I shook my head lightly. "No... No it's fine tito. I respect your daughters opinions and decisions. Napilitan kami sa kasal na ito... Kung ito manlang ang mapapagaan sa pakiramdam niya ayos lang ko doon.

'Ang arte po ng anak niyo.

Hindi ko naman talaga ipagkakalat kahit kanino na naipakasal ako sa isang katulad niyang masahol ang ugali.

Gusto ko sanang sabihin iyon....

Kaso mapapalayas ako ni Papa, mapapalo pa ako pag uwi.

~~~~~


"Well, I swear. Kapag may nalaman akong naabuse ka sa kasal nayan. Malalagot sakin ang asawa mo sa korte." Matapang na sabi ni Pyke nang maikwento ko na sakanya ang nangyari...

Natawa na lamang ako at muling uminom ng alak.

Mahaba habang kwentuhan, kantahan, gaguhan ang nangyari. Hanggang sa nalasing ang tatlong kanina pa kanta ng kanta.

It was just 12:00 am pero lasing na sila... Kung maka shot kasi, parang ginagawang tubig yung Black label eh!

Tumayo na ako para makauwi na, ayaw kong makainuman ang mga bobong lasing katulad nila.

"Oi, uuwi na ako. Matulog nalang kayo dito! Ayon doon sa tabi ng pool! O kaya mag paka lunod na kayo jan... Sige mga pre bye!"

Lalasing lasing silang tumango habang si Pyke ay tinatawanan sila. Kami nalang kasi ang hindi lasing saming lima.

Masyadong uhaw sa Videoke at alak yung tatlo naming kasama langya.


Tinanguan ko si Pyke bilang senyales na aalis na ako at siya na ang bahala sa tatlong bugok. Umalis na ako sa loob Villa at nag punta sa parking space.

Sumakay na ako ng kotse at tahimik na nag drive paalis...


Mmm... Back to the City view.

Hindi na ganoong ka traffic at kakaunti na lamang ang taong papauwi galing sa trabaho, siguro'y nag over time. Yoon lamang ang laman ng daan.


Sa penthouse ko na siguro ako uuwi tutal medyo late na at ayaw kong mang-gising ng tao sa bahay namin.


Lumihis ako ng daan para maka punta sa may Rockwell. I turned the steering wheel.

Sakto namang nadaanan ko ang Universitying pinag aaral ko.


Tanaw mula rito ang malalaking pasilidad ng eskwelahan namin. Mapuno at ma espasyo, isa ito sa katapat ng UP Diliman sa palakihan ng lupang sakop.

Binagalan ko ang pag drive dahil namiss ko toh... Langya isang linggo pa bago matapos ang suspension ko.

Kaya lang naman ako na suspend dahil sinagot sagot ko ang Dean dahil pinaglaban ang pagkakamali ko... Hindi naman dahil nag yoyosi ako sa school grounds.

Mrs. and Mrs. Where stories live. Discover now