Chapter 37

693 26 6
                                    

Jema

Nandito kami ngayon ni mom sa loob ng kitchen at yung boyfriend ko naman at si dad ay nasa garden mag-iinuman daw kasi silang dalawa

Kumbaga bonding na nila kasi ngayon lang kami ulit nakadalaw

Maya maya lang ay lumabas na kami ni mom mula sa kitchen nagtungo kami sa garden para tignan yung dalawa

Baka kasi lasing na lalo na si dad

Hindi pa kami nakakalapit ay rinig nanamin yung mga tawanan nila ang lakas eh mukhang masaya ang pinag uusapan nila

Napahinto ako sa paglalakad ng huminto si mom

"Mom ba't po kayo huminto?" takang tanong ko

"Look, anak ang saya ng dad mo at ng boyfriend mo" sabi ni mom habang nakangiti

Kaya naman agad ko silang tinignan tama nga si mom masaya silang dalawa

"Kitang kita sa mga mata ng ama mo na masaya siya para sayo anak at kung gaano niya kagusto si dean para sayo" sabi ni mom

"Masaya ako para sayo anak" dagdag pa ni mom

"Thankyou po mom" sabi ko at niyakap si mom

Naisipan na naming lumapit sakanila

"Oh mukhang nagkakasiyahan kayong dalawa ah" sabi ni mom

"Oh mahal, bat kayo nandito?" tanong ni dad

"Hi po tita, hi love" sabi ni dean

Hindi pa naman pala sila lasing

"Hello love" sabi ko

"Hindi pa kayo lasing?" tanong ko

"Hindi pa anak" sabi ni dad

"Hindi pa love" sabi rin ni dean

"Pag lasing na tama na ah mahal and iho" sabi ni mom

"Opo/yess boss" sabay nilang sabi hays

Umupo ako sa tabi ni dean habang nag iinuman sila ni dad ay nakikisali kami sa usapan nila kahit papaano at nagtatawanan din kami.

Dean

Maya maya lang ay natapos na rin kaming uminom ni tito, pansin ko naman na parang inaantok si jema

"Love, antok ka po?" tanong ko

"Ahm opo eh" sabi niya habang humihikab

"Sleep kana po kaya muna?" sabi ko

"Samahan mo ko love" sabi niya halatang nanlalambing eh

"Ahm sige po" sabi ko

"Tito, hatid ko lang po si jema sa kwarto niya inaantok po kasi" sabi ko

"Sige mga anak, magpahinga na rin muna kayo at galing kayo sa biyahe" sabi ni tito sumang ayon naman si tita

"Maraming salamat po tito/tita" sabi ko

"Mamaya nalang po ulit mom/dad" sabi ni jema

Nagpaalam na nga kami sakanila at pumasok na kami sa loob dumeretso kami sa hagdan at umakyat na

Pagkaakyat namin ay dumeretso na kami sa room ni jema pagkarating namin ay pumasok na kami sa loob para makapagpahinga na rin dahil nakainom na ako at pagod din sa biyahe.

Pagpasok namin ay dumeretso na si jema sa cr para gawin ang kanyang night rituals.

Maya maya lang ay lumabas na si jema, pagkalabas niya ay ako naman ang sumunod para gawin ang aking night rituals.

Pagtapos ko ay lumabas na ako ng cr, nakita ko naman si jema na nakahiga na at mukhang tulog na

Nagbihis na ako nagpatuyo ng buhok, pagkatapos kong magpatuyo ay humiga na ako sa tabi ni jema

I kiss her on her forehead, yumakap siya sakin kaya I hug her back

"Goodnight love! iloveyou" sabi niya

"Goodnight too love, I love you more" sabi ko

Siniksik niya yung mukha niya sa leeg ko at natulog na.

Tinitigan ko muna si jema nga mga ilang minuto

Hays, can't wait na maikasal ako sayo love

Hindi na talaga ako makapaghintay

Hanggang sa napagdesisyunan ko na ring matulog, bago ako matulog ay inayos ko muna yung kumot namin ni jema then I turn off the lights na para makapag sleep na rin ako ng mahimbing, hanggang sa nakatulog na ako.

_________________________
Few more chapters left, para next story na

Road to foreverWhere stories live. Discover now