MBG-16

1.1K 51 9
                                    

"Penelope, I like you." yung mga salitang yon ang nagpaatras sa'kin.

"Tangina clifford. Akala ko bang mahal mo pa si julia? Tapos ngayon sasabihin mo na gusto mo ko?" lumayo ako ng konti sa kanya baka hindi ako makapagpigil.

"Tulungan mo kong makalimutan ang feelings ko kay julia."

"Wow so yung role ko pala dito eh tutulungan kitang kalimutan si julia?"

"No"

"Tanginang yan clifford. Ayoko na nga diba, hindi ka ba masaya don? Mababalikan mo na si julia."

"Hindi, hindi ako masaya dahil alam kong may sinaktan akong tao. Handa naman akong saluhin ka, kasi penelope gusto kita."

"Get a life clifford. Damn, you." tsaka ko siya tinalikuran.

Oh ano penelope? Umiiyak ka nanaman? Lagi ka nalang umiiyak. Lagi nalang ano? Pesteng luha eh. Naramdaman kong may nagabot ng panyo sa'kin.

"Cry" inalalayan niya ko papunta sa court, wala namang tao kasi may klase ngayon.

"Bat ka na-nandito?" tinignan niya ko at pinunasan yung luha sa pisngi ko.

"Kasi nakita kitang umiiyak, kaya kita sinundan." kinuha niya yung bag ko at linagay sa lap niya.

"Nasan na ba powder at suklay mo dito?" tinuro ko lang, at ibinigay niya naman sakin.

Kinuha ko naman yon at nagpasalamat sa kanya tumango lang siya at ngumiti.

-

Nash Clifford~

Ayoko, ayokong mawala siya sakin. I'll win her back. Tinext ko ang black cards at sinabing magkita kita kami sa black bar nauna na ko at maya maya ay nandito na din sila.

"Wewo wewo wewo enggg engg ambulansya po para sa pusong nawasak." padabog kong binaba ang iniinom kong beer.

"I'll win her back." maangas kong sabi.

"Sino?" pagtatanong ni francis habang ipinapaikot ang baso.

"Penelope."

"Tangina bro? Umatras? Sweet sweet niyo palang nung nakaraang araw."

"Yeah. I still love julia b-but I also like Penelope. Damn" tsaka ko pinalo ang mesa at nagbuhos ulit ng alak at sinindian ang sigarilyo ko.

"Open your mind dude, pumili ka sa dalawa. Kung si Julia ba o si Penelope."

"I can't"

"Kaya mong mamili, mamili ka hintayin namin bukas ang sagot. Wag kang padalos dalos baka pagsisihan mo sa huli." tsaka siya kumuha ng sigarilyo.

"Woah, nakahugot si joaquin boy!!! Wooh sabog." tsaka kumain ng chip si paul sabay bato ng isa sa'kin.

"Pero tol, tama din si joaquin. Pero kung ako si Penelope pipiliin ko." sabi niya habang ngumunguya.

"Pero pag ako, Si Julia siguro. Kasi mas matagal yung pinagsamahan eh."

"Damn, Imbis na makatulong eh. Layas na nga." tsaka ko sila pinaalis.

"Yie magjajako-"

"Gago" pagpuputol ko sa sasabihin ni paul.

Nakapagdesisyon na ko. Penelope sa'kin ka lang.

Umalis na din ako at babalik na sa school, baka biglang may ulupong na dumikit sa reyna ko.

I WANT YOU PENELOPE, I'LL WIN YOU BACK.

-

Jairus~

Inalalayan kong mabuti si sharlene, nakatitigan kami saglit. Shit ang ganda niya parin.

"Ilang months nalang babalik na ko sa ibang bansa" tinapik niya ang braso ko.

"Kaya nga eh, ayaw ko man. Pero la kong magagawa. Wala na kong baymax huhu"

"Baymax?"

"Comfort, taga comfort tuwing iniiyakan ko yong gagong clifford na yon." hinarap ko siya sakin at tinignan ng seryoso.

"Gusto mo ba siya?"

"E-ewan?" linapit ko yung noo ko sakanya, hanggang sa magkadikit ito.

"Penelope nakapagdecide na'ko."

"Huh?" eto na yung sorpresa ko sa kanya.

"Itutuloy ko na ang panliligaw ko sayo" linayo niya yung ulo niya at parang na awkward.

"Wag ka ma awkward, tsk" tsaka ako tumawa tumawa din siya.

"Oh tara na." tsaka niya hinila kamay ko.

"Diskarte mo eh ano!" sabay kurot ko sa pisngi niya.

"Baliw ka parin, pasalamat ka mabait ako ngayon. Hindi kita matutusok ng tinidor." sabay bitaw niya sa kamay ko.

"Thank you." tsaka kami tumawang dalawa tsaka ko siya hinila palabas pero nakabangga kami ni nash. Kinwelyuhan niya ko.

"Clifford, bitawan mo nga siya!" tsaka siya tinulak ni sharlene.

"Ano bang problema mo?" tsaka ko siya linapitan.
"Ikaw, ikaw ang problema ko." sabay suntok niya sakin. Sinuntok ko siya pabalik.

"May the best man win." sabi ko habang pinupunasan ang dugo sa labi ko. Kwinelyuhan niya ko sabay sabing.

"Akin siya Jairus."

------

Oki sabaw, gulo eh no haha sarreh yan lang nakayanan huhu :(

MY BLACK GUY [NASHLENE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon