Chapter 38

6 1 0
                                    

Pigil ang aking hininga dahil sa eksenang nasasaksihan ko ngayon. Pitong lalaki ang may hawak kay Rence. Lahat ng mga 'to ay de-armas at handang kumitil ng buhay kapag nagkamali ng paggalaw.

"You can kill me just not in front of her, please," rinig kong pakiusap ni Rence.

 Iyon lang ang naging hudyat para huminga ako nang sunod-sunod na parang kumukuha ng hangin. 

Mukha akong nalunod at kulang na kulang sa ere. Hinahapo akong umupo at tiningnan ang lahat ng lalaki na nababahag dahil sa sitwasyon namin. Lalo na kay Rence.

"Wag niyo siyang idamay dito. Ako na lang," pakiusap niya ulit.

Pagod na ako na sa lahat ng kadramahan ng buhay namin. Lahat na lang may kapalit. Bawat saya, may lungkot agad na susunod. Problema na naman! Tanginang organisasyon 'to. Lahat na lang nagkanda leche-leche!

"Ano ba ang kailangan niyo at 'di niyo kami matigil-tigilan?!" Galit kong tanong.

Nagtinginan pa silang lahat na parang nakakagulat 'yong pagsalita ko ngayon.

"Mga piping demonyo ba kayo at 'di kayo makapagsalita?" Pang-iinis ko pa.

Hinalinhinan naman ng magkasunod na putok ng baril ang sinabi kong 'yon.

Gilalas at takot ang lumukob sa aking pagkatao.

"Rence! Rence!" Gilalas na sigaw ko dahil napadapa ito.

"Shit. Rence!" Sigaw ko ulit. Pero wala akong makitang dugo ng pasugod kong tingnan ang kaniyang katawan at maging ang kaniyang damit ay wala ding bakas ng dugo.

"Pakialamera!" Sakmal sa akin at hila sa buhok ko. Hindi ko 'yon inaasahan. 

Napadaing na lang ako sa sobrang sakit na aking nararamdaman. 

"Shunga lang?! Kita mong pataas 'yong pagpaputok namin ng baril, eh, titingnan mo 'tong nobyo mo kung natamaan?" Angil sa akin ng lalaking humila sa buhok ko kanina.

"Buang din 'tong babaeng 'to! Masyadong patay na patay sa jowabels niya. Edi sana ol!" Halakhak din ng isang kasamang may hawak kay Rence kanina.

"Bulag din 'tong babaeng 'to. Iyong jowa niya na mahal na mahal ngayon ay siyang anghel ng kamatayan niya noon. Pero ano? Wala. Mahal na mahal pa rin. Nagagawa nga naman ng pag-ibig. Kakaiba."

Kita ko ang pagpikit ni Rence na parang 'di Komportable na nabuksan na naman 'tong usaping 'to na pilit naming ibinabaon sa limot. Tagaktak ang pawis sa noo at kahit 'di niya sabihin ay alam kong nasasaktan siya para sa akin. 

"Who the fuck are you to say those?! Wala kang alam! Wala ka sa sitwasyon namin! At mas lalong hindi mo alam ang buong pangyari!" Singhal ko sa kanila na pigil pa rin na kumawala lahat ng emosyon ko sa dibdib.

Halakhak nilang lahat ang pumailalim sa kwarto na kinaroroonan ko.

"Aba't nagpapatawa 'tong babaeng 'to," singit ng isa.

"Nene… kami 'yong napag-utusang patayin ka. At ito? Itong lalaking 'to…" habang kwinelyuhan si Rence, "ay siyang mastermind para burahin ka sa mundong 'to dati," saad ng pinakasigang lalaki sa pitong magkakasama at lalo silang nagtawanan.

"DATI 'YON! MGA PUTANG INA NIYO!" Sigaw ko. I will defend him at all costs. I moved on from this already.

"Pero…" habang binibitin nila ako sa kanilang sasabihin. "iyong dating ginawa niya ay dala-dala mo hanggang ngayon. Hindi ba't 'di mo parin naalala lahat? Wala kang memorya sa mga nangyari kaya 'yon ang masaklap!" Tawanan nila ang halos maririnig sa kwarto ko.

Hindi ko man aminin pero may kaunting hapdi parin pala kapag nababalikan 'yong nakaraan. Pero matigas ang mukhang hinarap  ko sa kanila. Hindi ako magpapatalo.

IN ANOTHER LIFEWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu