Chapter 4

41 14 4
                                    

Naglalakad ako sa likuran ng school sa may garden habang naiisip si Mitch. I can't take her off my mind dahil nag-aalala ako sa kanya. I heard her say na mapanakit at toxic si Jason sa kanilang relasyon that's why I don't understand kung bakit pa siya bumalik sa kanya.

I was about to take another step pabalik sa classroom ko pero biglang may humarang sa daanan ko. I raised my head at nakita ko si Jason sa harapan ko. He look so mad at me right now at kitang-kita na gusto niya akong saktan.

I rolled my eyes at him at agad na naglakad pero sumigaw ito. "Huy, ikaw!"

Humarap ako sa kanya ngunit agad niya akong sinakal at idinikit sa pader kung saan nagsimula akong manghina. Walang ibang tao dito kundi siya at ako lang. Randam ko na ang panghihina ko habang nakatingin sa kanya. I was reaching for something sa gilid ko at sakto namang may nahawakan ako at ipinukpok sa ulo niya dahilan upang bitawan niya ako. I was still catching my breath habang nakahawak sa'king leeg. Napaupo ako samantalang napaatras naman si Jason habang hawak ang kanang ulo. I was still gasping for breath dahil sa pagsakal niya sa'kin.

Ilang minuto pa ang lumipas ay agad na itong napatayo ng maayos at na patingin sa akin ng masama. My heart began to pound so fast dahil sa bawat titig niya- nakakatakot ang mga ito.

He was about to go near me at agad na akong napayuko't napapikit ngunit bigla na lamang may isang anino akong naaninag sa aking harapan. I raised my head ngunit ang kanyang likod lamang ang tangi kong nakikita dahil sa sinag ng araw.

"Sino ka ba! Umalis ka dyan at tuturuan ko ng leksyon ang babaeng 'yan!" galit na galit na sambit ni Jason habang nakatago lamang ako sa likuran ng lalaking nasa harapan ko, takot na takot ako. 

"Hindi mo ba alam kung anong ginagawa mo? Nananakit ka ng babae? Mahina ka pala eh," biglang nanlaki ang mga mata ko kasi sa tono pa lang ng kanyang pananalita'y alam ko na agad kung sino ito.

"Sino ka ba't nakikialam ka sa problema ng iba? Kung ako sa' yo umalis ka na lang para hindi ka na madamay pa," banta ni Jason sa kanya.

He scoffed, "Hindi mo ba alam na ang babaeng sinasaktan mo ang babaeng minamahal ko?" mas lalong nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Napalunok ako habang nakatitig lamang sa kanya. Habang patagal ng patagal ay mas lalong naging malinaw sa akin ang likuran at pistura niya. Oliver?

"At wala kang karapatang saktan siya," dagdag nito at agad na sinuntok si Jason. Kitang-kita ko kung paano niya ito suntukin na may halong galit.

Jason was knocked down dahil sa kalakasan ng suntok ni Oliver. I was still looking at him ng bigla ko na lang naramdaman ang panghihina't pagkahilo na siyang dahilan ng pagkawala ng aking  malay.

Napamulat ako at agad bumungad sa'kin ang mukha nina Mitch at Lorenz, but I was looking for someone else pero mukhang wala siya rito. I was looking for the man who saved me earlier. At walang iba kundi si Oliver.

"My goodness at gising ka na rin," ani Mitch na may halong pagka bahala. Lorenz look at me and I smiled at them para hindi na sila mag-alala pa sa'kin. 

"I'm fine," sagot ko pero nakita kong naiyak si Mitch sa harapan ko.

"This is my fault, Ellie. I'm so sorry at dahil sa'kin na saktan ka ni Jason. I'm sorry," she sobbed right in front of me at nakita ko din ang paglabas ni Lorenz ng clinic to give us some privacy.

"It's not your fault, Mitch. Kasalanan 'yun ni Jason. He's the one to blame at hindi ikaw," she shook her head.

"Kung hindi lang sana ako pumayag na makipagbalikan sa kanya, hindi sana nangyari' to," there was guilt in her voice while she was looking at me. Kitang-kita ko sa kanya ang galit sa kanyang sarili dahil sa mga nangyari. 

Out of Reach (Out Series #1) (On- going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon