Kabanata 19

16 4 0
                                    

Knock


"So hindi naman na sumasakit ngayon?"

Umiling ako kay Gabrielle at tinignan ang parte ng paa kong nayari sa pagkakatapilok. Hindi naman na masyadong sumasakit pero kailangan ko parin ang mag saklay para maging mabilis at madali sa akin ang paghakbang.

Nandito kami ngayon sa football field naka-upo sa bleacher. Pinag-uusapan 'yong pagkaka-aksidente ko sa training ng sport fest beauty contest. Tinupad kasi ni Max 'yong sinabi niya nung nakaraan na isama ako sa training nila, sumama na rin ako dahil sobrang naboboringan ako na sa apartment nalang palagi.


"You cannot still walk without crutches?" Usisa na naman ni Gab na sa paa ko nakatingin.

"Siguro kaya ko naman na, pero hindi ko pa pinipilit lalo pa at kakalubay lang ng kirot dito sa paa ko. Baka kasi babasak ako at mas lumala pa ang sitwasyon." Pagpapaliwanag ko.

"Naku. Dapat lang ano. Pati ba naman si Max hindi nakakapagtraining kakabantay sayo. Sana lahat talaga!" Tinapik tapik ako nito na parang kinikiliti.

Gusto kong ngumiti pero pinigilan ko. Hindi ako sumagot at tinignan lang sa field si Max at kasamahan niya na parang nagmemeeting kasama ang coach nila.

"Hey!" Ginulat ako ni Gab kaya muntik ng kumawala ang dibdib ko sa bigla.

"Ano ba? Paluin kaya kita ng saklay gusto mo?" Nakahawak sa dibdib kong pag-untag, kinakabahan.

"Bakit kasi hindi mo'ko pinapansin? You're ignoring me." Parang namamaktol na sabi niya. "Bye na muna, calling time na ng rehearsal namin sa cheering."

Umalis si Gabrielle at naiwan akong mag-isang naka-upo ng bleachers. Nanonood lang ako sa kanila ni Max na ngayon ay naglalaro na. Ang ganda nila panoorin, ang bibilis tumakbo at napakadefensive sa bola.


Naudlot lang ang panonood ko nang maramdaman ko ang panunubig ng pantog ko. Tinignan ko muna si Max na abala at nakapokus ang atensyon sa laro. Umalis akong nagsasaklay ngunit hindi naman nahihirapan. Malayo ang comfort room rito sa football field kaya napilitan akong lumusot doon sa madalas iniihi-an namin ni Gab.

"Ms. Lojera, kamusta?" Isa sa kaklase ko ang nagmamagandang loob nang makasalubong ko ito sa isang pasilyo.

"Ayos naman. Baka next week makakapasok na ako." Nakangiti kong sagot.

"Mabuti naman kung ganon," ngumisi siya na parang nahihiya. "Nga pala, paki-regards naman ako dun sa kaibigan mong si Gab. Nahihiya ako e."

"Sure." Tumango nalang ako dahil parang puputok na ang pantog ko.

Natuwa naman 'yong kaklase kong lalaki. Iniwan ko rin naman ito at tumungo na ng comfort room. Umihi agad ako at pagkatapos ay lumabas nang maluwag luwag ang nararamdaman.

"Mas bagay sayo kapag nakasaklay, mas lalo kang nagmumukhang kaawa-awa." Umangat ang paningin ko sa isang nakatayong may malademonyang boses.

Kakalabas ko pa nga lang ng cr, sinalubong agad ako ni Rianne kasama ang dalawang kampon niyang babae. Pinagtataasan nila ako ng kilay at pinagtawanan. Yumuko lang ako at walang kibong lalagpasan sana sila.

"Ops. No way." Hinarang ako nung may maikling bangs.

"Hindi mo ba kami namiss para talikuran nang ganon ganon nalang?" Nakiharang naman 'yong may malaking hikaw sa isang tainga.

Bahagya akong umatras nang si Rianne na ang lumapit sa akin. Mahirap umatras na nakasaklay pero nagawa ako. Patuloy ang pagsulong ng mga hakbang niya kaya patuloy rin ang pag-atras ko, hanggang sa mapahilig ako sa pader ng cr.

Villarde Series 1: Adopting The Numb HeartWhere stories live. Discover now