1

1.9K 30 2
                                    

"Bangon na Xhienly Clairr Laverna!"

Ugh! Padabog akong tumayo at binuksan ang pinto ko na malapit ng masira sa pangangalampag ni Tita Millena..

"Gising na po ako Tita" plain kong sagot..

"good" sabi niya at tinalikuran na ako kaya napailing nalang ako at tumalikod kaso bigla na naman syang nagsalita..

"Clairr last school muna to ok?Kundi ibabalik kita sa Papa mo sa States.."

Napaikot nalang ng kusa ang mga mata ko..

"Opo tita hindi na po.."

"Ikaw talaga.. Sabi mo lang yan pero lagi ka namang napapaaway kaya natatanggal ka sa school"

"Sila po nagsimula lumalaban lang po ako"

"sige na nga mag-ayos ka na"

Tumango ako at sinirado ang pinto..

Ayoko talaga kapag pinag-uusapan ang pagpunta ng States ayokong makita si Daddy..

Bakit?

Kasi wala syang pakialam sakin.. Sinisisi nya ako sa nangyari three years ago.. At hindi ko alam kung ano nangyari sa loob ng mga taon na yun.. I can't remember anything..

Mas gusto kong kasama si Tita Millena mag-isa lang kasi siya at ako ang tinuturing nyang anak nya..

At nararamdaman kong may mama ako kapag kasama ko sya..

Panglima ko na 'tong School actually.. Lagi kasi akong nasasangkot sa gulo.

Ayoko kasi sa first school na pinasukan ko kasi masyadong maarte ang mga tao kaya sa kaartehan nung kaklase ko pinakain ko sa kanya ang foundation nya kaya na-expel ako.. Nakakainis kasi akala mo kung sinong maganda binabantayan ang bawat kilos ko ...

Sa second school naman masyadong flirt ang mga boys .. At ayoko sa mga lalaking masyadong papansin kaya sinipa ko sya sa ano nya! Kaya na-expeled na naman ako.. Is it my fault? Ayoko lang talaga sa mga makukulit.. Lalo na at nararamdaman ko nang binabastos ako..

Sa third school ko naman

Masyadong FC ang mga girls kahit ayaw kong maging kagrupo sila ay pinipilit nila ako kaya sa inis ko.. Kinalbo ko sya...meaning sinabunutan ko sya.. Kaya as expected na expelled na naman ako!

At sa fourth naman..

Hindi ako nakatagal sa sobrang strict nung prof. Lagi nya akong tinatanong kahit ayoko namang makinig sa klase nya! Hanggang sa oras na minanyak nya ko hinipo nya ang braso ko kaya sinampal ko sya at hindi na ako bumalik pa sa school na yun!

Kaya ngayon kahit na anong mangyari kailangan ko magtiis kasi kapag na-expeled na naman ako baka makarating na kay Daddy at kunin nya na ako..

"Tita aalis na ako" sabi ko

"mag-ingat ka don Clairr"

"opo" sabi ko at umalis na..

*St. Michael University*

Ang angelic ng name ah!

Inayos ko nalang ang headset ko at pumasok na sa school campus.

"Welcome to our school Ms.Laverna I am the Student Council President I'm Darren  Ice Velasco you can call me Darren"

"Pwede bang Ice na lang"

"Sure, can I can call you Clairr?"

"Ok" Nagsimula nakong maglakad infairness huh maganda dito masyadong mabait ang S.C.President nila sya pa talaga ang nagtour sakin..

My Memories of the Gangster PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon