Kabanata II

47 11 0
                                    

Struggle talaga itong paghahanap ko ng regular na trabaho. Biro ko lang naman ang labandera pero mukhang doon nga ako nababagay.

"Naku, masyado ka namang ambisyosa, iha. Hindi kami tumatanggap ng elementary graduate! Sa basurahan ka nababagay!" Tinapon ng aleng mataba ang aking bio data matapos niyang basahin. Ang sama naman ng ugali niya.

Bakit? Porket ba elementary lang natapos ko, bobo na ako? Basehan ba talaga ang high school graduate para lang maging tindera? Matalino kaya ako sa Math at English. Marunong din akong mag-compute at magbasa, 'no!

"Ay, hindi kami tumatanggap ng babae. Pasensiya na," sunod na sabi ng isang tindero ng karne.

Aba, ano ba'ng tingin niya sa mga babae? Hindi kayang magtadtad ng karne at magbuhat ng kinatay na baboy na nasa balde? Mahihina talaga ang tingin ng karamihan sa mga babae, tsk.

Narito kasi ako bayan, naghahanap ng pwedeng mapag-apply-an. Pasado alas dos na rin at nahihilo na ako. Saan kaya ako makakahanap ng trabaho?

"Naku, may nauna nang nag-apply sa'yo." Kamot-batok na sagot ng isang aleng pandak na tindera ng mga damitan.

Sa boutique na ako huling pupunta, sana naman ay matanggap ako. Tamang-tama dahil hiring sila ng saleslady. Pumasok na ako at saktong nandoon ang sa tingin kong may-ari dahil sa kaniyang itsura. Matangkad na babae at nakatingin sa ibang mga babae habang nag-aayos ng mga damit at bags. Mukhang siya nga ang amo. Nilapitan ko ito at hindi na nagdalawang-isip pang kausapin siya. "Miss, hindi namin kailangan ang isang katulad mo. Hiring kami pero mukhang isa ka sa hindi mapipili." Inabot niya sa akin pabalik ang bio data ko. Nanlumo ako nang marinig ko iyon ngunit hindi ako sumuko.

"Promise po, ma'am. I know how to read, solve, and arrange the stocks. Ma'am, I can handle my job precisely." I raised my right arm, sign for promising. Magaling ako sa Ingles pero hindi sa accent, kaya siguro bahagya siyang natawa maging ang mga tauhan nito.

"This is not just a boutique, miss. We have branded products here, famous clients, and wealthy customers! Have you ever seen yourself in front of the mirror?"  Hinila niya ako at pinaharap sa eleganteng salamin na pagmamay-ari nito.

I saw a 23 year old woman standing in unattractive looks. I haven't seen my face clearly but my short hair looks good enough for me. I wore a fitted t-shirt, below the knee old skirt, and slipper.

Hindi nga ako nababagay sa ganitong lugar.

"And look at my staffs. You and them are opposite." Sobrang kinis at alam kong magaganda ang mga taong nandito. Base sa kanilang suot ay nakaterno ng de-kwelyong damit at shorts na kulay army green habang nakasuot ng high heels. Sosyal at elegante ang botika na ito, halatang mamahalin. "They graduated in highschool and some of them are still studying in college. We don't need an elementary graduate here, miss." Bahagya niya akong itinulak. Para akong tutang lumabas ng boutique at naglakad papalayo habang nakatingin lamang sa aking tsinelas bawat hakbang dahil sa pagkadismaya at lungkot.

Sobrang baba ng tingin nila sa aming mga mahihirap at walang halos na pinag-aralan pero hindi naman lahat ay bobo at mangmang, hindi ba?

"Ouch!" May nabangga ako ngunit hindi ko iyon inalintana at nagpatuloy pa rin sa paglalakad nang biglang may tumama sa batok ko. Isang barya na ngayon ay nahulog na.

Medyo masakit iyon kaya napahinto ako at tiningnan kung sino ang may gawa nun.

May isang bulto ng lalaki ang papalapit sa akin habang himas-himas nito ang kaniyang dibdib habang ang isang kamay naman ay may hawak na isang barya. Sa kaniya pala nanggaling ang baryang tumama sa batok ko. "Di lo siento!" (Say sorry!) sigaw nito. Base sa kaniyang kasuotan ay halatang napadpad lamang ito sa ganitong klase ng lugar, mukha siyang mayaman. Sobrang kinis nito at ang mestizo. Sa tingin ko ay nasa 24 o 25 lamang siya.

Golden Amora [COMPLETED]Where stories live. Discover now