Oo, gusto kong mag kaayos kami pero ang masabihan kaming cute tingnan? Fuck! Disgusting!

“Walang cute rito! At mas lalong hindi cute ang demonyo!” sigaw nito at sinamaan ako ng tingin

“Demonyo ka rin naman.”

“Kung maihahalintulad ako sa demonyo, I prefer Maleficent. Hindi siya demonyo pero may sungay siya. And I know you're aware that she is a beauty. Parang ako.”

Napanguso ako sa sinabi niya at napailing-iling na lang Mayabang.”

Makaalis na nga. Binabadtrip mo lang ako.” sabi nito bago lumapit sa pinto

Pero bago pa niya mabuksan iyon ay kusa iyong bumukas at tumama sa kaniya.

“Putangina!”

Jeisz my best friend!”

Pumasok si Ichiro sa kwarto ko nang may malaking ngiti pero nawala iyon nang makita si Riz na nasa likod ng pinto habang nakahawak sa noo nito.

“Gorgeous? Gorgeous!” sigaw nito at tinulungan si Riz na tumayo “Anong ginagawa mo riyan?” tanong sa kaniya at masamang tingin kaagad ang sinagot sa kaniya ng kapatid ko

Tarantado ka kasi!” sigaw nito kay Ichiro

Napangisi ako nang biglang umingkas ang kamao niya sa mukha ni Ichiro dahilan para matumba ito.

“Ngayon, ako naman ang magtatanong sa iyo. Anong ginagawa mo riyan? Wala namang tubig, ba't nag si-swimming ka?” nakangising tanong ni Riz sa kaniya na ikinangiwi naman ni Ichiro

“Why are you so cold to me, gorgeous?”

“Cold mo mukha mo.”

Tumayo si Ichiro mula sa pagkakatumba at bumaling sa akin.

Kamusta, Pres? Pogi mo pa rin ah. Mas pogi nga lang ako sa'yo, matalino pa.” nakangising sabi nito

Syempre sasabihin mo iyan. Mahangin ka e.”

Napangiwi ito at papalit-palit ang tingin sa amin ni Riz.

“Mag kapatid nga kayo. Parehas masama ang ugali niyo.” sabi ni Ichiro

“Masama rin naman ang ugali mo ah? Mas masama nga lang ang kay Lucifer. Bye!” inirapan muna kami bago umalis

Nagkatinginan kami ni Chea at sabay na napabuntong hininga nang makitang napangiti na lang si Ichiro.

“What are you thinking, Ichiro?” Chea asked him

“Damn. I really like her.”

*****

Ivan's POV

“Anong balak mo ngayon?” tanong ni Theo sa'kin

“I don't know. It's your fault.” sisi ko sa kaniya

“What? You're being a jerk, Van.”

Inis na tumingin ako sa kaniya “Kung hindi mo in-open ang topic na iyon, malamang hindi malalaman ni Jade.”

“So gusto mong patuloy pa rin siyang lokohin? Hindi ka ba naguilty, Van? Noong time na iniwan natin siya and we use the reason na kailangan mong magpagamot. She blamed herself because of that! Dahil akala niya kailangan mong magpagamot dahil grabe iyong aksidente noon at naapektuhan ka. Pero ang totoo, we left because of personal reason. At iyong mga panahong wala tayo sa tabi niya, nagdudusa siya.”

The Black Section's Princess (PART TWO) [COMPLETED]Where stories live. Discover now