017

218 9 1
                                    

Kinabukasan nagising ako dahil sa makulit na lalaking ito na nakaupo ngayon sa harapan ko habang hawak ang magkabilang tainga.

"Ano uulit kapa?" I ask him. I don't care if mas matanda sya sa'kin.

"Sorry okay? Grabe ansakit mo mamingot" sagot nito at maluha-luhang hinihimas yung tenga.

"Ano ba kasi ang kailangan mo at ginising mopa ako ng ke aga-aga" iritadong saad ko.

"May pasok ka diba? Tsaka igalang mo nga ako kuya mo parin ako" aniya. Napatingin ako sa wall clock at nakitang 5:00 palang.

"Alas singko palang oh"aniko at tinuro ang orasan.

" your class is exact 7 kaya Kaylangan mona gumayak" saad nya at tumayo para lumabas.

"Mamaya na kas—"

"Now . Anikka . Now" madiin at maawtoridad na aniya bago tumayo at tuluyang lumabas at sinara ang pinto.

Wala naman akong nagawa kundi tumayo at linigpit ang pinaghigaan ko tsaka inayos ang sarili bago lumabas ng kwarto at bumaba.

Dumeretsyo ako sa kusina at nadatnan ang magaling kong kapatid na may kausap sa cellphone, mukang Hindi pa ako nito napapansin. Naglakad ako palapit sa may ref at kumuha ng gatas at nagsalin sa baso.

Umupo ako sa may gilid na upuan malapit dito at Doon lang ako nito napansin.

"Sumabay kana sa'kin sa pagpasok" biglang imik nito.

"I have my own ca—"

"you're going with me whether you like it or not" aniya na ikinakunot ng noo ko.

"and you can't use any of your cars while I'm here" dagdag na aniya pa.

"Hey that's unfair" ungot ko na parang bata. At ngumuso pa.

Pero ang ending ayy sya ang nagwagi talagang ayaw nito akong hayaan na gumamit ng sasakyan. May nag sumbong siguro sa kanya tungkol nung nakaraan.

Bad mood akong nagpatuloy sa pagkain at umakyat sa kwarto para maligo pagkatapos ayy nagbihis na ako at nagsuklay bago bumaba..... Na kunot ang noo at magkasalubong ang kilay.

Pagkarating ko sa dulo ng hagdan ay nadatnan ko itong nakasandal sa bandang pintuan na seryoso ang muka. Inirapan ko lang ito at naglakad na palabas sumunod naman ito. Pumasok na ako sa sasakyan nya at padabog na isinara ang pinto.

"Hey, may balak kabang sirain ang pinto ng sasakyan ko?" Reklamo nito pero diko pinansin.

Inistart na nito ang makina ng sasakyan at nagmaneho na papunta ng school. Habang nasa biyahe ay tahimik lang kami pareho hanggang sa makarating kami sa tapat ng school. Bumaba na ako at naglakad papasok ng school na Hindi ito nililingon.

Habang naglalakad sa may hallway ay wala akong ibang ginawa kundi kausapin ang sarili na parang baliw, kaya Eto at pinagbubulungan nanaman ako ng mga estudyante.

Hanggang sa makarating ako sa tapat ng room ay Doon ko lang inayos ang sarili ko na parang Hindi ko kinakausap ang sarili kani-kanina lang.

Dumeretso ako sa may upuan ko tsaka dumukdok sa lamesa.

"Arghhh!!" I harshly sigh that make their head turn to me.

I just ignored them sakto namang pumasok ang teacher namin sa unang subject. He greeted us as he start discussing, wala akong naintindihan sa mga pinagsasabi nito dahil okupado ng mga problema ang utak right now.

After half an hour of discussing ay napansin kong naglalabas ng papel ang mga ugok kong kaklase na ikinataka ko kaya kinalabit ko ang katabi ko na agad namang sumagot.

"Wala din akong papel Nikka para alam mo!" As he said that ay tumayo ito at lumapit kay ostin na isa rin sa mga kaklase ko para humingi ng papel.

Tatayo na Sana ako para manghingi rin nang bumalik ito at abutan ako ng isang pirasong papel na nahingi nya kay Ostin.

"Okay class are you all ready?" Cher asked. Nakitango nalang din ako kahit Hindi ko alam ang sinasabi nito.

"Okay for question number one, what is the... " halah ka may quizzz pala? Agad akong tumingin sa tabi ko at nakitang takip na ng kamay nito ang papel nya.

"Wsla daw mangongopya sabi" aniya.

"Sige na"

"Okay, pass the papers" kinakabahan kong pinasa ang papel ko na may tatlong sagot at wala pang kasiguraduhan kung tama.

Nang makolekta lahat ng papel namin ay dinismiss na kami nito at nagpaalam na.

Dalawang subject pa ang pinag-aralan namin na Panay kalutangan lang ang laman ng utak ko.

*sighed*

"Nikka, pansin ko lang kanina kapa lutang" pagusisa sa'kin ni Kevin na kinibitan ko lang ng balikat.

"Wala lang, kulang lang ako sa tulog." I said.

"Tulog tulog din kasi wag puro OT" he said. Napakunot noo naman ako  huling sinabi nito. Ano daw? OT?

"Huh? Anong OT? " tanong ko dito.

"OT! Hindi mo alam ung OT?" Tanong nya, I nodded.

"OVER THINK KASI YUN" aniya.

Over think huh!


𝗗𝗨𝗠𝗠𝗬_𝗙𝗟𝗢𝗪𝗘𝗥

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 13, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

𝙼𝙴𝙴𝚃 𝙼𝙸𝚂𝚂 𝚃𝚁𝙰𝙽𝙵𝙴𝚁𝙴𝙴[𝐎𝐍𝐆𝐎𝐈𝐍𝐆]Where stories live. Discover now