★Pag-uusap ng mga manunula

22 2 1
                                    


Haru:
Pag ibig ay di nasa?
Ako sayo'y nagtataka
Darating ang araw na ika'y tatanda
At kailangan mo ng makakasama

Bubuo ng sariling pamilya
At makikita na kayo'y masaya
Anak mo'y mamahalin ka
Walang makatutumbasa sa napadama

Gray:
Sa tingin ko'y may mali ka
Pagmasdan ang itaas at iyong makikita
Ang salitang iyong ginamit ay parang di tama
🤣🤣

Haru:
Wait lang ahh

Inutusan ako ng aking ina
Maghahain muna ako para sa kaniya
Inuutos niya'y gagawin muna
At mamaya'y titingnan ang maling nagawa 😆😆

Gray:
Ako'y magaling!
Palakpakan naman

hahaha,Ano yan?
di bat pinagkasunduan natin,
na dapat tumutugma ang usapan?

🤣❤️

Haru:
Paumanhin aking nakaligtaan
Salita ko'y iyong pagpasensiyahan
Hindi ko Inakala na iyong mamamataan
Mga sinambit sa iyong harapan
😆

Gray:
Plano kong gumawa
ng isang storya,
gamit ang ating salita
Sumasang-ayon kaba?

Haru:
Ang iyong naisip ay maganda
Ngunit mga gawain ay sumabay pa
Hindi tuloy makagawa
Na siyang hindi ko ikinakatuwa

Gray:
Hindi magawa ang ano?
ang ating pangako?
Anong gawain ang yong sinasabing
sumabay sa iyong talatakdaan?
Ngayong pagpasok ay di kailangan,
At yamang pahinga ang intensyon
Ng linggong iyon
na nangyayari na ngayon?

Haru:
Tama ang iyong sinabi
ngunit iba ang aking winawari
Gawaing bahay ang nais sabihin
na siyang ipinataw sa akin

Gray:
Sandali lamang ,
magulo ang ating
usapan,
maaari mo ba akong tulungan?
Ayusin ang ating tulaan?
na gagawin kong kwentuhan?

pagkatapos ay gawin mo ang pangako,
Na aayusin mo ang iyong dayalogo
upang matuloy ko
Ang ginagawa nating berso
~~~
Wala kabang nakalimutan?
Baka may kulang sa iyong takda?

Waiting,
Hoping,
Expecting,
And I know It'll be Amazing!

Haru:
Hindi mo ba napapansin
Ginagamit ang mga emoji
Para ipahayag ang damdamin
Na "mahirap" ang sambit 😭😭

Gray:
Makatutumbas ba ito
O Makakatumbas?
Ako'y nagtataka
Bakit parang di tama
ang iyong pasya
na gamitin yang salita

Haru:
Hahaha iyong salita ay di tugma
Taliwas sa iyong sinambit kanina 😆

Gray:
Ano ang iyong tinutukoy?
Hindi ko maunawaan
Baka ito'y maling pakahulugan
dahil lahat ng sinambit ay mapagkakatiwalaan
na ito'y may tugmaan

Haru:
Mensahe mo'y binura
Kaya hindi na makita
Na late lamang ako ng pagpapdala
🤣

Gray:
Nakalimutan kong sabihin
Kahit anong salita ang iyong gamitin
Basta ito'y tula kung babasahin

Hindi ko maalala
Iyo bang nabasa?
maaari mo bang itala
ng makita ko ang iyong problema?

Haru:
Sa dami ng mga salita
Maaalala ko pa kaya?
Nakita lamang na di tugma
Ang yong sinambit kanina

Gray:
Ka'y init ng panahon
Di pa ko naliligo
Labada ko'y naghihintay
kelan daw aasikasuhin?

Haru:
Sa amin ay iba
Makulimlim at maganda
Panahon ay tamang tama
Para maglakad na kasama ang alaga

Gray:
Hindi mo ba nabasa?
Usapan nati'y makuha
ang hangad na nasa
kaya kahit di akma
ang mga salita

At nakakahiya ang iba
Sinusubukan kong gawin ang mga tula
hanggang saking makakaya

Kaya pagpasensyahan mo na
kung marami akong bura
Dahil pinapaganda ko pa

At kung di man ito kaaya-aya
Ako'y nahihiya
pero mapagyayaman ko din iyan sa pagsasagawa

Gray:
Maliligo muna
upang katawan ay guminhawa
Pagkatapos ay maglalaba
upang matuyo kaagad
Kaya pagpatuloy nalang natin mamaya
ang ating usapan at paggawa
ng isang storyang kahanga hanga

Haru:
Baterya'y naubos na
Telepono ay ichacharge muna
Babalik ako mamaya
Ako rin ay magpapahinga

Gray:
Wifi mo'y nakabukas
May green dot ang iyong mukha (pp)
Sabi mo ika'y lowbat na
Bakit online ka pa?
Ginagamit mo ba
ang iyong selpon habang nagchacharge?
Hindi iyan maganda
dapat ay itigil mo na

Haru:
Magaling ang obserba
Kaunti lamang ang pahinga
Ginising nila ako ng maaga
At kami daw ay aalis pa
Kaya hinugot ang Telepono para ihanda
Malaki na rin naman ang naiimbak na magagamit pa hanggang mamaya
Sabi mo'y ikaw ay maglalaba
Bakit naka cellphone ka pa?

Gray:
Napag-isipang magpahinga muna
Dahil nag-aalala sa balat kong maganda
Baka ito'y kumulubot dahil sa patuloy na pagiging basa....
Kakaligo ko lamang kaya ito'y malinis
ngunit mamaya
pagkatapos maglaba
ito'y mas magiging maputi at makintab
na tila bang bituin sa kalangitan .....
Ka'y puting pagmasdan
Kaakit akit tingnan
Ako'y napapamahal saking sarili..... mas higit pa noon

Na -off topic na naman
pero hayaan mo na
ganyan talaga ako
Alam mo naman na diba?
ugali kong ibahin ang usapan
At ituon saking kwentuhan

Haru:
Ako'y nahihirapan
Sa mala tulang chismisan
Ano bang magiging paksa?
Ng susunod na mga salita 😆

Gray:
Marahil ay eto na,
Ang katapusan netong tula,
Dahil ayaw mo nang ituloy pa't
Nahihirapan kang lubha.

-Gray w/ Haru

Mga tulaUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum