Chapter 8

306 16 0
                                    

Chapter 8

Ito na ba ang karma ko sa pagiging mahilig sa mga babae? Should I stop?

"Our lesson for today is blah blah blah"

Patay anong gagawin ko hindi na ako pwedeng lumipat ng upuan.. haist.. Hindi ba at nahahati sa sampu ang mga hinayupak kong kaklase nasa kaliwa ang mga tiger nasa kanan naman ang mga lion, kung minamalas kanga naman napunta pa ako sa grupo ng mga tiger, kung saan ako nakaupo ay doon rin nakaupo ang mga tiger.. haist.. buhay nga naman parang life. Karam is real.

"You may take your recess" biglang Sabi ni sir at umalis nagsitayuan naman sila at nagsilabas.. gutom yarn.

Ano ba naman to baka mamaya maging bobo na ako dahil sa mga nangyayari, Wala kasi akong naintindihan mi isa sa mga tinuro ni sir.. kapag ako hindi talaga napasali sa top papatayin ko talaga mga hinayupak kong kaklase.. kasalanan nila kung bakit ako nagiging ganito..

Napahawak ako sa aking tiyan ng bigla itong tumunog. Gutom na ang mga dragon.

"Ano ba naman yan nagmomoment ako dito tapos bigla bigla kang tutunog" bulong ko sa aking sarili sabay hawak ng tiyan

"Hindi ka pa ba lalabas?" Tanong ni Kyle, kahit hindi ko man makita ang mukha niya ay alam na alam ko na ang boses niya, boses palaka. joke.at ano naman ang ginagawa ng isang to dito?

"Bakit?" Tanong ko sa kanya

"Anong bakit?" Tanong niya pabalik at naglakad palapit sa akin

"Bakit ka nandito? Anong kailangan mo?" Alam niyo kasi hindi yan pupunta dito kung walang kailangan, kabisado ko na ang galawan niyan.. kung ang kotse niya ang pinunta niya dito ay naipadala ko na sa bahay niya.

"Ah kasi sis" pabitin ang mokong. Bakit di nalang niya deritsuhin para makakakain na ako di ba.

"Kasi?"

"Tulungan mo naman ako hinahabol kasi ako" Sabi niya at hinawakan ang aking kamay na parang nagmamakaawa. Pagbigyaan ko na kaya. Nakakaawa naman eh.

"Hinahabol ng ano?" Baka mamaya aso pala ang humahabol sa kanya edi nakagat pa tayo pag nagkataon.

"Hinahabol ako ng mga babae" pagkasabi niya non ay bigla nalang may nagsisulputang mga babae. Mukang Wala na akong magagawa kundi ang tulungan siya. Nandito na sila eh. Haist.

"Andito siya!" Sigaw ng isa sa kanila nagtago naman sa likod ko si Kyle

Tang Ina, oo mahilig ako sa chix pero kahit kailan ay hindi ko hiniling na habulin ng mga babae. tang ina. Ngayon ko lang naisip to. Mag maganda pala na aso ang humahabol sayo kaysa sa mga babae. Kahit kailan hindi ko to na imagine na mangyayari to sa buhay ko.

Agad kong hinila ang kamay ni Kyle at tumakbo papunta sa bintana alam Kong nabigla siya pero wala kaming choice kundi ang tumalon sa may bintana, pinapalibutan na kasi nila kami sa may pintuan kaya kahit anong gawin namin ay hindi kami makakalabas. Mababaw lang naman.

Ng makatalon kami sa bintana ay agad akong tumayo at hinila si Kyle.

"Teka sandali" pigil niya sa akin kaya napatingin ako sa kanya "Pwede bang dahan dahan lang, Ang sakit na ng paa ko dahil sa pagkakabagsak" dugtong niya. Tiningnan ko naman ang paa niya. Namumula ito. Sabagay, Ang totoo kinakabahan na talaga ako kanina, medyo nahilo pa nga ako pagtingin sa ibaba kanina.

Pero dahil no choice ay hindi ko nalang 'yon pinansin pa. Atsaka nakapag-training na rin kasi ako sa pagtalon sa mga second floor kaya kahit papano ay nasanay na ako. Paulit ulit kasi namin 'yon ginagawa hanggang sa matuto.

'yon nga lang kinakabahan pa rin ako, lalo na sa mga hagdan, nahihilo ako kapag tumingin sa ibaba, kung pwede nga lang talunin 'yong hagdan, eh.

"Ang hina mo pala eh, second floor lang hindi mo kayang talunin, bakla ka ba?" Syempre, Hindi dapat tayo magpahalata na kinabahan kanina.

"Anong second floor lang, kung para sayo mababaw lang yun para sa akin mataas na yun" angal niya. Bakit kasi hindi nalang niya aminin na bakla siya.

"Bakla" bulong ko sa sarili

Biglang tumunog ang tiyan ko kaya napatingin siya rito. Kahit kailan panira talaga tong tiyan na 'to, pinapakain ko naman, ah.

"Hali ka kain na muna tayo" Sabi niya at hinila ako papunta sa canteen

Ng makarating kami sa canteen ay agad siyang nag order ng pagkain.

"Salamat nga pala, kung hindi dahil sa iyo baka na rape na ako" Sabi niya at sumubo ng kanin. Ang OA naman niya masyado.

"Wala yun, alam mo ang panget ng mga naghahabol sa iyo mga mukhang chanak" nabulunan naman siya dahil sa sinabi ko

"Chanak? Talaga para sa iyo mga chanak na yun ang taas rin naman pala ng standard mo no"

"Naman" kung alam mo lang kung gaano kaganda mga babae sa school namin. Sigurado akong hihilingin mo na lang na sana araw araw ay may pasok. Sa dati ko kasing school ay walang lalaki. Kung baga yun ay isang private school for girls. Sayang nga lang at inilipat ako ni kuya dito. Haist.

Wala naman akong ginawang kung ano para ilipat niya dito. Hindi ko lang talaga alam kung bakit kailangan ko pang lumipat.

*Blagggggggggggggggggggg*

Napatingin kami sa taong nakabasag ng pinggan hindi pala nakabasag kundi binasag. Oh mukang may namumuong away ah. This is exciting.

"Nananadya ka ba talaga" Sabi ni Xavier kay Zamier at tinulak ito. Kung ganoon ganito pala sila mag away. Kakaiba kasi ang mga napapanood kong nag aaway. Yung tipong suntukan agad wala ng usap usap. Hmp.

"Ano sa tingin mo" Sabi naman ni Zamier at tinulak si Xavier, Mukhang wala namang pake ang mga tao at parang sanay na sanay na sa kanila. Mukang ito ang isa sa mga hobby nila. Ang mag away. Ramdam ko naman ang panginginig ng kamay ko. Kaya napatingin ako rito.

Haist. Matagal tagal narin kasi simula ng makipag away ako. Kaya siguro nanginginig ang kamay ko dahil gusto na nitong makipag suntokan. Dati kasi sa tuwing walang pasok ay pumupunta kami ng mga kaibigan ko sa isang lugar kung saan may mga taong nagsusuntukan. At ang mananalo ay bibigyan ng premyo. Kaya naman sumasali kami tuwing sabado at linggo.

Yun narin kasi ang bonding namin. Tuwing weekend lang kami nagkikita dahil magkaiba ang paaralan na pinapasukan namin. Pero kahit na ganoon ay hindi yun naging hadlang para itigil namin ang pagkakaibigan namin. Dahil nga doon kaya mas lalo kaming naging close.

"Kyle" tawag ko sa kanya. Gusto ko kasi itanong kung bakit sila nag aaway o magkaaway.

"Bakit?" Tanong niya at ipinagpatuloy ang pagkain

"Palagi ba silang nag aaway?"Bumuntong hininga muna siya bago nagsalita

The Secret Of The Mask Girl (Complete)Where stories live. Discover now