Last Chapter

3.4K 43 0
                                    

This is the last chapter. Salamat at nakaabot kayo hanggang dulo! <3

-----------------------------


Anjo's POV


"She's so nice."

Nilingon ko si Tito Melchor na tumabi sa'kin. Pareho naming tiningnan ang mga pinsan ko na pinagkakaguluhan si Elaine.

It's so rare to hear that kind of compliment for her. Pero nakakatuwa rin isipin na nakikita na nila kung gaano siya kabait na tao. Nakita na rin nila ang nakita ko sa kanya noon pa.

"Yeah, she is,"

Natahimik kami ng ilang sandali. Ininom ko na lang ang wine na hawak ko habang hindi pa rin ang inaalis ang tingin sa kanila.

"I'm sorry that I judged her before, Anjo..."

Nilingon ko si Tito Melchor. Siya ang pinaka-close ko sa lahat ng kapatid ni Mama. Noong panahon na hindi ako matulungan ni Papa sa pag-aaral ko sa medisina, siya ang tumulong sa'kin.

Lalo na noong mga panahon na gusto ko nang sumuko ay isa siya sa gumabay sa'kin.

Hindi naman ako nagtanim ng sama ng loob sa pamilya ko dahil sa mga sinabi nila noon kay Elaine. Kahit naman noong panahon na 'yon ay sobrang naguguluhan din ako sa nangyayari. 

"Sabi ko naman sa'yo papatunayan ko na mali ang sinabi mo, so, it's fine now, Tito."

"Yeah, you got me there, buddy." 

Tumawa kami pareho dahil doon. Tinapik ni Tito ang balikat ko at tumango.

"Mahal na mahal mo talaga siya, ano?"

Nalipat ngayon ang tingin ko kay Elaine. Just seeing her smile without worries makes me feel better.  I would not trade that smile for anything.

"Yeah... she's my life,"

Kasabay noon ang paglingon ni Elaine sa gawi namin. I smiled at her and so, she does.


We stayed in the condo for a day. Ilang araw na rin hindi maganda ang pakiramdam ni Elaine. Pinipilit pa niya ako na hayaan ko siyang pumunta sa trabaho niya pero nasaktuhan pa na malakas ang ulan ngayon dahil may bagyo kaya mas pinanatili ko na lamang na alagaan siya dito.

I'm washing my hands and arms. Humarap ako kay Elaine na nakataas ang kilay sa'kin ngayon.

"Apron,"

Umirap pa ito pero sa huli ay sinuotan niya rin ako ng apron. Lumapit ako sa may lamesa kung nasaan ang salmon fish. Inilahad ko ang kamay ko.

"Knife,"

"You're not going to operate the fish, Anjo. Stop being crazy."

Bago pa ako makalingon sa kanya ay inabot na niya sa'kin ang kutsilyo. Natawa na lamang ako dahil doon. Ang sungit talaga.

Naisip ko lang na lutuan siya. Naalala ko nung lumipat siya sa apartment niya noon at pinagluto niya ako ng mackerel fish kahit sobrang labag sa loob niya.

Memorable 'yon sa'kin kasi iyon ang unang beses ko na natikman ang luto niya. And I'm doing the favor to her now.

And seeing her getting excited about it makes me happy.

"Thank you, baby,"

Ngumiti ako at nagsimula na kaming kumain. Tiningnan ko siya at hindi ko talaga mapigilan ang mapangiti.

You're My Bad Girl (Bad Girl Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon