Magkaaway

194 5 2
                                    

"Bakit ba gustong gusto mo kong bwinibwisit? ke aga aga mukha mo nakikita ko?" ani ni Channel sa kanyang kapitbahay na si Marj. "Aba! at bakit?! Ikaw ba ang may ari ng kalsadang ito na nilalakaran ko? kala mo ba gusto kong dumaan dyan sa harap ng bahay nyong inaanay? hoy! kung may iba lang ruta dito hindi ako dito dadaan no! Ikaw nambwibwisit sa umagang to! haay...makalakad na nga at baka makasagap pa ko ng masamang hangin dito!" sagot naman ni marj.


Sina Marj at Channel dalawang tao na simula pa ata ng pinanganak ay sya ng mortal na magkaaway. Bata pa lamang silang dalawa ay palagi na talaga silang nagbabangayan, palibhasa magkaiba ng estado sa buhay.


Si Channel, mula sa mayamang pamilya. Ang kanyang Ina ay isang sikat na Broadcaster para sa AFN News at ang kanyang Ama naman ay isang kilalang business tycoon may mga condominiums at malls sila na pag aari tulad ng "One Stop Mall" at "the Symposium" ilan lang sa mga kilalang establisyamento ng Verganza Developments. Palibhasa nagiisang anak kaya "spoiled" kumbaga gustong lagi masusunod ang mga luho nya. At dahil nga gusto nilang ibigay lahat sa kanilang "Unica Hija" ay pinagbibigyan nila ang mga luho nito sa anumang pamamaraan.


Si Marj, nagmula naman sa isang may kayang pamilya di man sila singyaman nila Channel ay naibibigay din naman ng kanyang mga magulang ang kanyang mga pangangailangan. Single Parent ang kanyang Ina ngunit sa kasipagan ay nakaangat sila sa buhay. Mula sa pagiging isang call center agent, nagpursige ang kanyang Ina hanggang sa ito ay mapromote sa pagiging Team Leader at dahil nga palaging doble ang efforts na ibinibigay nya sa trabaho ay napromote muli sa pagiging Operations Manager. May boyfriend ang kanyang Ina isang Doktor na kanyang nakilala nuong minsan ito ay maconfine dahil sa kanyang pagkakasakit. Magtatatlong taon na sila at hindi naman itinago ng Ina nila Marj ang lihim na ito sa kanila, mabait naman ang nobyo nito at parang sariling mga anak na rin ang turing nito sa kanya at kanyang dalawang kapatid na sina Zane at Ces. Tulad ng kanyang Ina minana ni Marj ang pagiging pursigido sa buhay nagwoworking student pa nga ito bilang part time student librarian sa kanilang eskuwelahan.


Sa Saint Hyacinth sa may Libis kapwa nagaaral sina Channel at Marj at pati sa pagaaral ay kakikitaan ng kumpetisyon ang dalawa. Si Channel head cheerleader para sa Team Cheetah ang pinaka popular na Cheerleading Team sa kabuuang Maynila samantalang si Marj naman ang pinakasikat na Singer sa kanilang eskuwelahan palibhasa sya ang nanalo sa television singing competition na "Lead Generation". Di rin naman sila nagkakalayo pagdating sa Academics si Channel magaling sa English at Social Science samantalang si Marj ay sa Math at Science at dahil pa graduate na sila ngayong taon na to ay silang dalawa ang maglalaban para sa Valedictorian ng batch nila.


"Wow! I can't believe the nerve of some people who would dare to compete against me ang kakapal ng mukha!" parinig ni Channel kay Marj habang ito at ang mga kaibigan nito ay naglalunch sa kanilang cafeteria. "Napakalaki naman ng insecurity issues ng isang tao dyan, sobrang bilib sa sarili. Alam nyo guys masama yung ganyan wag kayo gagaya sa ganyang ugali dahil kahit anong bango nyan sa labas kung ganyan naman kabaho ang mga binibitawan nyang salita wala, Basura pa din sya sa paningin ng iba, am I right guys? bitaw naman ni Marj. "Aba't talagang!" lumakad pasugod si Channel at kanyang grupo patungo sa kinauupuan nila Marj "Ako bang pinariringgan mo Ms. Rosales? Magingat ingat ka baka makatikim ka sa akin!" sabi ni Channel "Oh, I'm so sorry Ms. Verganza, tinamaan ka ba? Ang alam ko kasi ang mga taong guilty lang ang magrereact sa mga sinabi ko, bakit ikaw ba ang pinatatamaan ko? salungat ni Marj "Oh come on Marj! I am not stupid, and who would you be pertaining to other than me huh?" sagot na muli ni Channel "Ewan ko! If you hadn't started in the first place I wouldn't have given you such feisty comments Channel so just cool it."pagtatapos naman ni Marj. Aktong sasabunutan na sana ni Channel ng Dumating si Drake ang boyfriend ni Marj at sinaklolohan nya ito mula sa sana ay pagiiskandalong gagawin ni Channel. Agad silang lumayo at nagpunta sa lugar na sila lamang dalawa ang naguusap. Nagpupuyos sa galit si Channel habang papalayo sina Marj at Drake.



FrenemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon