"So... You're really here."

Natigilan ako sa pag-iisip nang marinig ang pamilyar na boses. Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko ngayon nang makita ko siya sa harapan ko. Kaagad akong napatayo at niyakap siya.

"Ava!" I called her name. Kumalas ako sa kaniya at hinawakan ang kamay niya. "I haven't heard from you for years! Nag-alaala ako pero naiintindihan ko naman na baka busy ka—"

"Why are you here?" malamig na tono na aniya.

Natigilan ako sa sinabi niya. Dahan-dahan na nawala ang ngiti sa labi ko at inayos ang sarili habang tinitignan siya.

"Naimbitahan lang," natatawang tugon ko. "You cut your hair short. It suits you!"

"Can you just drop the act?" galit na aniya.

Ano'ng nangyayari?

"Ava, I'm sorry. Did I miss something?" I smiled.

She scoffed. "I know you're mad at me dahil ilang taon akong hindi ka na-contact."

"Hindi ako galit," I sincerely said. "I was worried, okay? Besides, naiintindihan ko naman dahil nag-transfer ka no'ng college. We were both busy."

"Oh, the ever understanding Servella!" she sarcastically said.

My smile slowly disappeared again. Nakaramdam ako ng sakit sa dibdib ko nang mapansin ang akto niya sa akin. Some people are already staring at us and it's making me uncomfortable.

"I really hate you," dugtong niya.

"Ava, sa labas nalang siguro tayo mag-usap kasi—"

"Ano'ng pag-uusapan natin?"

"May problema ba tayo?" mahinahon ngunit seryoso ko ng tanong.

"You have been my problem for years, Servella." Suminghap siya. "Sinadya kong hindi ka i-contact nang mag-transfer ako dahil hindi na kita gustong makita o makausap pa!" she exclaimed.

Napako ang paa ko sa kinatatayuan ko ngayon. Ang kaninang kaunti lang na tao ang nakakarinig sa amin ay talagang nakatingin na ngayon. I feel like every eye is piercing on me right now. Kaagad ko siyang hinawakan sa kamay para sana yayain na mag-usap sa labas, pero mariin niya iyon hinila mula sa akin.

"I'll text you nalang. We will talk about this—"

"No!" she said. "Kailangan mong marinig 'to ngayon para matauhan ka."

"But not here, Ava."

"Bakit? Nahihiya ka?"

"Dahil hindi tama. Hindi natin 'to bahay."

"Kamusta na nga pala ang mga magulang mo?" My hands suddenly reached for hers when I heard her open a topic but she pulled them away. "Hindi pa rin sila in good terms? Broken family ka pa rin?"

"A-Ava, not here, please?" Sinubukan kong ngumiti kahit nanlalamig na ako ngayon.

"Ikaw? Buti nga nakabalik ka pa sa pag-aaral. Akala ko titigil ka na. You lost so many friends, and I was the only one who stayed with you—"

"And I'm very thankful for that, pero tama na," I begged.

"Ang ate mo? 'Yong kapatid mong nabuntis nang maaga!"

"Ava!" I whispered desperately.

"Hindi mo ba alam na may ibang babae ang asawa ng Ate mo? Bulag ba 'yang kapatid mo? Kaya hindi umaangat sa buhay kasi umaasa pa rin sa asawa niya! Bakit naman kasi siya magpapabuntis nang maaga? Kasalanan niya rin kung bakit naghihirap sila ngayon!"

Whispers Echoing the Heavens  Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang