TAO KA LANG

2 0 0
                                        

Hayaan mo lang dumugo ang sugat, tumigil at maging peklat
Maging mahina, magwala at umiyak
Hayaan mo lang na ubusin ka ng sakit, hapdi at pait
Sapagkat kapag tama na ang oras, alam kong babangon ka ulit

Kapag nawalan hindi mo naman kailangan maging matatag o maging matapang
Kailangan mong maging mahina at sumigaw sa sakit ng nararamdaman 
Hindi ka sundalo, mandirigma, o superhero
Isa ka lamang ordinaryong tao
Damahin mo lang at pansamantalang bumitaw
Ayos lang, mahal.

Tao ka lang.

Amidst chaos, bloom. Onde histórias criam vida. Descubra agora