Chapter2:Getting to know each other :P

10 0 0
                                        

2nd day of class...

Lunch time...nasa canteen na lahat ng mga kaklase ko. Eh ako tinatamad bumaba ng hagdan kaya nagpabili nalang ako ng food. Like a boss haha :P

Nasabi ko na bang naiwan ako mag isa dito na kasama si Jean? Ay Hindi ko pa ba? O ayan sinabi ko na wag na kayo magtampo :D Anong ginagawa pa niya dito? yun ang di ko alam. Hindi man lang siya hinintay nung mokong na masunget? Tss sino pa, syempre yung nag iisang kaibigan niya. Si Jimin -_- Anong klase siyang kaibigan diba? Kawawa naman si Jin, tanungin ko nga.

"Uhmm Hi J-Jean. Jean right? hehe" bwiset bat ako nabubulol? ughh

"Yes I'm Jean and you are?" Jean

Kayaaaah kinakausap niya ako kilig kilig talaga hihihi. Napangiti tuloy ako. Natural kinausap mo, natural lang na kakausapin ka niya pabalik. Duhh anong gusto mo? Snoban ka lang niya? tss baliw ka pala e. Sagot naman ng pangalawang isip ko, tss bwisit to nakikialam pa! wag ka ngang umextra. Napalitan tuloy ng sad face yung mukha ko :3

"Hey? okay ka lang ba?" Jean

Omygas putek! oo nga pala may kausap nga pala ako. Kasalanan to ng nega kong utak e, patayin kita e.

"Ehh? ha-ha okay lang ako. Kiara pala ;)"

"Uhh nice to meet you kiara :)" Jean

"Hehe :D Ano pa palang ginagawa mo dito? Lunch break na. di ka pa ba kakain?"

"Nagpabili nalang ako kay Jimin, tinatamad kasi akong bumaba hehe >:D" Jean

"Destiny" bulong ko tapos tumalikod ako sakanya at kinilig ng palihim. Tapos humarap na ulit ako, napansin ko naman na kumunot yung noo niya.

"Huh? ano yun Kiara?" Jean

"ah-eh sabi ko ang tamad mo, inutusan mo pa si Jimin. Kawawa naman siya"

"Uyy concern? may gusto ka ba sakanya? Haha. Nagvolunteer siya na siya na bibili ng food namin ni Fritzy e" Jean

"Yuck di ko siya gusto!" sigaw ko "Ang bait naman niya" bulong ko

"Haha Defensive masyado" Jean

"Ehh di naman. Bakit pala pati si Fritzy binili niya ng food? Nililigawan ba nya yun? Nasan na yung si Fritzy?"

"Di daw niya gusto psh" Bulong niya.

"Ano?" Bakit ba nauso samin ang bulong bulong? haha

"Sabi ko kasama ni Jimin. Gusto daw kasi niya samahan si Jimin bumili ng food e and we're friends Fritzy, Jimin and I kung nagtataka ka kung bat pati siya binili niya ng food" Jean

"Ahh" Yun nalang nasabi ko sakanya. Di kaya may gusto yung Fritzy kay Jimin? Pshh ano bang paki ko sakanila? Bat ko pa naiisip yung masungit na yun?

"Hahaha" Jean sabay bulong ng "Ang cute mo"

"Huh ano uli yun?"

"Wala wala. May fb kaba? Add kita hehe" wow really? nanaginip ba ako? Siya? aadd ko sa fb? My gas! Tapos ano? kayaaah kilig much! Alam mo bang ilang oras ko hinanap yung fb mo? Napuyat puyat pa ako kakahanap.

Wag ka ngang kiligin, malay mo may gf na yan. Atsaka iaadd ka lang sa fb? OA mo teh! Psh yan na naman utak kong nega! Shupi nga shupi!

"Uhmm Oo. Search mo nalang Kiara Chua. K-i-a-r-a C-h-u-a"

"Okay thanks :) Add nalang kita, accept moko ah?" Jean

YES na YES Aaccept talaga kita mylabs mehehe.

"Ehem" Jimin

"Bro nandyan kana pala" Jean

Hindi man lang niya pinansin ang sinabi ni Jean. Ang sunget talaga neto, paano to naging kaibigan ni Jean. Hindi sila bagay maging magkaibigan..dapat ako nalang kinakaibigan ni Jean e--ay mali mali di pala pwedeng maging magkaibigan ang mga lovers. Chos! hahah

Inabot lang ni Jimin yung pagkain ni Jean tapos yung isa inaabot niya sakin? Ehh?

"Ohh" Jimin

"Huh?" bat niya binibigay saken? tss

"Titigan mo nalang ba yung pagkaen? oh kunin mo na nakakangalay" Jimin

"Ano bang gagawin ko diyan?" Seriously ano bang gagawin ko dun? sabi ko bang ibili niya ako?

"Tss. Kakainin mo malaman" Jimin

Sipain ko to e!

"Ahh para sakin ba yan? Thankyou pero nagpabili nako ng food sa kaibigan ko e"

Inilapag nalang niya yung food sa mesa ko tapos naglakad na papunta sa upuan niya. Bago siya umupo sinabi niya na "Hindi galing sakin yan,dun na daw kakain mga kaibigan mo kaya pinasabay na sakin yan"

Tapos napatingin ako kay Fritzy inirapan niya ko. Problema niya? Tss bagay silang magsama ni Jimin. Parehong laging nireregla. Pfffttt makakain na nga lang.

"Kiara tabi tayo" sabi ni Jean tapos tumabi siya sakin.

Makakahindi pa ba ako, e tinabihan na niya ko. Hihihi pero hinding hindi ako tatanggi sayo. Tatanggapin kita ng buong puso mehehe. Nginitian ko nalang siya tapos kumain na kami.

"Psh" Jimin

Everything has changedWhere stories live. Discover now