["Papuntahin mo si Rio dito."] ang message ko kay Heart.

["Copy, Reign."]

Palingon-lingon ako kay Seya. Tahimik lang siya habang umiinom mag-isa. Mga isang oras din akong naghintay nang dumating ang sasakyan ni Rio. Pumasok siya sa gate at halata ang pagtataka sa mukha ni Seya.

"Reign, pinapunta mo raw ako rito?"

Tumayo ako mula sa pagkakaupo.

"Oo, baka kasi ikaw ang gusto niyang makausap at hindi ako."

Nagkatinginan kami ni Seya. Ang mga mata niya ay nababalot ng pagtataka pero mahahalata mong malungkot, gusto ko mang alamin kung anong dahilan ng kalungkutan na iyon ngunit hindi ko magawa dahil pinipigilan niya ako na pasukin ang isip niya. Puro katanungan ngayon ang nasa isip ko dahil ayaw niya akong diretsahin. Ayaw niyang sabihin ang totoong problema.

Isa lang ang nasisiguro ko ngayon, ayoko siyang pakawalan. Pero sa tingin ko hanggat nandito ako sa tabi niya ay magmamatigas siya.

"...samahan mo muna siya, Rio. Aalis na ako."

"Babalik ka na ba ng headquarters, Reign?"

Umiling ako.

"Hindi. Sige maiwan ko na kayong dalawa."

Nilingon ko pa ng isang beses si Seya, nagkatitigan ulit kami, pilit ang mga ngiti na iniwan ko sa kanya. Hayaan ko munang si Rio ang kasama niya dahil alam ko namang ayaw niya sa presensya ko.

Pumasok na ako rito sa sasakyan at mula rito ay naririnig ko ang pag-uusap nilang dalawa. Nilingon ko sila, at pansin ko kahit saglit palang si Rio sa team ay nakuha na niya agad ang loob ni Seya.

"Rio, ayos lang ako. Umuwi ka na."

"Hindi pwede, ano ba 'to? Wala kang kuryente? Kawawa naman ang baby ko."

Baby...? Napapailing ako.

"Ayos lang ako, hindi ko ikakamatay kapag walang kuryente. May kandila naman kaya okay lang."

"Tigilan mo na nga 'to Seya. Hindi mo bagay ang magdrama."

"Sira!"natatawang saad ni Seya.

Normal naman siyang nakikipag-usap kay Rio, tumatawa pa siya, kaya alam kong may problema talaga sa aming dalawa.

Napabuntong hininga ako at nagdrive pauwi ng bahay ko.

Ilang sandali pa nakarating na ako rito.

Pagpasok ko ng bahay ay binuksan ko ang ilaw. Sa totoo lang malungkot ang pakiramdam ko dahil sa pakikitungo sa akin ni Seya. Ngayon, lang ako nalungkot ulit ng ganito. Ano bang meron sa babaeng yon? Bakit ako naaapektuhan ng ganito?

Pagdating dito sa sala ay natapat ako dito sa picture frame kung saan kasama ko si Laura sa larawan. Hindi ko alam kung normal pa ba ito. Kapag napapanaginipan ko si Laura ay paulit-ulit lang ang eksena. Parang nagiging bangungot na ito sa panaginip ko.

Binuksan ko ang salamin ng cabinet at kinuha ang picture frame.

"Laura, kung maririnig mo lang ako. Gusto kong sabihin sayo na sobra kitang minahal lalo na nu'ng nawala ka. Pero nahihirapan na rin ako, patatawad sa gagawin ko..."

....

Nagbukas ako ng alak at dito ako sa bahay naglasing. Mas mabuti na siguro kung hindi ko nakikita si Seya, para hindi ako naaapektuhan. Kanina habang kausap siya ni Rio mukhang masaya naman siya. Siguro nga nasobrahan na ako sa ugali ko kaya ayaw na niya akong kausapin.

Uminom ulit ako, hanggang sa nakakaramdam na ako ng hilo at pamamanhid sa katawan ko.

Humiga muna ako rito sa sofa.

SA1: She Captured My Heart (GXG) ✔Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt