30 - Myself

51 1 0
                                    


"Manang, hello po. Nakita niyo po ba iyong plato na ginagamit ko?"

Lumapit ako kay Manang at nagtanong nang marahan. Kaagad niyang itinigil ang ginagawa at lumapit sa akin nang nakangiti.

"Nando'n lamang sa lagayan."

I pouted and walked again toward the usual. Hinanap ko muli roon ang platong ginagamit ko palagi—mismong bili ko iyon.

"Wala po rito eh..." I said while finding.

Naramdaman kong lumabas si Manang at naglakad patungo sa akin. Napailing siya at natatawa habang pinapanood ang ginagawa ko.

"Nando'n na siya, hindi ba?" Tinuro niya ang isa pang cabinet.

Parang palabas na naglaro sa isipan ko na roon na nga pala nakalagay iyon. I chuckled and thanked Manang after reminding me. Kinuha ko roon ang plato ko at kumuha na rin ng utensils tsaka naglagay sa pinggan ng makakain. Umupo ako nang tahimik.

"Good morning, Servella! Good morning sa 'yo."

Lumingon ako kay Ate Andra mula sa sala. Niyaya ko siyang kumain. Nakita ko ang pagdaan ng awa sa kaniyang mga mata, na hindi ko alam kung bakit. Hinila ko nang marahan ang kaniyang palapulsuhan at pinaghandaan siya ng pagkain.

"Busy ka ba today? You want to do arcades?"

"Okay na po ako, Ate," I said while not looking directly. "Magbabasa lang po ako."

Naramdaman ko ang pagtango niya. Maya-maya ay nakita ko si Isla na bumaba mula sa kanilang hagdanan. Magtatanong palang sana ako kung kumain na siya pero sabi niya ay sa labas na raw siya kakain dahil naghihintay ang mga kaibigan niya. Tumango ako roon at bumalik sa tabi ni Ate Andra.

"Servella."

Tumingin ako kay Ate Andra at binigyan siya ng ngiti. "Po?"

She didn't answer me. Instead, she roamed her eyes around trying to notice some things that I don't know. Tumayo siya at hinaplos ang bawat muwebles na makikita, gayundin ang ibang mga disenyo. Maya-maya ay tinignan niya rin ang mga platong ginagamit namin, utensils, at pati ang ayos ng lamesa.

"Ate," natatawang tawag ko. "May problema po ba?"

Nag-angat siya ng tingin sa akin na para bang mali ang tanong ko. Lumapit siya at hinarap ako nang mabuti sa kaniya.

"Bakit po?" I asked out of concern.

"Are you okay?" she asked carefully.

Kaagad akong tumango at natawa kay Ate. Tinitigan niya ko na para bang sinusuri ako, kung totoo nga ba ang sinasabi ko.

"Nag-iba lang kasi iyong ayos ng halos lahat ng furniture niyo. I assumed it wasn't Isla who changed it. Sila Manang ba?" she asked.

Kaagad akong umiling at ibinalik ang tingin sa hapag-kainan. "Ako po."

"Oh," she answered. "Right..."

"Pinayagan naman po nila ako. Para bago rin sa paningin," I answered mindlessly.

Ramdam ko muli ang pagtango ni Ate.

"Nakapag-enroll ka na? Gusto mo samahan kita?"

Umiling ako kay Ate Andra at binigyan siya ng tipid na ngiti.

"Nakapag-enroll na po pala ako kahapon."

"Sige. Sabihan mo lang ako kapag may kailangan ka ah."

Whispers Echoing the Heavens  Where stories live. Discover now