He also graduated summa cum laude. He also loves sports so he is one of the popular varsity players in their school. Captain rin siya ng dati nilang school basketball team nung college kaya talagang nakaka-proud na naging boyfriend ko ang katulad niya. My ghad! Almost perfect na kaya siya! Nasa kanya na ang lahat na hinahanap ko.

Bigla naman akong nataranta nang biglang mag-ring ang cellphone ko at nakita ko sa caller I.D na si Rosales ang tumatawag. Tumingin naman ako sa labas ng bintana, wala pa si Kuya Samael kaya dali-dali kong sinagot ang tawag.

"Hey, there's something wrong? Bakit mo tinatanong kung nasaan ako? May nangyari bang masama sayo?" bungad na katanungan ni Rosales sa akin at bakas sa boses niya ang pag-aalala.

Yeah, marunong siyang magsalita ng Tagalog dahil ang Mommy niya ay isang pinay. Nakapag-aral pa siya sa Pilipinas at nanirahan ng ilang taon doon bago sila nag-migrate dito sa Sicily para dito na manirahan. Kaya hindi na kataka-taka kung bakit marunong siyang magsalita ng Tagalog.

Isa iyon sa mga nagustuhan ko sa kanya dahil pinangarap ko noon na kung magkakaroon man ako ng first boyfriend ay gusto ko ay isang Pilipino o kahit na may lahi man lang na Pilipino. At heto, dumating si Rosales sa buhay ko.

I sighed, "Plano ulit ni Kuya Samael na mag-homeschool na lang ako," malungkot kong pagbabalita sa kanya.

"Wait, why? Ano bang nangyari at magho-homeschooling ka na naman? Hindi ba't first day mo ngayon sa school?" halata ko sa boses niya ang labis na pagtataka.

Syempre, kinuwento ko naman sa kanya ang mga nangyari kung bakit naisipan na naman ng aking poging Kuya na sa bahay na lang ulit ako mag-aaral. Binanggit ko kay Rosales ang nangyaring pananakit sa akin nung babaeng estudyante at talagang natawa pa itong boyfriend ko nang sabihin ko sa kanyang first day ko palang sa school ay nadiretso na ako agad sa Guidance Office.

"Come on, don't laugh at me. Ako na nga itong nasabunutan, nasampal at nakalmot eh tapos tatawanan mo pa ako." tila parang bata kong pagmamaktol kaya tumigil na ang boyfriend ko sa pagtawa.

"Sorry, my princess. You are so cute while you are telling me what happened to you." aniya habang kapansin-pansin ko na nagpipigil siya ng tawa kaya lalo akong nakasimangot kahit hindi naman niya ako nakikita. Pasalamat siya, mahal ko siya.

"Pero okay ka lang ba? Hindi ka naman ba masyadong nasaktan at napuruhan nung babaeng iyon?" dugtong niya pa sa nag-aalalang boses kaya nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga.

"Well, okay naman ako kahit papaano. At least buhay pa ako," biro ko na ikinahalakhak niya kaya napangiti ako.

Ghad! Namimiss ko na ang lalaking 'to. Gusto ko na talaga siyang makita pero dahil patago ang aming relasyon kaya hindi namin magawang magkita. Minsan kasi kapag nakakahanap ako ng tiyempo na makalabas ay tumatawag ako sa kanya para makipagkita. Nakakapag-date naman kami ng patago pero nagagawa ko namang magsinungaling sa Kuya Samael ko kaya nakakaramdam na ako ng konsensya.

"So, balak ng Kuya mo na mag-homeschool ka ulit?" he asked.

"Mhm, yes. He is planning to hire a private tutor again para sa bahay na lang ulit ako mag-aaral. Actually, kausap niya ngayon ang School Dean at hinihintay ko lang siya dito sa kotse," sagot ko sa kanya.

"Paano ba yan? Mukhang malabo na magkita tayong dalawa.." puno ng kalungkutan niyang turan kaya muli akong napabuntong-hininga.

Tama siya, mukhang malabo na magkita kami dahil may dahilan kung bakit pinilit ko si Kuya Samael na makapag-aral ako dito sa school. Noong nakaraang buwan kasi ay nagplano si Rosales na pumasok bilang Teacher dito sa unibersidad. Tulad nga ng sabi ko, matalino ang boyfriend ko at dahil sa talino niya at maganda ang record niya kaya nagawa niyang makapasa na maging guro dito sa school.

IDLE DESIRE 8: THE MAFIA'S HIDDEN DESIRE (R-18) ✔Where stories live. Discover now