Chapter 6

0 0 0
                                    


Lunes nang nagkita ulit kami. Maaga rin akong aalis dahil may gagawin yata si zale.

"No, I'm not busy. You can stay here," aniya nang tumayo ako.

Naglalaro kami ng chess board at palagi ako ang panalo. Hindi ko alam kung nagpapatalo ba siya o ano.

Wala si raven, nasa baba daw. Maaga kasi ako pumunta dito kaya siguro tulog pa. Hindi namin na siya ginising dahil tanging pag upo lang naman ang ginagawa niya dito.

Tumunog ang kanyang cellphone kaya natigil ako sa pagsasalita. Tumango siya at tumalikod.

Lumabas muna ako. Ayaw niya kasing umuwi muna ako. May inorder daw siyang pizza kaya nagpaalam muna ako na bababa ako para mag explore sa mansyon.

Naglakad ako pababa ng hagdan. Nagtama ang tingin namin ng isang katulong pero inirapan lamang ako at umalis.

Napahinto ako sa paglalakad sa gitna ng hagdanan.

May galit ba sila sa akin? Hindi naman nila ako kilala ah? Bakit ganon, parang may atraso akong nagawa?

As usual, walang tao. Ang mama ni zale, minsan lang daw umuuwi dito dahil may negosyong pinapatakbo sa probinsya na hindi ako pamilyar.

Sofia is at school. Nasabi ni zale sa akin na first year college na daw 'to at ahead lang sa akin ng isang taon. Maliban doon, wala nang masyadong tao dito sa Mansyon. May kani-kanilang bahay sila pero dito madalas umuwi.

Ang ganda siguro ng gano'n. Kami kasi sa isang squatter na lugar lang nakatira. Panganib pa.

Nagulat ako nang tumigil siya. Nakatitig ako sa kanyang likod at parang nanigas siya. Nag angat ako ng tingin at nakita ko agad si raven na bagong gising!

Topless at naka gray shorts.

Natulala ako. Magulo ang kanyang buhok and his sharp jawline was obvious when he titled his head. Kalaunan, tumingin siya sa taas, kung nasaan ako.

Umalis naman kaagad ang yaya. Pero hindi ko na yon pinansin. Mabilis akong bumaba, halos tumakbo na.

Nakita ko ang paglaki ng mata niya at naalarma pero nakababa na ako.

He's here! Akala ko hindi ko siya makikita. Mamayang hapon pa kasi ang pasok namin dahil may meeting lahat ng teacher kaya nag desisyon muna akong pumunta dito.

Huli na siya at nakababa na ako. I was smiling widely habang masama at matalim ang tingin niya sa akin dahil sa biglaang pagbaba.

"Good morning! Kagagising mo lang?" I asked with my full energy.

Matalim pa rin ang tingin niya sa akin. Bumaba ang tingin ko sa katawan niya. Naramdaman ko agad ang pag-init ng pisngi ko. Nag iwas ako ng tingin.

Mahahalata ka niyan eh!

"Don't do that again." Aniya.

Napatingin ako ulit sa kanya. Ibig niya bang sabihin ay ang pagtakbo ko pababa ng hagdan? Ngumuso ako.

Napagalitan pa nga.

"Good morning too. Yes, kagigising ko lang." Kalaunan nagsalita siya. Tumango ako. "You're early. Wala kang pasok?" Tanong niya sabay tingin sa aking katawan.

Ngumuso ako. Naka uniform ako. He must think, umabsent ako para dito.

Pwede naman kung may organization sa school since hindi naman ako mahilig sa mga ganon.

"Ngayong umaga lang." Sabi ko at iniwan siya doon para tingnan ang mga paintings.

Ang ganda lahat. Natatandaan ko pa noon kung gaano ako kahilig mag drawing. Pinangarap ko rin ang pagpipinta pero hindi ko rin natupad dahil namamahalan ako sa mga gamit.

These paintings looked good and great. Sino kaya ang painter? It also looked old and classic.

Naramdaman ko ang pagsunod niya. Kalaunan, tinabihan niya ako.

"Magaling ka bang mag pinta?" Tanong ko sa kanya habang ang mata ay nasa unahan.

Naramdaman ko ang pagtango niya at hindi nagsalita. I sighed. He must be bored now now that I'm here.

I wonder kung ano iniisip niya tuwing nandito ako? Naiisip niya ang madalas kong pagbisita dito? Ang pangungulit sa kanya? Masyado ba akong madaldal?

Napatingin ako sa paligid. Hindi man lang ako nakaramdam ng hiya na nandito ako ngayon. Kanina, halos takbuhin ko na ang pagitan namin dahil lang nakita ko siya sa baba.

Napapikit ako. Dapat talaga sa school nalang ako naghintay eh! Nandoon naman sina gavin. Bakit ba ako pumunta pa dito? Pumasahe para lang.. sa ganito?

Masama ang tingin ng mga yaya sa akin dahil siguro iniisip nila na napakawalang hiya ko naman para bumisita dito? I know they don't me.

"You're way too early. Gising na ba si zale? Or you just.. roam around, alone?" Maingat na boses niya.

Mas lalo akong nakaramdam ng hiya. Hindi ako halos makatingin sa kanya. Anong sasabihin ko? Maaga naman nagising si zale pero tama nga naman siya. Seven a.m palang nandito na ako.

Tapos.. mga lalaki pa sila. Ni hindi ko lang kaibigan si sofia. They're elder than me but here i am, roaming around their huge house.

"A-Ahh.. paalis na din ako," i said stuttering.

Kumapit ako sa strap ng aking bag. Nakita ko ang pagbaling ng isang kasambahay sa akin at mariin ang titig.

Right.

Gumalaw siya kaagad, parang naalerto. Naglakad na ako palabas.

Maaga pa pero sa school nalang siguro ako maghihintay. Makikinig sa tsismis nila at tatanggapin ang panglalait sa akin. O di kaya ay magbabasa nalang ako ng libro sa library.

That's what i needed to do as a student. Hindi yong pupunta ako sa bahay ng ibang tao.

Bago pa ako makalabas, naramdaman ko ang paghawak niya sa aking pulsuhan. He's still topless with his towel on his side. Hindi ako makatingin sa kahihiyan.

"You stay here. Maliligo lang ako then we'll tour around kung wala ka pang klase," aniya sa marahan na tono.

Tumango ako. Hindi ko naman susundin pero para umalis na siya dahil alam kong iisipin niyang umalis ako dahil sa sinabi niya kanina.

Ilang sandali niya pa akong tiningnan nang hindi ako kumibo. Like he's examining me. He looked annoyed too and i don't know why.

"Hintayin mo 'ko. Don't leave." 'yon ang sinabi niya bago umalis para maligo.

Ilang minuto akong tumunganga doon bago nagpasyang umalis. I think he called the guard dahil nakita ko ang pagpanic sa mga mata nila nang nakita akong lumabas ng gate.

Nasa loob na ako ng trycicle nang nakita ko siyang nagsusumbong sa cellphone na hawak niya.

Sakto naman nang dumating ang food delivery. 'yon ang order ni zale dahil aniya, manonood kami ng movie.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 22, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Marry MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon