He kissed my forehead.

Sa sobrang pagod ko hindi ko namalayan nakatulog na pala ako sa bisig nya.

Pag-gising ko wala na rin sya sa tabi ko, napatingin ako sa table.

Tumayo ako at kinukusot ang mata habang papalapit sa table, napansin kong na iba ang pwesto ni'to.

Kinuha ko at tiningnan ang mga documents.

"Amanda!"tawag ko sa secretary.

Nagmamadali syang lumapit sa'kin.

"Ano 'yun Miss. Villarreal?"

"Sinong tumapos ni'to?"linahad ko sa harap nya ang documents.

"Tinapos na po ni Sir Venezio lahat, wala na rin po kayong problema"nakangiti nyang ani.

Tumango ako. Paano nya kinayang taposin ng isang oras lang habang ako umabot na rin ng isang araw bago matapos.

Kinabukasan maaga kaming pumunta ng baranggay para ipamigay ang food.

Marami na rin nakapila pagdating namin, nasa tabi ko lang si Venezio.

Kompleto na ang binigay ko para hindi na nila kailangan hanapin pa ang iba at wala rin magreklamo kung bakit may kulang.

Ang secretary lang ang nagsasalita sa harap, pagod na ang boses ko.

Inabot sa'kin ni Venezio ang bottle ng tubig.

Uminom naman ako dahil pakiramdam ko ang tuyo ng lalamunan ko.

Nagsisimula na rin nilang ipamigay ang food, tumulong na rin si Venezio. Naiwan ako mag-isa sa loob ng sasakyan.

Napansin kong ang daming nakapila kay Venezio, inis akong lumabas at naglakad palapit kay Venezio.

"Blare!"tawag nya sa'kin ng agawin ko ang ipapamigay nya.

"Magpahinga ka na"ani ko.

Inabot ko ang ang isang bag ng food, may mga delata at sabon na rin sa loob.

"Salamat hija, napaka bait mo talaga"sabi ng may katandaan ng babae pero hindi sa'kin nakatingin kung hindi kay Venezio na nasa tabi ko.

Oh my god! Blare- wag naman pati matanda awayin mo.

Sunod naman lumapit sa'kin ang mga dalaga, mukhang kasing edad ko lang ang iba. Kilig na kilig sila ng iabot ni Venezio sa kanila ang malaking bag.

"Sa inyo na po 'yan, pero akin lang po ang nasa tabi ko"pasimple akong ngumiti.

Nawalan naman ang ngiti ng tatlo na nagtutulakan.

Narinig ko ang mahinang paghalakhak ni Venezio.

"My baby is jealous"bulong ni Venezio.

Sinamaan ko sya ng tingin, ano ngayon kung nagseselos ako? Sa gwapo nyang 'yan, magseselos talaga ako.

Pagkatapos namin ibigay ang mga food, umuwi na rin ang iba.

Marami pa rin natira.

"Ibibigay na lang natin ang iba sa mga madadaanan natin sa kalsada Miss. Villarreal"ani ni Amanda.

"Do whatever you want, Amanda"

Tinali ni Venezio ang buhok ko sa likod, ang init init talaga.

Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa ginawa nya.

Pagkatapos nyang itali ang buhok ko pinalingon naman nya ako.

"Just look at me, ako dapat ang magselos sa dami ng nakatingin sa'yo"

The Assassin Servant (Under Immac Printing Publishing House)Where stories live. Discover now