Chapter 18: Welcome to Camp Nightmare

Start from the beginning
                                    

After all, sinabi ni Adrian na dito sa loob ng camp makikita ang castle ng Vampire Lord na kumidnap kay Cheska.

--------------------

Bumalik na kami sa open field sa gitna ng camp kung saan nag grupo grupo na ang bawat estudyante. Mas madami pa ito sa ineexpect ko. Sa bandang kanan ang naglilinyahang mga malalaking cabin at sa kaliwa naman ay mga malalaking estatwa ng mga tao. 13 lahat ito. Kung di ako nagkakamali, ito ang mga statue nga mga previous na Vampire Lords.

"Ally nasan na mga ka grupo natin?", Tanong ni Adrian.

"Huwag kang mag alala nag text na sila na parating na sila. Ah nandito na pala si Kevin!"

"How's my princess?", nakangiting sinabi ni Kevin habang naglalakad papunta sa akin. Ngunit ang ngiti niya ay unti unting naging simangot ng makita niya si Adrian sa tabi ko.

"And what is that pesky vampire doing here?", Seryosong tanong ni Kevin.

Adrian clenched his fists. "Tumahimik ka, Aso"

"Shut up you blood-sucking mosquito", Sabi ni Kevin at biglang hinawakan ang collar ni Adrian.

Hindi pwede ito. Pumagitna ako sa kanilang dalawa. "Huwag kayo mag away, kailangan ko kayong dalawa. Kahit ngayong gabi lang. Please?"

"Ngayong gabi lang Ally, hindi ko siya aawayin. Ayoko sa mga gangster na feeling mayabang kasi nag eenglish lang", pagpaparinig ni Adrian.

Kevin was about to throw a punch ngunit pinigilan ko siya. "Admit it mosquito, you're only here because you want to drink up all of Allysa's blood!"

"Hindi totoo ya-, I mean, totoo yan pero hindi ko naman uubusin dugo niya!"

"IT DOES NOT MAKE ANY FUCKING DIFFERENCE YOU IDIOT!"

Tinitingnan na kami ng maraming eatudyante. Mabuti nalang ay hindi sila aware na Vampire saka Werewolf itong dalawa. Dahil kung hindi, baka anong maisip nila sa tawagan nilang aso at lamok

Napalunok ako. Kung nag away na itong dalawa, natatakot na ako sa mangyayari kapag nakilala pa nila ang isa naming kagrupo.

Suddenly I heard big footsteps coming towards us. Nandito na siya...

Dumating na ang pang apat namin na miyembro. Both Kevin and Adrian's eyes widened. Wala na kasi akong ibang maisip na pwedeng maging ka grupo kaya nirecruit ang matabang vampire na umatake sa amin ni Cheska.

I cleared my throat. "Eto pala ang isa nating kagrupo, si Pigg- I mean si Miggy. Nag sorry siya sa facebook ko kagabi kaya sinama ko nalang sa grupo natin"

Bakas sa mukha nila Adrian at Kevin ang di kapanipaniwalang reaksiyon.

Ang totoong rason kung bakit ko siya sinama ay dahil sa ability niyang Doppelganger. Dahil makakatulog ito sa paghahanap ng mga golden orbs para sa annual hunt. Ngunit huli na ng malaman ko na hindi pala makakagamit ang mga Vampire ng kanilang abilities dito sa Camp Nightmare.

"Is this a prank Ally?", tanong ni Kevin.

Tumawa si Adrian. "Ally, kung ayaw kong makasama 'tong asong to mas ayaw ko sa baboy nayan!"

"ANONG SINABI MO?!", pagalit na sinabi ni Miggy at inatake si Adrian. Nakisali na din si Kevin.

Napa facepalm ako. Shocked but not surprised. Inexpect ko na din ang worse na mangyayari.

--------------------

30 minutes later

Napaupo sila Kevin, Adrian, at Miggy sa damo. Mabuti nalang at may mga nurse na ginamot ang kanilang mga sugat. Pinairal ata nila ang kanilang pag-aaway at nakalimutang na supressed ang kanilang mga Vampire at Werewolf abilities dito sa Camp Nightmare. Makakaabala itong mga sugat nila mamaya.

Vampire UniversityWhere stories live. Discover now