17. LETS DO IT TOGETHER

Comenzar desde el principio
                                    

"I will but not now. Can I sleep here?"

Saglit akong nagulat bago muling napagtanto na malakas pala ang ulan. Kahit may sasakyan siya ay delikado parin. We are lovers now, there is no reason for me to say no.

Pumayag ako. Noong gabing yun ay nagluto kaming dalawa. We were enjoying like the old times. Almost 8 na kaya nag-porkchop nalang kami ni Brent para makakain agad.

"Love, yung ketchup?"

"Nasa baba, left side." naglagay na ako ng dalawang pinggan sa lamesa.

Nakita niya naman agad dahil nagtitimpla na siya ng nestea juice pagkatapos kong magsandok ng kanin. He was smiling widely while showing me what he's doing.

Ang tagal na rin noong huli.

Nilagyan niya ang mga baso namin bago pumwesto sa upuan niya. I smiled remembering that it had always been his property. Noong wala siya ay hindi namin yan inuupuan ni Mama sa pag-iisip na kasama parin namin si Brent.

Ngayon naman, nasa gitna namin ang upuan ni Mama. My heart vanished in pain when I realized that...we didn't even got completed before my Mom died.

Kinuha ni Brent ang pinggan ko at nilagyan ito ng kanin at pork chop. Tiningnan niya ako."Nandito na ako kaya pagsisilbihan na ulit kita."

"Thank you,"hindi napigilan ang kilig sa boses ko.

This is what I've missed. Him taking care of me, him doing anything for me. The act of service he gave me is everything. So tell me, how can I move on to this guy?

"Love..."

"Yes love?"

His cheeks burned as he blush.

"May check-up ako sa susunod na linggo. Gusto mong sumama?"

"I will. I won't miss any of your check ups from now on. Sasamahan kita palagi Brent."

"I'm sorry for telling this late. Pinaabot ko pa ng ilang taon bago mo nalaman."

Nagbuntong hininga ako bago tumayo para yakapin siya. Bahagya naman siyang nagulat pero nakabawi naman agad. Sobrang higpit ng pagkakayakap ko sakanya.

"Tama na ang sorry, okay? I love you and I understand now." I told him sincerely.

"I love you, love."he suddenly kiss my cheeks that made me almost jump.

He even chuckle as he pulled my arms to cage me. Nanlaki ang mga mata ko nang maupo ako sa mga hita niya.

Nagkatinginan kaming dalawa. Pinagtaasan ko siya ng kilay kaya pinisil niya ang pisngi ko. Sinubuan niya ako habang nakakandong parin ako sakanya.

"Paano yung akin?"tinuro ko ang pinggan ko sa kabilang side ng mesa.

"Let's have it too."he just answer.

After dinner, I volunteer to wash the plates but he insisted. Lalagyan niya ng bula ang mukha ko kapag hindi ko siya hahayaang maghugas. Kaya ang ending kaming dalawa nalang ang naghugas.

Nang matapos ay dumiretso siya sa guest room na ipinagtaka ko. Mabilis ko naman siyang pinuntahan at hinila. Nasa mukha niya ang pagtata sa ginawa ko.

"Sa kwarto tayo,"

His forehead creased before his eyes widened, realizing."Baka may gagawin kang masama mahal, dito nalang ako."tinuro niya ang guest room.

"Mukha mo, ako pa talaga ah?"

He laugh out loud before he grab my arm. Pumasok kami sa loob ng kwarto. Namangha pa siya saglit dahil pina-renovate ko ang kwarto kaya may kaunting pagbabago.

Was Ready For Brent (Varsity Series:1) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora