Mabilis ko namang pinahiran ang mga luha ko. May iilang sirvientas ang nakatingin sa amin ngunit agad ding binalik ang atensiyon sa trabaho nang biglang sumulpot si M. Madel mula sa hindi kalayuan sapat upang hindi nito marinig ang pag-uusap ng dalawa.

"Por qué no? Ella es realmente hermosa." (Why not? She is really beautiful.) Nagpalipat-lipat ang tingin ni Señorito Joaquin sa akin at Don Diego. Mukhang nanunukso ang kaniyang boses. Wala man lang akong naiintindihan at baka magdurugo na naman itong ilong ko kaya napagpasyahan kong aalis na lang ngunit ilang hakbang lamang ang aking nagawa nang magtaas ng boses si Don Diego at tinuro ako.

"Simplemente no lo hagas! Soy dueño de esa mujer!" (Just don't do it! I own that woman!)

"Celoso ya?" (Jealous already?) "You own no woman on Earth even if you and her are married. Woman is not a thing to be owned but a human being to be respected."

Bakit ba ganiyan ang nasasabi ni Señorito Joaquin? Ano ba ang pinag-uusapan nila?

"I understand nothing. Wala akong balak na panoorin kayong dalawa habang nagsasagutan kaya aalis na ako."

"Wait, it's almost 2 o'clock. Let's have a lunch together, is that okay for you?" pag-aya sa akin ng señorito.

"Cállate, hermano mayor Joaquín!" (Shut up, kuya Joaquin!) Lumapit sa akin si Don Diego at hinawakan ng mahigpit ang bandang pulso ko saka hinila patungong kuwarto nito. Sinubukan kong magpumiglas ngunit mas malakas siya. "Stay in here!" Bahagya niya akong tinulak sa sofa kaya napaupo ako.

"Ano ba'ng problema mo?!" I was about to stood up when he suddenly hit the vase in front of the sofa where I am currently sitting.

"Cállate!"

"Baliw ka ba? Bakit mo binasag?! Kung sinusumpong ka ng saltik, huwag ka namang magbasag!" Tumayo ako at akmang liligpitin ito.

"Don't you dare come near to my hermano!" sigaw niya kaya napalingon ako sa kaniya.

"Puro ka na lang sigaw! Hindi ka ba napapaos sa pinaggagawa mo? Isa pa, bakit hindi ako pwedeng lumapit sa kapatid mo? Eh mas mabait iyon kumpara sa isang alien na katulad mo." Psh.

"Why can't I understand the language you used? But when you speak, my heart beats…" Dahan-dahan siyang naglakad papalapit sa akin kaya napapaatras ako. "With annoyance," dagdag nito. Ay, peste. "So speak in English starting today, either you want to or not, or else…" Binulong niya sa aking kung ano ang sinabi niya kanina dahilan kung bakit ako napapasunod dito.

I pushed him away while he just laughing. "I quit! Uuwi na ako sa amin!"

"You can't go home." Biglang pumasok si Señorito Joaquin sa kuwarto ni Don Diego. "You will stay here not only for a month but for months. You will not leaving here unless you have permission to go."

"Nagpapatawa ba kayo? Isang buwan lang ang sinabi ng alien na ito! Paanong mananatili ako rito nang higit pa sa isang buwan?" Pagak akong napatawa sa sinabi niya. Mababaliw na ata ako sa takbo ng mga utak nila. Binabawi ko na rin ang sinasabi kong nagugustuhan ko na ang lugar na ito. Hindi ito paraiso… isa itong impyerno.

"This is not the right time to tackle about it. Let us just enjoy, hermosa. Shall we eat?" Alam kong napangiti ito at inabot ang kaniyang kamay ngunit tiningnan ko lamang ito.

"Kung wala kayong balak sabihin sa akin ang totoo, mabuting huwag niyo na lang din akong kakausapin at pabayaan na lamang akong magtrabaho rito." Nawawalan na ako ng pag-asa kaya mas mabuti ngang ganito na lang ang gagawin ko.

"Deal," tipid na tugon ng señorito at tinago ang mga kamay nito sa kaniyang likuran.

Gutom na ako. Ibig sabihin ay oras na upang mananghalian ngunit ang sabi niya ay hindi na ako nabibilang sa quarter. Kung ganoon, saan naman na ako kakain o matutulog?

Golden Amora [COMPLETED]Where stories live. Discover now