Third Person's POV
Isang gabi habang naglalakad palabas ng gusali ang isang babae na kakatapos lang sa kanyang trabaho na biglang napatigil ito sa paglalakad ng tumunog ang cellphone nito at nakitang may tumatawag.
kring.. kring.. kring..
Buong pagtataka naman nitong tinignan ang nakalagay na unregistered number sa screen ng cellphone nito. Nagaalinlangan man nitong sagutin ang tawag ngunit hindi na lang nya pinansin ito at nagpatuloy na lamang sa paglalakad. Nakakailang hakbang pa lang ang babae ng biglang tumunog muli ang cellphone nito hudyat na may tumatawag muli. Tinignan nya naman agad ito at nagtatakang pinindot ang pagsagot ng tawag.
"H-hello?" ang sagot nito.
"....."
"Hello?" muling sagot ng babae sa tumatawag sa kanya.
"....."
Sa pangalawang beses muli ay walang sumagot sa kanya at tanging paghinga lamang ng isang tao ang naririnig nya. At sa sandali nitong pagtahimik upang pakinggan muli ang kung sino man ang nasa kabilang linya nang may napansin itong may kakaiba dito na tila nahihirapan at umuungol na parang may iniindang sakit.
"K-kung sino ka man hindi magandang biro 'to itigi-" naputol agad ang kanyang sasabihin ng biglang magsalita ito.
"t-tulong"
Bigla naman itong nagulat sa sinabi nito sa kanya. Nanlalaking mata nitong tignan muli ang kanyang screen ng cellphone at nababahala na parang kilala nya ang boses nung taong iyon.
Nakarinig naman siya ng malakas na kalampag sa kabilang linya na tila may sumisipa sa isang pintuan at patuloy lamang ito na parang sinisira dahil na din sa sobrang lakas ng pwersa nito.
"...tulungan m-mo ako ate k-kate" ang napapaos at nanginginig naman nitong sabi sa kanya.Doon na sya mismo kinabahan ng bigla itong tinawag sa kanyang pangalan.
"Sandra!" buong lakas at may halong kaba nitong pagtawag sa pangalan nung babaeng humihingi ng tulong nya.
"ate papatayin niya ako!"
Mas lalong kumabog ng mabilis ang kanyang puso ng biglaang pagsabi nito sa kanya. Hindi na nya mapigilang may tumulo ng luha sa kanyang mga mata sa tinuran sa kanya ng dalaga at dali dali itong naglakad pabalik sa gusali na kung saan siya nanggaling kanina.
"T-teka sandra pabalik na ako hantayin mo ko hihingi ako ng tulong sa securi-" bigla na lamang niyang narinig ang pagsigaw ng dalaga sa kabilang linya kasabay nito ang malakas na pwersa ng pagbukas ng pintuan.
"Sandraaaaa!"
Puro kalampag ng mga bagay na lamang at ang mga hiyaw ng dalaga ang kaniyang narinig mula dito. Hinihingal at pinagpapawisan naman itong nagtungo sa lobby at humingi ng tulong sa security para sabihing may nangangailang ng tulong sa unit kung saan naroroon ang dalaga ngayon.
Paalis na sana sila upang magtungo ng elevator paakyat ng biglang may narinig silang sigawan ng mga tao sa labas. Doon na lamang nila nakita na may nakahandusay na tao sa labas ng gusali. Natigilan sila ng makita ito at dali dali nagtungo doon. Napahawak na lamang ito sa kanyang bibig ng mapagtanto nito kung sino ang nakahandusay sa lapag ng daanan.
"H-hindi.."
