Where are his pillow and blanket? Akala ko ba ay hihingi siya sa staff ng extra.

Nakatagilid siya, ang likod ang nakaharap sa sandalan. Magkakrus rin ang mga braso niya sa ibabaw ng kaniyang dibdib bago ipinikit ang mga mata.

Napailing ako. Seems like he's really going to sleep without any pillow or blanket. Hindi ba siya nilalamig?

Huminga ako nang malalim, hindi na nakatiis pa. Bumangon ako at hinarap ang mga unan. Kinuha ko ang dalawang natitira saka tumayo.

Nang makalapit ay tumayo ako sa harapan niya. I doubt that he's already sleeping despite his eyes closed.

"Here are your pillows." sabi ko.

Marahan siyang nagmulat ng mga mata. I unconsciously held my breath when I saw how intense his eyes were.

Bumaba ang tingin niya sa mga unan na yakap ko. Walang imik siyang bumangon at naupo sa couch. Kinuha niya ang mga unan sa akin bago ako muling tiningnan sa mga mata.

"Thank you."

Hindi ako nakasagot agad. Imbes na talikuran na siya at bumalik sa kama ay naiwan pa akong nakatayo doon at pinagmamasdan siya.

Nahiga na si Terrence sa couch pero nakatayo pa rin ako doon!

"You still need anything?'

Umiling ako. "Wala naman. Good night."

Mabilis akong pumihit patalikod. Kumuyom ang mga kamao ko, marahas ang tibok ng puso dahil sa kaba. Malalaki rin ang naging hakbang ko pabalik sa kama hanggang sa mahiga na doon.

I lay down, facing his direction. I was about to close my eyes when I saw him looking at me. My brow shot up. Tumaas ang sulok ng labi niya bago tuluyang ipinikit ang mga mata. I had a feeling that he was teasing me with that smirk.

At bakit naman niya ako aasarin?

Sa dami ng mga nagdaan sa isip, hindi ko namalayang nakatulog na rin ako. I woke up with the smell of food lingering in my nostril. Unti-unti kong iminulat ang mga mata at natanaw si Terrence na nakatalikod sa gawi ko, tila nag-aayos ng kung ano sa mesa.

Why is he up so early?

Bumangon na ako. I combed my hair through my fingers and it softly parted in the middle. Inayos ko ang suot na robe na hindi ko na pala nagawang alisin nang matulog.

Tumayo ako at walang ingay na naglakad palapit kay Terrence. Upon nearing him, my eyes went to his sweat pants. Sa likod sa may bandang gilid, naroon nakalagay ang brand nito.

My lips stretched out for a smirk when I found out that it was made by Luxwear. Sabi ko na nga ba. I could never go wrong when it comes to the product we produce.

"Hmm, you ordered breakfast?"

Napalingon si Terrence sa gawi ko. "Good morning. Yup."

Masiyadong marami ang pagkain sa mesa kaya iniisip kong para sa amin na iyong dalawa.

"I'm not sure what food you like for breakfast so I ordered a lot."

Isang beses ko pang pinagmasdan ang mga pagkain. Hindi naman ako mapili sa kakainin kaya walang magiging kaso kahit na ano ang nakahain.

"I'm cool with anything. Pero hindi mo na sana ako idinamay. How much ang share ko diyan? I'll just wire it in your bank."

He chuckled, his set of porcelain white teeth were exposed. I didn't know that he is way handsome in daylight. I couldn't see any blemishes in his skin. He's damn flawless!

"No need. You're letting me stay here for free. This is the least thing I can do to repay you."

Bago pa ulit ako muling matulala sa kaniya ay nagkibit balikat ako at itinuon ang mga mata sa mesa.

"Alright. Kain na tayo?"

Umangat ang gilid ng labi niya, titig na titig sa akin.

"Kakain na."

Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ko ngunit hindi iyon ipinahalata sa kaniya. Pakiramdam ko ay mayroon siyang ibig sabihin sa sagot niyang iyon.

Baka ikaw lang ang nag-iisip, Priscilla.

We started eating the food. Nagsimula sa katahimikan hanggang sa ako na ang bumasag. Pansin ko na tahimik lang siya pero ramdam kong nasa loob ang kulo.

"So for how long are you going to stay here in Benguet?" I asked while slicing my pancake with whipped cream and strawberry on top.

"Three more days. You?"

"One week I guess. Susulitin ko na bago ako bumalik sa trabaho."

He nodded his head. "What do you do in life?"

"I run a manufacturing business. You know, luxury products. We export world wide..." I said casually. "As a matter of fact, we made the sweat pants you're wearing right now."

Sumimsim siya mula sa tasa ng kape at at tahimik itong ibinaba sa mesa. He crossed his arms against his chest and smirked.

"My sister gave this to me as a gift. She said that it's expensive so I must take good care of it. Kulang na lang ay pabayaran niya sa akin ang ginastos niya dito."

Natawa ako. "It's not that expensive. But we have a new release of sweatpants that I can call as one. Maybe you wanna try it. I think it will look good on you."

"Salestalking now, aren't we?" he chuckled.

I laughed at his remark. "Barya lang iyon sa'yo sigurado."

"How can I have this sweatpants then?"

"Luxwear boutique is available in leading malls nationwide."

"I don't go to malls to buy my clothes. Maybe you can go with me and assist me? Since it's your product you are asking me to try."

Nahinto ako sa pagkain matapos niya sabihin iyon. I raised my gaze to look at him. He was slowly playing his lower lip using his hand, a playful smirk was still etched on them.

"SM Baguio is near. We can drop there later if you have nothing to do." sabi ko at nagbaba na ng tingin sa kinakain.

I don't see any problem going with him to the mall. Wala naman akong gagawin sa maghapon. Maybe it's a good thing to give the branch of Luxwear here a surprise visit.

"You have my whole day, Priscilla." he uttered.

Tumango ako nang hindi siya tinitingnan. Sa paraan ng sagot niya, sa tono ng namamaos at malalim niyang boses, hindi ko mapigilan ang muling makaramdam ng kuryente katawan ko. Bagay na hindi ko maintindihan kung bakit madalas kong maramdaman simula nang magkrus ang landas namin kagabi.

I was about to put the strawberry filled with whipped cream in my mouth when it suddenly fell on my chest.

"Ah, shit!" mura ko nang tumungo ako at makitang nagkalat ang cream sa dibdib ko. "So careless."

I tried to wipe it with my fingers. Sandali lang iyon at kumuha na rin ng tissue para ito naman ang ipamunas.

Wala sa sarili kong sinulyapan si Terrence at naabutan itong nakatingin sa gilid, tikom ang mga labi habang umiigting ang mga panga. He suddenly bore his dark on mine and sighed.

"I'll just take a shower."

--

Epilogue and Special chapters are exclusive for VIPs on Patreon, Spaces, and Facebook Group.

Completed on VIP Spaces and Patreon. To those who want to avail the membership, kindly message Warranj Novels on Facebook.

Facebook page: Warranj Novels

Facebook: Angelica Gamit - Ignacio

Facebook admin: Warranj Suarez Monasterio

Patreon: warranj

Twitter: WarranjWP

Instagram: warranjwp

Monasterio Series 8: Nights in Casa Vallejo Where stories live. Discover now