Pero plano namin na pagmakatungtong na kami sa kolehiyo, papasok na kami sa club!

Nandito kami ngayon sa coffee shop, para kaming mga tanga kanina pagpasok palang namin yung iba hinahalikan na yung glass wall, yung pag entrance sa door nagsisiiyakan dahil mamimiss daw nila ang shop na'to na akala mo hindi na makakabalik.

Lumilingon yung mga tao samin pero wala kaming pake, halos namn mga studyante ang meron dito e, alam kong ganon din ang nararamdaman nila ngayon lalo na ang mga kabatch mates namin, wala para kasing ang laking tulong na nitong coffee shop sa amin.

At 24/7 open nito, at eto lang ang malapit sa school namin na coffee shop. Parang escape nadin namin itong lugar na'to, lalo na ang mga flavor ng kape nila, sobrang nakakarelax ang lasa.

"Kulang pa!" Sigaw ni Tay.

"Hoy wag muna, tama na'to. What if magkwentuhan nalang tayo ha kung ano ang final choice niyong kukunin sa college!" Napatango ako sa sabi ni Love, great idea.

"Unahan mo Tay, simula sayo tapos last sakin. Oh game!" Sabi ni Earth na nadoon sa pinakadulo nakaupo.

"Engineering." Tay proudly said, alam kong yon talaga ang gusto niya simula elementary palang kami.

Next ako.

"Sakin, Architecture." Sabi ko habang nakangiti. Hindi ko talaga first choice ang architecture, teacher talaga sakin. Pero gusto ko maging challenging ang college life ko, kaya eto ang final choice ko.

"Hmm, sakin Engineering din. " Sabi namn ni Nanon.

"Engineering." Sabi namn ni Phuwin na tinaas ang dalawang kamay. Bakit ang daming engineering sa circle ko? naks parang libre ang makukuha ko pag magpapagawa ako sa future house ko ah.

"Well, Lawyer." Sabi ni First at nagulat kami don! I mean oo, matalino talaga si First pero really?! Lawyer!?

"Woah grabe ha, hindi ka na namn iimbitahan sa susunod Uno, Lawyer pala kukunin mo." Birong sabi ni Nanon kay First.

"Si Tay na una mong ikulong, mukha pa lang kriminal na e." Sabi ni Earth kaya napatayo siya nang biglang tumayo at lumapit si Tay sa kanya.

"Bobo lawyer siya hindi pulis!" Sigaw namn niya kay Earth.

"Alam ko, hindi nalang ako magsasalita sayo nong nagsama tayo para bibili ng coloring materials sa isang store imbis push hinila mo!" Napatawa kaming lahat sa sinabi ni Earth.

"Hoy mundo! Gago ka diba secret lang yon? kulang kasi ako sa tulog non e." Sabi ni Tay habang bumalik sa upuan niya, hindi parin mapigilan ni Earth ang tawa niya.

"Edi secret!" Mas lalo kaming napatawa doon.

Mas gusto ko pang kasama ang mga kaibigan ko kaysa sa pamilya ko. Ang layo layo ng nararamdaman ko pagkasama ko yung pamilya kompara sa mga kaibigan ko, sobrang layo. Wala it's just that you'll forget your problems when you are with them, laughing, throwing each others' joke until you realized that you're catching your breathe.

Sana hindi sila magbago. Sana pagaalis na kami dito sa school, walang magbabago.

"Oh stop na, sino na?" Nagpatuloy kami sa naputol na usapin. Si Love daw ay Doctor, si Milk namn Flight Attendant, at si Earth ay Pilot.

I can emagine seeing them wearing their professional attire. Tay, Nanon and Phuwin with a hard hat on their heads, First with his briefcase, Milk with her Luggage and Love with stethoscope on her neck.

I will wait that day, I will wait to hear our each other's congrats and scream the 'finally' word together.

May mga iba ibang daan man kaming tatahakin, alam kong hindi namn magiging rason 'yon para mawawala ang pagkakaibigan namin.

Golden Scenery Donde viven las historias. Descúbrelo ahora