Chapter 3

59 1 0
                                        

Hell week is done. Napagdesisyonan naming apat na mag-enjoy ngayon sa Aplaya Rio. Hinanda ko na ang mag two piece at beach stuffs ko. Binitbit ko ang bag at lumabas na. Pagbaba ko sa hagdan, nakasalubong ang tingin namin ni Tiffany, ate ko.

"Oh Demon of underworld ". -Tiffany

"Alien fell from space". Tiffany is always been an enemy to me. Lahat kampi sa kanya.

"So I'm an alien now?"-Tiffany

"Why don't you search in Internet how alien looks like and look at yourself. Walang pinagkaiba". I said.

"Wag ka ngang makalapit-lapit sakin. Nasusunog balat ko. Hanggang dito pa naman sa lupa, dala mo parin ang teritoryo mo". She said and rolled her eyes.

"That's how hot I am. Kaya wag kang lalapit. Talagang masusunog ka dahil sa kaplastikan at kapapelan mo". Nahahalata kong talo na siya dahil hindi na ito makapagsalita, kya nauna na siyang bumaba.

I'm still wondering why they named me Demon. Ang ganda ng mga pangalan ng kapatid ko. Tifanny M. Esguerra at Arvee Stephen M. Esguerra habang ang magulang ko ay Anthony Esguerra at Stephanie Esguerra. Nakulangan na ba sila ng baby names at kung saan-saan nalang nila pinulot.

"Stephanie, how's the deal between Andersen Holdings?" Dad asked.

"Still on the process dad". Ate answered. I always dream of helping dad in our company. Pero ayaw nila, kaya HRM nalang ang kinuha ko instead of Business ad.

They continued their topic. They are now talking bout my brother taking business ad. Walang alinlangan niyang tinanggap. Hanggang ngayon, wala akong ideya kung bakit ayaw nila akong tumulong sa kompanya.

"Dad, I only got the fifth place. Im sorry if I failed to reach the first place". Arvee said.

"Don't worry son. At least you've done your part". He's serious when he said that but I can feel pride on his voice.

"I'm proud of you, Arvee". Tumayo si Mom at niyakap si Arvee.

"Devon, pakopya". Bulong ng katabi kong sina Miles at Shane. At dahil kaibigan ko sila, tinulungan ko na. Ngayon ay ang first day ng fourth periodical exam. Pagkatapos ng test, lumabas na kaming lahat.

"Pakopya ulit Devon ha". Sabi ni Shane.

"Patutor na rin". Ani ni Miles.

Dumiretso kami agad sa likod ng eskwelahan at naggroup study dun. Lumipas ang isang linggo at nagbigay na sila ng results.

"Sinungaling ka Devon, mali tong pinakopya mo sa identification". Sigaw ni Shane. Hinila rin niya ang buhok ko at sinabunutan.

"Tama na. Masakit na ang buhok ko, Shane". Pinilit kong tanggalin ang hawak niya pero di ko kaya dahil sumabay rin si Miles sa pagkalmot sakin.

"Nang dahil sayo, hindi ko naperfect ang exam, nawala rin ang pangako ni dad". Nasabi sakin noon ni Shane na pag na-perfect niya ang Math, Science at English exam ay pupunta siyang Germany.

"Henares. Esguerra. Manuel. Proceed to principal office". Nadinig kong sigaw ni Ms. Castro.

Ipinaliwanag nila ang nangyari pero purong kasinungalingan. Tumango-tango na lang ako dahil di ko maaatim na maparusahan sila. Nasabihan rin kami na naipaskil na ang top 5. Dali daling tumakbo sina Shane at Miles.

"Devon, matuto ka sanang ipagtanggol ang sarili mo. Wag kang magpa-uto". Pagkasabi ni Mrs. Jimenez yun ay lumabas na ako.

Nakita kong nagtatalon sa saya ni Shane at nagsisigaw na siya ang Valedictorian. Napatingin rin ako at napangiti.

1. Aliyah Shane V. Henares
2. Mina Lei B. Manuel
3. Devon M. Esguerra
4. Jay Lourd S. Maniego
5. Anne Jaime T. Cabrera

Excited na akong ibalita kina Mommy at Daddy ang magandang balita. Nag-abang na ako ng tricycle at sumakay. Nadatnan ko sila sa garden.

"Mom. Dad. Top three po ako". Nakangiti kong pahayag.

"Yuck. Top three? Nakakahiya". Nadinig kong sabi ni ate.

"Ikaw na ang sumama sa anak mo sa graduation". Diretsong pahayag ni mom kay dad.

"I'm busy this coming week". Tumawa naman si ate at Mommy. Third lang ako at First naman noon si ate.

Pagdating ng graduation night. Hinintay ko silang dumating. Magsimula na rin ang graduation march. Naiiyak na lang ako. May lumapit saking ginang.

"Iha, may kasama ka ba?" Tanong niya. Umiling na lang ako. Nagboluntaryo siyang samahan ako at tumango na lang ako.

Natapos ang graduation ko na walang bakas nila. Nang makauwi na ko, sa kwarto nila ako nagpunta.

"Bakit po wala kayo kanina? Naghintay po ako pero wala talaga kayo. Bakit di niyo man lang ako sinamahan? Ni hindi po kayo dumating" May hinanakit kong sigaw sa kanila.

"Wag mo kaming sigiwan. Wala kang modo". Singhal ni dad.

"You want to know the truth Demon?" Sigaw rin ni Mommy. Tumango ako habang nagpupunas ng luha.

"You're worthless, nothing. Ang hina mo sa lahat. Wala kaming mapapala sayo. Mas maganda pa ang manuod na lang sa tv kaysa sa graduation mo". Sigaw niya. Nagpatuloy ang agos ng luha ko.

"Bakit di mo gayahin ang ate mo? Buti pa sa kanya may mapapala kami. Di tulad mong walang kwenta". Si dad na ang nagsabi ng pinakamasakit na salita na babaunin ko hanggang pagtanda.

Simula ng gabing yun. Nagbago na ko pero di ko ginaya si ate. Mas hinigit ko pa doon. Mas-maganda, mas-matalino, mas-matapang, mas-malandi, mas-maldita, at mas-sexy.

-
Is it worth reading?
Sorry for my grammar.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 10, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Goddess of ImperfectionWhere stories live. Discover now