsak akong nahiga sa sahig. Bakit kasi wala ng season 5? Nakakapanghinayang! Agad akong napailing. Next week na lang ako magpapaka-sad gurl. Dapat naka-ngiti lang ako. Gusto ko muna mag celebrate kami ng mga alaga kong paru-paro sa tiyan. Magsasaya lang ako ngayon dahil nakamit namin ni Bardo ang ending.
Tama! Dapat happy lang!
Napahikab ako ng maramdaman ang pamimigat ng aking talukap na sinyales na gusto ko ng matulog, pero hindi pa rin nawawala ang ngiti ko sa'king labi.
I'm not crazy, ha!
Kinikilig lang!
Napahimas ako sa mataba kong tiyan. Ilang araw na din talaga ako puyat sa kakalaro. Hindi ko din masisi ang sarili kung magkaroon ako ng UTI at maging anemic sa kapupuyat at lagi pa akong junk foods all day.
Wala ako kasi magawa kaya sinubukan ko pake-alaman ang video game ni Daisy (anak ng amo ko kuno.)
Curious lang talaga ako noong una tungkol sa 'Kapag Tumibok Ang Puso', nung una nababaduyan ako sa title ng game. Ba't kasi ganun ang title nung laro at hindi man lang nag-effort na ayusin?! Inspired pa yata sa song title.
Favorite ko pa namang kanta 'yon.
So iyun nga. Kahit saan ako magpunta, naririnig ko ang chismis about sa sikat na video game raw ng taon. May mga merchandise na rin ito na inspired sa VG (video game) at kahit mukha ng condensada ay iyun na din ang ginawang model. Kaloka!
Si Daisy nga na 14 years old ay halos masiraan na bait ng malaman na wala na ng season 5 ang favorite niyang Otome Game. Pa'no pa kaya ako?
Kung baga kasi, para siyang anime TV series pero in video game lang? Gan'on? Gets niyo?
Sikat na sikat talaga ang Otome game sa Japan, more like Otome Game din ang linalaro ko, ang pinagkaiba lang kasi ay hindi Japanese ang gumawa, kung hindi isang Pinoy.
Sikat sa Pilipinas ang KTAP.
Nong matapos ang season 3, ay ginawan na ng iba't ibang lengguwahe para sa buong sakop ng Asia na gusto din masubukan ang larong ito.
Maganda talaga ang KTAP lalo na kapag nagsasalita sila sa wikang tagalog o minsan naman ay english, at kadalasan pa'y jejemeon (tag-lish talaga, dahil raw sa generation ngayon.) Napapadali kami sa paglalaro at pagkakaintindi sa kuwento kasi Filipino ang lengguwahe atsaka kahit ano puwede mo ilagay at piliin na genre. Kahit iyung tugtog nga na gagawin mong love song sainyo ng napili mong leading man ay puwede din.
Parang ikaw mismo ang nakakasama ng mga bida.
In short, artistahin ang peg ko everytime nasa imahinasyon na ako ng KTAP. Sakop na sakop lahat ng senses ko e. Iyung ayaw mo ng bitawan ang controller pad dahil excited ka na sa sususod na chapter level. Kaya heto at puyat na puyat ako. Namamaga ang mata sa eyebags.
Natawa ako. Nakakabaliw talaga si Bardo me loves.
Itutuloy...
YOU ARE READING
Another Chubby Life
FantasySTORY: Another Chubby Life GENRE: STARTED: FRIDAY| 2/10/ 2023 POSTED: TUESDAY| 2/ 14/ 2023 ENDED:
