"Anong ginagawa mo rito?" Hindi na gaanong klaro ang pananalita ni Trevor dahil sa kalasingan subalit parang nasa katinuan pa naman ito.

"I'm here to pick you up, my dear brother." Binigyan pa ni Grasya ng ngiti si Trevor saka pa lang bumaling sa barista at sumenyas ng one glass. "Ganyan talaga ang pag-ibig, Trevor. Kahit binigay mo na lahat ay maiiwan ka pa rin. Siguro hindi talaga kayo para sa isa't-isa. Baka may itinadhana talaga para sa iyo." Tinapik-tapik pa ni Grasya ang balikat ng kanyang nakababatang kapatid.

"I have so much plan for her kaso sa isang iglap, nagbago ang lahat. F*ck! It hurt me so much!" humahagulhol na wika ni Trevor habang nakayuko sa island bar.

Hinagud-hagod naman ni Grasya ang likod ng kanyang kapatid para ito ay kumalma. "Makaka-move on ka rin, brother. Just prove to her na kawalan ka. Iyong tipong pagsisisihan niya ang saktan ka."

Nilagok lahat ni Trevor ang isang baso ng alak at saka ito tumayo at tinahak ang daan palabas ng bar. Kaagad namang sumunod si Grasya at inilalayan ang kapatid dahil sa mala-zigzag nitong lakad.

"Ako na mag-drive, ate." Aagawin na sana ni Trevor ang susi ng kotse ni Grasya pero inilayo ito. "Ate, I can drive pa naman. Just trust me," ani pa nito ngunit inilingan lang siya ng kapatid.

"Tumigil ka conyo. Ayoko pang ma-comatose, Trevor. Parang-awa mo na, mag-behave ka." Pinisil pa ni Grasya ang dalawang pisngi ni Trevor pero sininghalan lang siya nito. "Huwag mo 'kong masinghal-singhal diyan baka matadyakan kita ngayon dito," kunwaring seryosong saway ni Grasya. Pinakaayaw kasi niya ang suwayin siya ng kapatid.

"Yes, yeah, okay, okay. Behave na po ako." Umiiling-iling pa si Trevor saka pumunta sa kabila ng kotse at pumasok sa bandang likod. "Ayoko sa front seat. Pinairal mo na naman kasi iyang pagka-ate card mo." Nakanguso pa si Trevor habang sinasabi iyon.

"Walang problema basta huwag ka lang sumuka diyan sa loob dahil sasakalin talaga kita."

Nakapikit pang tumango-tango si Trevor saka inihilig ang ulo sa upuan. "Gisingin mo lang ako kapag nasa bahay na tayo."

"Yes po, sir." Umiiling-iling pa muna si Grasya saka pinaandar ang makina.

Mabuti na lang at may ate si Trevor na ganyan ka bait. Ang swerte niya sa pamilya pero sa pag-ibig ang malas niya. Kahit ako ay napatanong rin kung magiging sila ba ni Alisha sa huli o magkatotoo iyong prediction ni Venzyl sa kwentong ito. Kung ako lang sana iyong girlfriend ni Trevor, ibibigay ko talaga kung anong deserve niya. Para sa akin kasi ay sobrang worth it niyang mahalin. And here it goes again. Nangangarap na naman. Tsk!

"Andriana, maligo ka na!" sigaw ni Venzyl mula sa kwarto niya.

Ngayon ko lang rin napagtanto na palubog na pala ang araw. Kaunting chapters pa lang ang nabasa ko ngunit kailangan ko nang maghanda para makaalis na kami papuntang party. Well, hindi naman rin kailangan pa ng pabonggahan or formal na attire. Just simple lang naman.

"Venzyl, ano ba susuotin mo?" tanong ko rito at lumabas naman siya sa kanyang kwarto.

"Trauser lang tapos simple tops. Kain lang naman ang pupuntahan ko roon," sagot niya.

"Ganoon na lang din ako. Ayokong mag-dress baka mapagkamalan pa na ako ang nag-birthday," biro ko pa.

"Loko ka talaga. Sige na maghanda ka na. Nag-text na sa 'kin si Jenrose, eh." Itinulak-tulak pa niya ako papunta sa kwarto ko. "Mag-make up ka ng slight baka may mga bisita si Jenrose na pogi," aniya at binigyan ako ng ngiting nakaloloko.

"Oh stop!" sigaw ko saka isinara ang pinto.

"Para magka-boyfriend ka na!" sigaw rin niya sa labas.

Binuksan ko pa ng kaunti ang pinto at sumilip sa kanya. "Sanay na 'ko maging third wheel ninyo ni Zyrel," sabi ko at pasinghal naman siyang natawa.

Hidden PagesWhere stories live. Discover now