“Saan? Saan?” Si Anton naman ngayon ang sumagot sa akin, sa tingin ko ay naka-speaker na ang call na ito.

“Nueva Ecija,” maikli kong sagot kay Anton.

“Totoo ba ang naririnig ko?” Tanong ni Anton at sigurado naman akong hindi ako ang kausap niya, sila Heather at Guadalupe.

“Hindi nga?” Tanong naman ni Heather, na ako na ang kausap.

“Nasagot na niya ang mga tanong niyo, obvious naman siguro ang sagot sa mga tanong niyo.” Bara naman ni Guadalupe sa kanilang dalawa, palihim naman akong natawa sa kanilang tatlo.

Para silang mga bata, si Anton at Heather na palaging nag-aaway at si Guadalupe na ready'ng umawat sa kanila at bumara.

“Gosh! Never in my entire life na nakapunta ako riyan!” Biglang tili ni Heather mula sa kabilang linya, narinig ko naman ang pagpapatigil ni Guadalupe sa kaniyang asawa.

“Ha?” Nagtatakang tanong ko sa kanilang tatlo.

“Ang sinasabi ni Heather ay never pa kaming dinala ni Miss Deadpan sa bahay nila, we know na nasa bahay ka ng nag-iisang anak ni Miss Castellanos.” Ani Anton.

Bakit ang haba nila magsalita ngayon?

“Girlfriend is more important than friends,” tumatawang sambit ni Guadalupe sa kaniyang mga katabi.

Psh.” Asar na narinig ko mula kay Anton.

“Karma is real.”

“Ihh, sweetie!”

“Karma-karma, ‘di totoo ‘yan!”

Sasagot pa sana ako sa kanilang tatlo nang narinig ko ang pagtugtog ng isang gitara, hindi ko alam kung saan banda iyon kung hindi ko susundan.

Dalawa lang kami sa bahay na ito, alam kong siya na ang nag-iingay ngayon. Imposibleng ibang tao, gayong hindi pa bumabalik ang matanda na nag-aalaga sa kanilang bahay.

“Sige na, kailangan ko nang ibaba ang tawag.” Paalam ko sa kanilang tatlo.

“Wait,” ani Heather.

“Bakit?” Nagtataka kong tanong sa kanilang tatlo.

“Sa susunod na linggo, birthday na niya.” Sambit ni Anton, na ang tinutukoy ay ang kanilang kaibigan na aking kasintahan na walang iba kundi si Priscilla.

“Ano ang plano mo?” Tanong naman sa akin ni Guadalupe.

“Tulungan mo kami sa preparation, Gael.” Saad naman ni Heather.

Napangiti naman ako sa kanilang mga sinabi sa akin, ngayon ko lang nalaman na malapit na pala ang kaniyang birthday. Masaya naman ako dahil pinaalam sa akin ng kaniyang mga kaibigan ang bagay na iyon, kahit na late ko nang nalaman ay ayos lang at least alam ko na ngayon.

Tumango naman ako kahit na hindi nila nakikita, masaya lang ako dahil makakasama ako sa kaniyang mahalagang araw.

“Oo, tutulong ako.” Determinado kong sagot sa kanilang tatlo.

Pagkatapos kong sabihin iyon ay nagpaalam na sila sa akin, binaba ko ang cellphone ko at may ngiti sa labing naglakad para puntahan si Priscilla.

Naglakad ako hanggang sa makarating ako sa kanilang garden, malawak iyon at mahangin pa. Nakita ko siya sa ilalim ng puno, nakaupo sa isang bench na nasa kanilang garden din.

Habang naggi-gitara ito ay inangat niya ang kaniyang tingin sa akin, nakatitig lamang ito sa akin katulad ko na nakatingin lang din sa kaniya kahit walang ngiting nakapaskil sa kaniyang magandang labi.

Waves of Destruction (Z Series #1)Where stories live. Discover now