Umagang malamig
Nasilayan ang batang maliit
Puno ang silid ng kanyang himig
Kay sarap sa dinig
Umagang malamig
Sa sulok naroon ang dalagang rikit
Nakatulala sa silid
Mata'y Puno ng dalamhati't sakit
Dapit hapon, babaeng nakatitig
Luha para sa batang sigla
Ngiti para sa dalagang kumapit sa
pag-asa
Tatlong tao sa loob ng silid
Ang isa'y malaya
Ang isa'y mata'y basa
Ang isa'y naghahangad ng saya
YOU ARE READING
Mga Damdaming Isinalin sa Salita
PoetryReflection Compilation of poems I decided to write on random dates and times. Disclaimer: My poems don't strictly follow technical rules. I write them freely, guided by emotion, rhythm, and meaning rather than fixed structures or meters. I focus mo...
