“Sis!!! Ang lalim ng iniisip natin a! Sino ba yan?”

Nakita ko si Sis Ella sa harap ko.

“Wala to ano ka ba! Pagod lang siguro ako”

Tinignan naman niya ako ng makahulugan

“Pagod? Saan? Sa kakaisip sa dalawang alien na sumasakop diyan sa utak mo? Kilala na kita sis, laos na yang mga palusot mo!”

O.O

“Ano bang sinasabi mo diyan? Anong dalawang alien?”

Sinamaan naman niya ako ng tingin

“Sabihin na natin na yang utak mo ay lumipad na sa kalawakan. Tapos sa outer space may dalawang gwapo’t hot na alien ang nag-aagawan sa kung saang planeta ka magpapasakop. Sa Planet Bangus ay ang asawa mo na si Lyle at sa Planet Marshmallow ay si First Love Renzel. So anong planeta ang sumakop diyan sa utak mo? Planet Bangus no???”

O_O

“Nababaliw ka nanaman sis! Bumalik ka na nga lang sa ginagawa mo. Masyadong malawak ang iyong imahinasyon.”

“Yun un e! Change topic ang peg?! So tama ako??? Si Lyle???”

=_=

“Sino nagsabe?! Bat ko naman iisipin yun? Bakit ba kasi Bangus at Marshmallow yan? Kung pwede namang Venus at Mars? Gutom ka na no???”

“Adik! Nagdadiet nga ako tapos gutom?! Kasi nga si Renzel ay Marshmallow kasi ang sweet niya tapos siya pa yung tao na nakapalambot ng personality alam mo yun. Tapos si Sir Lyle naman yung Bangus, kasi di ba yung isdang yun ay matinik? Bagay sa asawa mo. For short malakas ang karisma. Hindi naman sa pinupuri ko siya pero alam mo yun parang ang cool na maangas, yung may mysterious effect? Tsaka nitong mga nakaraan kasi napapansin ko na nagiging big deal sayo yung presence niya.”

>O<

“Panong big deal? Ano ba yan sis! Epekto ba yan ng kakapanood ng mga teleserye? Hindi kaya!”

Grabe! Ano ba yang mga pinagsasabi ni Sis

“ *=_=* Nag-eexplain lang! Kitams apektado ka masyado. Teka… teka meron ba akong hindi alam? May something ba?”

Tapos tinignan niya ako ng mapanlinlang

“Anong something? Grabe ka sis! Alam mo namang si Renzel ang mahal ko di ba?”

“Sus! Defensive much ka sis! Pero seryoso…”

Bigla namang naging seryoso yung itsura niya.

“Ano naman yun?”

Marrying My Mortal Enemy [Complete] [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon