"Thanks for letting me stay here with you, Priscilla." he whispered that sent shiver deep down my spine.

Naging mahirap para sa akin ang lumunok dahil sa biglaang panunuyo ng lalamunan ko. Kahit nang lagpasan niya na ako ay naiwan pa rin akong nakatayo sa kinaroroonan ko at hindi na nakagalaw pa. Tanging ang amoy nang mamahalin niyang pabango ang naiwan sa akin pero pakiramdam ko, nasa tabi ko pa rin siya.

It took me another minute to gain my composure back. Ni minsan sa harapan ng isang lalaki ay hindi ko pa naranasan ang matulala. A kiss on the cheek is just normal nowadays. Walang malisya, hindi dapat gawing big deal.

But why did I feel that this is my first time being kissed by a man? Wala pa man akong karanasan sa bagay na iyon sa ibabaw ng kama but my lips aren't virgin anymore. I've kissed some of the men I dated before!

Kaya bakit itong halik sa pisngi ko ay para na akong ipis na winisikan ng baygon kung kiligin?

"I'll place my bag beside your luggage. Do you mind?"

Suminghap ako matapos marinig ang boses niya, doon pa lang nakabalik mula sa sandaliang pagkahipnotismo mula sa halik niya sa aking pisngi.

Nilingon ko siya. I saw him looking at my direction. Kumurap kurap ako pagkatapos.

"Sure."

Ipinilig ko ang kung mga bagay na tumatakbo sa isipan ko at naglakad na papasok sa kwarto. I saw the sleepwear that I placed above the bed. It was a black nighties and a black kimono made of silk. It's a product of Luxwear.

Dahil walang sariling pintuan ang kwarto ay hindi ako puwede magbihis dito. I still have to go to the bathroom to change.

Kinuha ko na ang mga damit at naglakad pabalik sa banyo. Nahagip ng mga mata ko si Terrence. He was sitting on the couch, a dark gray laptop was placed above his legs. Salubong ang makakapal niyang kilay at tila ba may important eng bagay siya na inaaral doon.

Hindi ko talaga alam kung paano siya magkakasya sa couch na iyan mamaya sa pagtulog niya. Mamamaluktot siya kung sakali.

Pumasok na ako sa banyo at nagbihis. Nagsuklay na rin ako ng buhok at unti-unti itong tinutuyo ng tuwalya. Pagkalabas ko ng banyo ay natanaw ko si Terence na nasa ganoong posisyon pa rin. Only that there's a brown paper bag of a known coffee shop placed over the table.

Nag-order siya?

Binaliwala ko siya at pumihit na patungo sa gawi ng pintuan.

"Priscilla..."

Napahinto ako sa paglalakad at nilingon siya. He was staring at me through his menacing eyes that made my insides tremble even with the distance we have.

"Yes?" kaswal na sagot ko.

Ayaw kong mahalata niya na may hatid na kakaibang epekto sa akin ang presensiya niya. If there's one thing that I know I'm good at, that's faking my emotions so people won't take advantage of me.

"Coffee? I ordered two for us."

A coffee after getting a bit tipsy won't be that bad.

Nagkibit balikat ako at naglakad patungo sa couch. Naupo ako sa harapan niya. Inilabas niya ang isang styro cup mula sa paper bag at iniabot iyon sa akin.

"Thanks." sabi ko.

I crossed my legs while holding my cup. Sinadya ko ang titigan siya para malaman kung maaagaw ng mga hita ko ang atensyon niya. They said that my longs legs are one of my assets. Bukod sa mahahaba ito, maputi at makinis rin. They're even saying that these look like a mannequin's legs.

Monasterio Series 8: Nights in Casa Vallejo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon