Chapter 7 - Good job

Magsimula sa umpisa
                                    

"Kamusta naman ang bunso mo? Susunod ba yan sa yapak ng Kuya nya?"- tanong ni Mr. Elin.

"Ye——"

"No, Mr. Elin. I'm into arts."

"Anak.."- pagtawag ni mama pero hindi ako nagpatinag.

Dad cleared his throat and chuckled, "She's really good at everything she's doing, but I'm still hoping that she'll help her brother someday."

Ayaw ko!

Matapos ang dinner na hindi ko naman na enjoy ay nagpaalam muna ako na mag babanyo. Hindi naman nila ako pinakialaman kaya umalis na ako.

Sa girl restroom ako pumasok at dumiretso sa isang cubicle. Tinanggal ko ang belt ko at binaba ang zipper ng pants ko para makaihi na ako.

I avoided my gaze and didn't look at my thing. After peeing, I went straight to the sink to wash my hands.

Kelan ako masasanay?

*************

"Claire, wait me up."- it was Addison who was running after me.

Umalis kasi ako sa bahay pero nagpaalam naman ako, sabi ko nalang babalik ako mamayang bago mag twelve to celebrate Christmas with them.

"I want to be alone."- suplada kong sabi sa kanya nang makalapit na sya sa tabi ko.

"Sounds like the opposite. Let's go?"- inignora nya ang nakasimangot kong itsura at nginitian pa ako ng malaki habang nakapamulsa sya sa coat nya.

"Bahala ka jan!"

Nauna na akong maglakad pero dahil matangkad din naman sya ay mabilis lamang nya akong naabutan. Nahigit ko pa ang hininga ko dahil sa bigla nyang paghawak sa braso ko.

"Ano ba..."- halos pabulong na sabi ko at nilingon sya.

"What? I just want you to get comfortable with me."

"By doing this?"- minuwestra ko pa ang kamay nya sa braso ko at sinubukan tanggalin iyon.

She smiled and said, "Be gentle with me, Claire.I just want us to be close."- her voice slowly fades as her smile slowly vanishes after seeing my expression.

Lumuwag ang kapit nya sa akin at bumuntong hininga sya. "I'm sorry. Tara?"

This time, sya na yung naunang lumakad. Napailing naman ako at tahimik nalang na sumunod. Mag pipicture kasi ako dahil parte ng project ko na dapat may pictures daw duon sa ipapasa namin.

Actually, it's a brochure, and I chose Vancouver as my subject since we're here already. Hindi na ako mahihirapan.

"San ba tayo pupunta?"- tanong nya at bumalik pa talaga para lang makausap ako.

Lihim akong napairap.

"Nauuna ka tapos hindi mo pala alam."

"Kaya nga ako bumalik sa‘yo."

Natigilan naman ako at tinignan sya ng seryoso. Inosente lamang itong nakatingin sa akin kaya hindi ko maituloy ang pag susungit ko.

"Tulungan mo nalang nga ako para may silbi ka naman sa pang gugulo sa me time ko."- malamig na sabi ko at hinawakan ang laylayan ng scarf nya para mahila ko sya sa kung saan.

"Hey, you're making me look like a dog!"- maarteng reklamo nya at pinalo ng bahagya ang kamay ko.

Nahigit ko pa sya tuloy lalo para iiwas ang kamay ko, kaya naman tuluyan na sya sumalampak sa akin. Nagkatitigan kami at napalalunok ako sa kaba dahil ang lapit lapit nya lang sa akin.

She Loves Me ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon